Chapter 20

13.4K 319 58
                                    



Chapter 20: Run Away with Me

"Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nagbibigay ng clues? Paano kung makilala niya tayo? Delikado!", sabi ng isang babae sa tinuturing nilang pinaka-pinuno ng grupo. Nasa isang room sila na nasa dulo ng school building.

"Yun nga ang plano ko. Ang makilala na niya tayo. Wag na nating patagalin yun. Ang patagalin natin ang paghihirap niya", sabi naman nito sa isa pang espiya.

Ang alam ng mga Valdez at ang mga taong nasa ilalim ng pamamahala nila ay iisa lang espiya...pero hindi. Masyadong matagal ng inihanda ito ni DLM kaya walang butas ang planong ito. Nagkalat na sa ADLSH ang mga espiya niya at pinamumunuan ito ng isang mautak na tao.

"Alam mo namang hindi uto-uto yang si Valdez. Hindi rin siya tanga. Bago pa niya tayo siguro makilala at malaman ang mga plano natin, nakahanda na ang mga papatay sa atin. Ano ba? Hindi mo ba naisip na pwede niya tayong mapatay in a snap?", sabi naman isa pa nilang kasama.

"Hindi naman niya magagawa yun. She's as fragile as a glass. Kahit tutukan niya tayo ng baril, hindi niya magagawa. Wag kayong masyadong matakot. At saka hawak natin si Bang. May alas tayo. Siguro yung Supremo pa na yun ang luluhod sa atin para patayin natin siya at masiguro niya lang na maging ligtas si Bang which hindi natin gagawin. We'll make Alyssa Valdez our slave gaya nang nangyari kay dad nang pinaalis nila ng mga Eagles noon dito sa ADLSH! Teka, are you backing out? Nagdadahilan na lang ata kayo para hindi natin ituloy yung plano eh. Subukan niyo lang. Isusunod ko kayo kay Valdez", sabi ng tinuturing nilang pinuno. Umupo ito at saka tinitigan ang pito niyang mga kasama.

Isa sa mga dahilan ng paghihiganti ni DLM ay ang paghihirap na pinagdaanan niya noong high school pa lang siya sa paaralang ito. Dahil sa mga pranks na ginawa ni Mr. Lazaro, Mr. Galang, at Mr. Valdez, napaalis si DLM. He was sent by his father to Germany at doon ay naging alipin siya. He joined a Filipino mafia doon at siya mismo ang pumatay sa leader nito kaya biglaan ang pagyaman niya.

Hindi lang naman siya ang may galit sa tatlong leader ng Valdez empire. Marami silang naghirap nang dahil sa mga kalokohan ng tatlo kaya marami siyang nahikayat na gantihan ang mga ito.

Nang malaman niya nandun din sa Germany ang pinakabatang Valdez ay nagplano na agad siya ng mga gagawin niya dito. Alyssa was just 10 years old that time. Nang dumating naman ang araw na gagawin na niya ang plano, umuwi naman ng Pilipinas kay masyado siyang frustrated noon. Ginamit niya ang anak niya para mas mapalapit sa mga Valdez. Lalo na nang narinig niya na open na ang school for girls. Sinend niya at ng mga kasamahan niya ang mga anak nila para gawing espiya. Bata pa lang ang mga ito ay naturuan na sila na mga masasama ang mga Valdez kaya malalim na rin ang galit nila kay Alyssa bago pa naman nila makilala ito.

"Hey, wag kang magalit sa amin. Bang's weak. She's too weak at baka hindi na siya ma-recognize ni Alyssa o kaya ni Ara. And hindi kami magbaback-out. Not now na malapit na tayo sa end ng larong ito. Eh ano palang plano mo? Mas madali sana kung hindi mo muna sinira yung connections ng CCTV cameras. Mas mapapalapit siya sa bitag natin."

Sasagot na sana siya nang may biglang pumasok sa secret room nila. Isa itong lalaking may suot na salamin. Agad itong lumapit sa pinakahead ng mga espiya. Kung si Valdez ay nag-under sa training ng kanyang ama, maging siya ay ganun din.

"Hey, I think okay na sila Ara at Alyssa. I saw them walking together papunta sa Student Council room. Silang dalawa lang ata ang mag-uusap dun. Hindi ba nagpatawag ng meeting yun? Bakit wala ka dun?"

"Learn to knock, Kiefer. Kung nandito lang ang baril ko, papaputukan agad kita kahit na nasa pinto ka pa lang", naiiritang sabi niya. Kiefer. He was a spy too. A spy ever since na pumasok si Alyssa sa school na yun. The plan was get Alyssa closer to him pero he failed. Masyadong malayo si Ly sa mga lalaki. And Alyssa doesn't hang out with people she barely knew kahit na under their company pa ang pamilya ni Kiefer.

She Who Dares WinsKde žijí příběhy. Začni objevovat