Chapter 30

15.7K 343 87
                                    



Babala: short update kasi huli na hahaha

Chapter 30: Endings Are Sometimes Happy Beginnings

It has been months since that traumatic scene happened. Dapat nga ay sanay na ako sa ganun dahil lumaki naman ako na ganun ang nangyayari sa paligid ko, pero hindi eh.

Kapatid ko yun. Kapatid na matagal kong hinanap. Yung mga kuya ko kasi nasa ibang bansa naman at ako lang ang naiwan dito kasama si dad. I didn't know na may mas bata pa pala sa akin. And apparently, tinuturing niya akong kalaban this time.

Sana lang, she's in peace right now.


"Ly, you ready?" A girl interrupted my thoughts. I smiled when I saw her in her pink and white dress. Malaki ang ngiti niya sa akin kaya ginantihan ko yun.

"Wait lang, babe. I will talk to mom pa." Ang sabi ko naman. Andito kami sa likod kung saan nakalibing si mom. Sinamahan niya ako kahit na lagi na kaming nandito.

"I'll just wait for you inside the car. Bilisan mo ha? Baka ma-late tayo sa graduation nila ate Fille." Sabi niya. Tumango ako at saka. I stole a quick peck on her lips at hinampas niya lang ako nang mahina.


"Mom! Yung anak niyo oh!" Pagsusumbong niya habang palakad na siya palayo.mTumawa na lang kaming dalawa.


Pagkatapos nun ay bumalik siya sa kotse at saka iniwan ako sa may puntod ni mom.


Pag sumagot sa'yo 'to, Den, matakot ka na.



"Mom, ang kulit ni Den, di ba? Kaya siguro nagustuhan naming pareho ng kapatid ko. Sayang lang at di ka niya nakilala. Baka pag nangyari yun, walang mangyayaring ganito. Naka-move on na silang lahat. Ako na lang hindi. Kahit si dad, sumuko na rin ata sa paghahanap sa kanya. He keeps on telling me na hayaan na muna namin si Bea dahil masyadong bago sa kanya yung nalaman niya. Ni hindi nga kami sure kung buhay pa siya. No body found. Kung bago yun sa kanya, sa akin din naman ah? Ayoko lang na mag-isa siyang haharapin yun." Pinunasan ko ang luhang pumatak mula sa kaliwang mata ko. I still get emotional. I miss Bea so much.



"Tama na nga. Papagalitan na naman ako ni Dennise. Sasabihin na naman nun napakaiyakin ko daw. Ang tapang tapang ko tapos lagi akong iiyak. Hahahaha. Sige, mom. Baka naiinip na yung sa graduation. Akala mo naman siya yung graduating. Mahirap na, ako pa sisihin nun." Sabi ko at saka tumakbo papunta sa sasakyan.


Pumasok ako sa sasakyan at saka ngumiti kay Den. Ang sama na naman ng tingin niya sa akin.

"Oh? Bakit?" I asked.


"Sira na make-up mo!" Pagtukoy niya sa nasira kong make up dahil sa pag-iyak.


"Tsss. I like it this way." Sabi ko na lang at saka nagdrive papunta sa gym. Minake-upan niya ako kasi trip niya daw. Parang ewan lang. Pag tinanggihan, magagalit. Labo.


We arrived na marami-rami na rin ang tao. So glad na reunited na ang mga batchmates ko with their family. Bago kasi sila pumasok dito, galit sila sa parents nila at ganun din naman ang parents nila sa kanila. Napakasaway namin eh. Siguro, we learn to value things that really matter.

Kasi pag nandun ka na sa bingit ng kamatayan, mga bagay na kinakatakutan mong maiwan ang unang papasok sa isip. That includes our parents. So much happiness in our campus! It's been awhile!


Anyway, iniwan ko si Den kila tito Mike and went to my friends na nagkukumpulan sa may photo booth.

Btw, nagalit sa akin si tito Mike that night I asked Den. And nope, nothing happened. Basta nagkwentuhan kaming dalawa hanggang sa nakatulog ako sa room ni Den. Tapos tito Mike, being a worried dad, pumasok sa kwarto ni Den. Yun, naabutan niya kaming dalawang magkatabing tulog. Nasermonan ako. Dad called tapos pinagtawanan lang ako. What a day. Pero okay na kami ngayon hahaha. He just gave a warning.


She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon