Chapter 10

14.2K 310 32
                                    



4 pm at nasa office pa rin si Ly. Inihahanda niya ang sarili niya sa pagharap niya sa ama ni LA. Nang matapos naman siya ay inaayos niya ang mga records ng mga estudyante. Hindi pa rin siya kontento kaya nagbasa na lang siya ng libro. Iyon ang naabutan ni Bea na nagmamadaling pumasok sa office niya kaya nakalimutan nang kumatok.

"Supremo! Supremo!" Sigaw niya na nakangiti sa tapat ng table ni Ly. Nakapatong pa ang dalawa nitong kamay sa lamesa niya. Kitang-kita sa mukha nito ang kasiyahan sa kanyang mukha.

Binaba at isinara ni Akyssa ang libro at saka takang tiningnan si Bea.

"Tone down your voice, Bea. Anong meron at excited ka?" Tanong ni Alyssa.

"I heard the song."

"And?" Alyssa asked at saka napaupo nang maayos. Nakatayo pa rin si Bea.

"Di ba may studio ka?" Tanong nito.

"Oo. Bakit? Anong meron?" Ly asked.

"Gusto ko rin mag-request!"

"Request?"

"Di ba kasi may nagrequest naman siguro sa'yo kanina? Gusto ko lang i-try. Kasi there was this girl na gusto ko sanang paringgan. I can't say anything kasi kapag andyan siya. Hindi nga rin ako makalapit kasi nahihiya ako pag andyan siya. I was kind of hoping na through your studio, I could voice out this 'crush' towards her." Sabi ni Bea. Ngayon ay nakatayo lang ito at pinaglalaruan ang kamay niya. Hindi siya makatingin kay Ly dahil nahihiya siya.

Umamo naman ang mukha ni Ly. She considers Bea as her baby sister dahil nga siya na rin ang bunsong Valdez. Wala siyang inaalagaang kapatid. Kaya nung dumating si Bea, she became her baby sis. She spoils her kahit ayaw naman ni Bea. Pero sa ngayon, Bea needs her ate Ly's help.

"Aww. My baby sis needs help. Pero wala namang nagrequest kanina." Sabi ni Alyssa.

"Ha? Sino yung nagpatugtog? Don't tell me ikaw? Iba naman boses nun ah. Pero kung ikaw, para kay ate Lau? Nagkabalikan na kayo agad?" Tanong ni Bea dito.

Ayaw namang ipaalam ni Ly na siya nga iyong nagpatugtog. No one should know dahil sinigurado niyang huling beses na niyang gagawin iyon. Hindi na mauulit ang pangyayaring iyon.

"Someone you don't know, Bei. Ayaw niya rin namang ipaalam kung sino siya. Anyway, sino ba yang tinutukoy mo? Eagle ba yan?" Tanong ni Ly at saka tumayo para harapin si Bea. Well, Maddie and Therese were linked to her. Iniisip ni Ly na baka isa sa kanila.

"No. She's a commoner. I hope you won't get mad kasi she's not us. She's stronger naman than some of Eagles eh. Mas malakas pa siya dun kila Maddie. Kaso yun nga, di pa kami nagkakausap kasi natatakot ako sa kanya. She's intimidating kaya. She got this look na matatakot ka pero maganda pa rin siya. Super puti! She looks so sweet! Argh! Ang ganda talaga niya!" Bea said with dreamy eyes. Ly smiled seeing her baby sis smile like this.

"I won't get mad naman. Seeing you happy like this, it's okay. Okay lang kahit hindi siya Eagles. Teka, sino ba 'tong tinutukoy mo?" Tanong ni Alyssa na may ngiti din sa kanyang labi.

"The new kid km town. Dennise Lazaro? Remember? Yung pinarusahan mo last time dahil binutas yung gulong nila Therese? Man, I've admired her for that! Grabe! Walang takot! Buti nga, di na siya binalikan nung lima eh. Kapag nangyari yun, ako na aaway sa kanila. Anyway, Supremo. Okay lang ba? I want to play a song. Kahit isa lang! Tapos na rin naman ang klase eh. And uwian na rin naman nila. Promise, ngayon lang." Sabi ni Bea na magkadikit pa ang dalawang palad na parang nagmamakaawa talaga.

Nagulat si Ly. Di niya ineexpect na si Den pala yung kinukwento sa kanya ni Bea. Siya pala ang dahilan kung bakit parang laging missing in action si Bea. This week kasi ay nababalitaan niya na may iniistalk daw itong si Bea tuwing class hours.

She Who Dares WinsWhere stories live. Discover now