Chapter 5

12.1K 358 27
                                    



Mabilis lumakad si Alyssa kaya medyo nahirapan akong sundan siya. Ang lalaki ng hakbang niya. Kaasar. Isa na rin na humahawi ang mga nakakasalubong namin at pagdating sa akin ay bumabalik sila sa paglalakad sa gitna kaya hindi ko na siya naabutan. Mabuti na alng at sinabi niya sa akin na katabi kang yun ng office ni Miss Daquis. At saka may nakalagay na rin na sign sa labas ng pinto niya.

Alyssa C. Valdez
President of SSC

Hindi na ako kumatok sa pinto dahil alam ko namang she was expecting me. She was sitting like a boss nang pumasok ako. I guess she was really the boss.

"Upo." Utos niya. Di ba? Bossy talaga!

Umupo naman agad ako. Hindi ko alam pero hindi na ako natatakot sa kanya gaya ng pagkatakot ko sa kanya kahapon. Sabi naman nila Ella, mabait si Ly. Yung mga members lang ng frat nila yung bayolente. Kaya ayun, kampante akong safe ako kay Ly.

Tumayo siya at pumunta sa harap ko at doon nagpalakad-lakad back and forth.

"First and foremost, bakit mo binutas yung mga gulong? Hindi ba pumasok sa isip mo na kailangan mong bayaran iyon? Naka-freeze lahat ng bank accounts mo! And according to the school's rule book, you can't ask any help from your parents. So paano mo babayaran lahat yun?" She asked. Holy mother of cheesecakes! KAILANGAN KONG BAYARAN LAHAT YUN?! BAKIT HINDI PUMASOK SA ISIP KO YUN? Kasi nga pala, akala ko walang makakakita. Stupid move, Den!

Tumayo ako para harapin siya.

"WHAT?! Hindi ko naman alam yung rules ng school! Dahil una, walang nag-orient sa akin! Ano ba namang klaseng president ka, di ba?" Tanong ko nang nakapameywang pa.

"Seriously? May brain damage ka ba o sadyang baliw ka lang talaga? Sinong nasa matinong pag-iisip ang maninira ng gamit ng kapwa niya estudyante expecting na walang kapalit na parusa iyon? Tingin mo ba, yung ibang school hahayaan lang yung pagbutas mo ng mga gulong? Tingin mo ba talaga nasa rule book nila na pwede kang manira ng isang bagay, at hahayaan na lang ng may-ari yung ginawa mo? Hindi, di ba? Dahil common sense na iyon. Sana ginamit mo ang sentido de kumon mo.Okay, about sa pag-oorient na tinutukoy mo, Miss Lazaro. We were not informed na kahapon ang dating mo kaya hindi kami nakapagsched. At about naman dun sa anong klaseng president ako? I'm fair kaya hindi ko papalagpasin ang ginawa mo sa mga kotseng iyon." Sabi niya. Okay, she's right. Mali ko naman talaga pero hindi ako uurong.

"KASAMA RIN BA SA RULE BOOK NA PWEDE MONG TAWAGING BALIW ANG KAPWA MO ESTUDYANTE, MISS PRESIDENT?" Sigaw ko sa kanya. Napahimalos namn siya sa mukha niya. I think I just annoyed the hell out of her.

Huminga siya nang malalim at saka ako tinitigan. Marahas niyang tinanggal ang suot niyang sunglasses at saka muli akong tinitigan. And I got mesmerized by her brown eyes.

"You need to learn your lesson, Miss Lazaro. Ako na ang bahala sa lahat ng kailangan mong bayaran pero may kapalit iyon." Mahina pero madiing sabi niya. Nilayo niya ang kukha niya sa akin at saka bumalik sa upuan niya. Binuksan niya ang notebook doon at saka nagbasa. Teka, parang nakalimutan niya atang andito pa ako.

"Hoy. Anong parusa ko?" Tawag ko sa kanya. Inangat niya ang tingin sa akin at saka binaba yung notebook niya. Sumandal siya sa upuan niya at tila nag-isip pa.

Bigla namang bumukas ang pinto at niluwa nito si Ara na busy rin sa pagbabasa ng mga notes na hawak niya. Hindi niya ata ako napansin dahil dire-diretso lang siya hanggang sa makarating siya sa harap ni Alyssa.

"Napakadumi pa rin ng gym ngayon, Valdez. Blue Eagles ang naka-assign na mag-ayos dun. May balak ka bang ipalinis yun? Malapit ng magFriday. Another frat war again. Ano?" Sabi ni Ara na seryoso. Parang di siya yung Ara na nagcare sa akin kahapon. Okay, di naman kami close. I don't care.

She Who Dares WinsWhere stories live. Discover now