Chapter 25

12.3K 319 20
                                    

Chapter 25: A Dream
(This chapter is an early gift from a kewl kid. Enjoy reading!)

I don't know what's happening...It just felt like the whole world was on my head. Sobrang bigat at sobrang sakit niya. Kanina pa ako gising pero hindi ko muna minumulat ang mga mata ko dahil feeling ko, mabubulag ako pag ginawa ko iyon. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko nang may naramdaman akong paggalaw sa kanang bahagi ng kamang hinihigaan.

Teka, nasaan nga ba ako? Wala akong matandaan. Sino ba ang kasama ko dito?

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tinitigan ang kung sino mang nakatingin sa akin. Hindi ko gaanong naaninag ang kanyang mukha dahil nag-aadjust pa yung mata ko sa ilaw.

"Hey, Den, do you want anything? Gusto mo ba ng tubig? May masakit ba sa'yo?" Sunud-sunod na tanong niya sa akin. Boses pa lang, alam ko na kahit di ko pa rin maaninag ang mukha niya. Si supremo pala.

"I want..."

"What? Cake? Ice cream? Fruits? Ano? I'll get you some." Sabi niya. Nang nakapagfocus na ang mata ko sa kanya, bahagya akong napangiti dahil mukhang nag-aalala nga siya. Pinilit kong umayos ng upo at inalalayan niya naman ako doon.

"Ouch!" Pag-iinarte ko. Hahahaha. Wala lang, ang rare lang kasing makitang nag-aalala si Alyssa. Susulitin ko na. Baka bumalik na naman siya sa always fierce look niya. Alam niya sigurong nakakaattract yun.

"Uy, teka! Anong masakit sa'yo?" Agad niyang tanong.

"Masakit 'to." Sabi ko pero wala naman akong tinuturo.

"Ha? Saan?" Tanong niyang muli.

"Ito nga..." Sabi ko na naman at again, wala pa rin akong tinuturo. Nag-iinarte lang talaga ako. Mukhang gusto na niya akong bulyawan gaya ng dati kaso pinipigilan niya ang sarili niya. Mukhang kagigising niya rin lang gaya ko kaya medyo bad mood siya. Hahaha, ang cute ng Aly ko.

"Den, please tell me where it hurts. Para naman maagapan natin." Mahinahon niyang sinabi sa akin.

"Dito, supremo." Sabi ko at tinuro yung labi ko. Bigla namang napakunot ng noo si Alyssa kaya natawa ako. Patuloy lang ako sa pagtawa habang siya naman ay tumayo nang tuwid at tiningnan lang ako.

"Okay, walang masakit. Hahaha." Sabi ko na may kaunting halo ng tawa pa rin.

"I was not joking, Den." Monotonous na sabi niya sa akin kaya napatigil na ako sa pagtawa. Tiningnan ko siya at mukhang hindi nga siya nagbibiro. Gaga, Den. Kailan ba nagbiro sa'yo yan?

"Sorry. Uhmmm"

"It hurts, right? Let me give you a remedy." She said and kissed my lips...wait...what?!

Mukha akong poste (na nakaupo, wait, may ganun ba?). It lasted for 5 seconds dahil biglang bumukas yung pintuan at napatigil siya at madaliang tumayo.

"DENNISE, YOU'RE FINALLY AWAKE!" Sigaw ni Ella na may dalang mga prutas na binitawan niya rin upang mayakap ako. Kasunod niya sina ate Fille, Gretchen, Kim, at Ara na may tulak tulak na  wheelchair kung saan may nakaupong babae. Medyo parang pamilyar siya sa kin. Parang nakit ko na siya before. Anyway, nakangiti ito kay Alyssa na nakatayo lang sa gilid ko na bigla atang pinagpawisan.

"Ouch." Sambit ko nang maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Ella at ni ate Fille. Agad din naman silang humiwalay sa akin kaya nakahinga din ako nang maluwag.

"Hehehe, sorry, Den. I just missed you. You've been sleeping for three days na and yun nga, ngayon ka lang nagising." Ella said.

"Three days?! How..why...what happened? Did I just get into some accident or what?" I asked. Wala akong maalala. Medyo masakit pa rin kais ulo ko eh.

She Who Dares WinsWhere stories live. Discover now