Chapter 21

16.3K 363 103
                                    


Chapter 21: Cliff

[Before the Foundation week :)]

"Dad? You here?" Sabi ni Alyssa habang papasok siya sa mansyon ng kanyang ama. Again, tumakas na naman siya sa school nila sa pamamagitan ng lagusan sa likod ng abandonadong gymnasium.

Nang wala siyang marinig na sagot ay dumiretso na ito sa office ng kanyang ama sa second floor. Medyo madilim sa bahay nila at tahimik dahil ang kanyang ama lang naman ang nakatira doon kasama ang mga guards at kasambahay nila. Silang dalawa kasi ni Bea, sa ADLSH na muna nakatira.

Tumigil sa paglalakad si Alyssa nang marating na niya ang pintuan papunta sa opisina ng nakatatandang Valdez. Huminga siya nang malalim bago kumatok. . Ilang saglit lang ang lumipas ay bumungad sa kanya ang naka-suit niyang ama. Nagulat ito nang makita ang nag-iisang babaeng anak.

"Alyssa, why are you here? Pasok ka muna." He said. Binuksan niya ang pinto at pinapasok ang anak sa opisina. It was already midnight pero marami pa ring paperwork si Mr. Valdez kaya gising pa rin ito. Si Alyssa naman ay marami pa rin katanungan kaya naisipan niyang puntahan na lang ang ama para sa kasagutan. Dahil sa lahat ng misteryo, ama naman niya ang makakasagot ng mga ito.

Umupo si Alyssa sa black couch. Well, everything's inside is either black or white. It's like the color of the Valdezs

"Hey, bakit ka andito? Nakalabas ka ng school? Di ka hinuli ng mga tauhan ni Revilla?" Tanong ng tatay niya sa kanya pagkaupo nito sa tapat niya.

"Dun ulit sa lagusan, dad. Actually, parang ang luwag ng mga Revilla ngayon. Parang back to normal na ulit yung school. Yun lang. Hindi ko makita si LA. Hindi siya pumapasok sa klase. Parang nagkulong na lang agad sila sa villa nila. Parang biglang naglaho na lang sila na parang bula. Pero yung mga tauhan nila, andun pa rin. Pero yun nga, hindi na mahigpit." Sagot naman ni Alyssa.

"Hmm. It's because Revillas are already on our side." Sabi ng ama niya na may malawak na ngiti. Napakun-noo naman si Alyssa sa narinig.

"What, dad?! Don't trust them! Galit sila sa akin! And I don't even know why!" Sigaw ni Alyssa.

"Ly, listen to me first, okay. Calm down. Alam ko na ang rason kung bakit galit na galit sa'yo ang mga Revilla. It was because of Luigi. The guy they thought you killed. When in fact, he's just in coma." Sabi naman ng ama niya.

"Yeah, Luigi's alive! Anong connect nun sa galit nila sa akin?! And that guy doesn't even deserve to live pero binuhay pa natin! That guy they thought I killed was the guy who killed Bang! I just don't see the reason, your reason for making that guy live. Dad, four years na siyang ganun, why just can't we end his life? He's no use at all!" Sigaw ni Alyssa sa daddy niya.

"Kasi kapatid siya ni LA? Look, Ly. LA hates you to death because he thought you killed his brother. Yes, Luigi and Luis are brothers. They were spies under that org named DLM. Why am I letting Luigi live? Dahil magagamit natin siya para bumaliktad ang mga Revilla sa mysterious DLM na yun. We could use their manpower, Ly. And after all, all they want from us is the diamonds buried under that school my father built." Mahinahon na sabi ng kanyang ama.

"Magkapatid sila?"

"Oo nga. Anyway, why are you here? Di mo pa rin sinasagot ang tanong ko kanina. May something sa pagiging maluwag ng mga tauhan ngayon. Dapat di ka muna umalis doon. Yung DLM na may control sa loob. Dahil sila rin naman ang boss ng mga Revilla." Sabi niya kaya tumango si Alyssa.

"Uhm dad, kasi yun nga. That DLM has been sending me letters. Like clues actually. Like someone from the past wants his revenge. I don't know, dad. That's why I'm here. I want to ask questions from you. I want to know things. Baka makatulong para makilala ko kung sino si Löwe. Or baka kilala mo na siya. I just want to know kung sino yung kalaban ko, kalaban natin." Sabi ni Alyssa.

She Who Dares WinsWhere stories live. Discover now