Chapter 18

10.7K 290 18
                                    

Chapter 18: The Killer

Monday again! Ngayon na sasabihin sa amin ang resulta ng mga duguang test na yun! I actually didn't care about my grades before pero sa ngayon may pake na ako. Man, I knew I did great kaya kung may bagsak pa ako, ewan ko na lang.

As usual, I was walking alone in the hallway. Pero sa kasamaang-palad, akala ko lang pala iyon. Nakasalubong ko si Myco pero hindi pala salubong ang term dahil bigla niya ako hinila papunta sa isang room. Di na ako nakapalag dahil ang bilis lang ng pangyayari.

"Myco, ano ba?! Bakit mo ako dinala dito?!" Sigaw ko sa kanya. Sinara niya yung pinto at saka kabado akong tiningnan. Para siyang papatayin mamaya kung makaasta ngayon. He wiped his sweat off at napasabunot pa siya sa buhok niya.

"Ano bang problema mo? Humingi ka na lang ng tulong sa mga ka-frat mo kung meron ka amng problema, okay? Hindi yung mandadamay ka pa." Sabi ko sa kanya at saka tinalikuran siya pero pinigilan niya ako.

"Ano ba?!" Sigaw ko ulit sa kanya at saka marahas na itinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Den, I don't think we could trust anyone here. They are all have something in common. We should get out of here." Mabilis na sinabi niya sa akin. Muntikan ko ng hindi marinig dahil sa pagbulong niya pero dahil sa emphasis ng bawat salita ay naintindihan ko naman. Pero ano yung sinasabi niya?

"What the hell are you saying?" Tanong ko sa kanya.

"Everyone here is a part of organizations, black organization to be exact. Yung mga nag-iillegal, Den. Lalo na yung Alyssa. Yung supremo nung kabilang frat. She's the daughter of Ruel Valdez. Siya ang susunod na magmamana ng Valdez Empire." Sabi niya pa.

"Black organization? At saan mo naman napulot yan, Myco? Alam mo, kung maninira ka lang ng tao, yung kapani-paniwala naman. Kung black organization ang meron ang mga Valdez, sure naman akong hindi si dad ang magiging lawyer nila sahil tapat na lawyer yun. And as far as I know, tapat lang din naman ang mga Valdez sa country natin na kaya nilang sumunod sa batas ng bansa. Kung saan mo man napulot yang mga information na pinagbabasehan mo, itapon mo na pabalik doon. Napakanonsense kasi." Sabi ko naman sa kanya. I know things too pero may mga bagay na hindi ko na dapat pang alamin dahil hindi ko naman kailangang dapat alamin.

"Tingin mo magsasalita ako nang basta-basta sa'yo? Den, nagresearch ako the whole na nagstay ako dito! And surprisingly and shockingly, ang dami kong nadiscover! Una, we're almost doomed at wala na tayong takas dahil nakapasok na ang mga Revilla dito sa school of diamonds. Hindi sila mag-iinvestigate about dun sa pagbugbog kay LA. Pumasok sila para pabagsakin 'tong school, Den! At patayin din si Valdez----"

"I know about that, Myco. I've heard about that." Singit ko sa mga pinagsasabi niya.

Nagtaka naman siya dahil sa sinabi ko.

"Aren't you scared, Den? Those guys could kill us right away! At alam mo ba kung bakit pinapasok ng mga Revilla 'tong school na 'to? Because they want freaking revenge on the Valdezs."

"Revenge?"

"Revenge on Alyssa. Because Alyssa killed the missing guy of this school. Siya ang dahilan kung bakit wala na si Luigi. Yung kapatid ni LA. Si Alyssa mismo ang pumatay sa kanya." Sabi niya na nagpatigil ng mundo ko.

Alyssa can't do that...she can but she won't.

"She thought Luigi killed her friend, Bang Pineda, four years ago. Nagkaroon silang dalawa ng engkwentro sa gymnasium through frat war. Merciless Alyssa got Luigi beaten up. His face was beyond unrecognizable. Luigi got confined in the ADLSH Hospital. Alyssa visited him there at doon niya na pinatay dahil nga akala niya, si Luigi ang pumatay kay Bang. Lumayo ka na sa kanya, Den. Your father is a part of this emoire dahil magkaibigan sila ni Ruel Valdez noon. Yun ang nakikita kong dahilan."

She Who Dares WinsWhere stories live. Discover now