Chapter 23

13.8K 329 61
                                    


Chapter 23: The Choices

"Bei, what is this? Anong meron?" I asked. Pumasok kami sa isang room kung saan meron nang naka-set up na table. May mga bulaklak pa nga eh. And may dalawa pang may hawak na violin. Idk...

"Breakfast! I'm sure di ka pa kumakain. At saka lately, di talaga tayo nagkakasama. Hindi tayo nagkikita masyado dahil busy tayo pareho sa foundation. Tapos nitong weekend, di man lang kita nakita around. Pambawi lang." Sagot naman ni Bea na may kasama pang ngiti.

"I mean, we could eat breakfast naman eh. But with violinists and flowers? Seriously?"

"Don't you like it? Gusto ko lang everything's special pagdating sa'yo. Mamaya mo na ako awayin. Kain na muna tayo. I'm freaking hungry!" Sabi niya at saka hinila ako papunta sa may table. Again, hindi na naman ako makatanggi.

Pinaghila niya ako ng upuan at saka pinaupo bago siya umupo sa harapan ko. Nagstart namang tumugtog yung mga nasa gilid namin. (Play the media. Thanks :))

"So, how are you? Bakit hindi ka man lang lumabas sa mga rest days natin? I want to check up on you kaso medyo naging busy din ako sa training for the frat war at the end of this week." Tanong ni Bea.

"Uhm ayoko lang," matipid namang sagot ni Den. Parang ang awkward naman daw kung sasabihin niya sa harap ni Bea na si Ly yung rason dahil akala niya pinaasa niya lang ito.

"Actually, susunduin sana kita sa dorm niyo pero nakasalubong ko yung roommates mo and ate Gretch. Sabi nila hindi ka daw papasok. Buti na lang nakasalubong din kita. Bakit ayaw mo pala pumasok? Kung nagkataon, okay lang din dahil free cut naman lahat ngayon." Bea said.

"Nakakatamad lang kasi." Sabi na lang ni Den at nagpatuloy na lang sa pagkain habang nagkukwento si Bea sa mga ginawa niya last week.

Nang matapos na silang kumain. Huminto na rin sa pagtugtog ng violin ang dalawa nilang kasama sa loob ng room. Lumabas na sila pagkatapos at si Bea at Den na lang ang natira sa loob. Tumayo si Bea at lumuhod sa garap ni Den. Napakunot noo naman si Den.

"Yeah, this is weird. This is really weird for me dahil unang beses ko pa lang gagawin 'to...Den, you were that strong girl na unang nagstand up against sa inaakala mong "bully group" namin nila ate Ly. From the start pa lang, I really like such courage. Kahit kay ate Ly takot ako. Hahaha. Ikaw yung kauna-unahang tao na nakita kong matapang na hinarap siya. Kaya umpisa nun, nagustuhan na talaga kita. Kaso mukhang hindi mo ata ako napansin nun. Uhmmm, may aaminin ako sa'yo. Sinundan kita, mga ilang beses na. And bawat pagsunod ko sa'yo---"

"Bei, stand up, please. You could talk to me naman without kneeling in front of me eh." Pagsingit ni Den sa mga sinasabi ni Bea. She needs to stop her dahil parang alam na ni Den kung saan 'to papunta.

"Wait lang. Di pa ako tapos." Bea said naman.

"Please? Just sit there or what. Wag ganito." Sabi naman ni Den.

"Just let me finish this, okay. Ooops, ako muna magsasalita." Sabi naman ni Bea.

"Where was I? Right! Yun nga...bawat pagsunod ko sa'yo, parang nakikilala kita. Buti na lang I got the chance to talk to you and the chance to court you! Thank you for those chances, Den. They mean so much to me. Pero syempre, I can't court you forever. This has to end, di ba? After awhile, nakilala mo na rin naman ako siguro no? I like you so much, Den. I'm looking forward to love you until the end. I will protect you. I will take care of you. Alam ko namang wala ka pang nagugustuhan eh. And ako lang naman yung nakakasama mo. So Den, will you give me the right to call you mine? Will you be my girlfriend, Ms. Dennise Lazaro?" Bea asked with a big smile on her face. Den looked at her uncomfortably. Parang she wants to tell Bea directly pero she can't just break her young heart. Si Ly ang gusto niya, pero ayaw naman niyang maging dahilan siya bng pagkakaroon ng lamat sa relasyon ng magkapatid. Pero she needs to make a choice.

She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon