Chapter 24

12.7K 353 44
                                    


Medyo sabaw 'to hahahaha. Enjoy reading. :)

(No updates soon)

Chapter 24: Mission Almost Impossible: Save Bang...

"Where's Alyssa?" Kim asked. I just looked at her. Hindi talaga ako sang-ayon sa pagpunta ni Ly sa taas nang mag-isa. Kaso we can't go there. Siya lang ang nakakaalam nun. I mean siya lang ang may kayang i-handle yun. Syempre, magkaibigan pa rin naman kami kaya nag-aalala ako...kahit na matagal na rin naman kaming hindinnakakapag-usap na gaya ng dati.

I looked around. Nasa park kasi kami eh. Andito yung mga schoolmate namin. Kailangan naming makihalubilo sa kanila para di sila magtaka. With the spy around, kailangan kong mag-ingat sa mga sinasabi ko. I'm quite sure na pinapabantayan ng kung sinoman ang bawat taong malapit kay Ly.

"I don't know. I can't hear a thing. Puro paghinga niya lang. Hindi naman niya ako kinakausap." Sabi ko sa kanya. Ly has this thing attached to her shirt kung saan maririnig ko kung ano man ang sinasabi niya. Pwede niya akong kausapin kaso di ko naman siya makakausap. Yun lang ang problema. Paano kung may gusto pala akong ipaalam sa kanya? Paano kung gusto kong humingi ng impormasyon? Hindi niya yun masasabi sa akin. Hindi ko siya matutulungan agad kung kakailanganin man niya ang tulong ko. Knowing Alyssa, itatago niya lang sa sarili niya ang lahat ng ito. Kung pwedeng siya na lang ang magsosolve sa problema, gagaein niya yun. Ayaw niyang mangdamay ng ibang tao.

"Vic, look, delikado si Alyssa dun. Tara, puntahan na natin siya." Suhestyon ni Kim. I shook my head. Sa tagal ko nang kilala si Ly...alam kong magagalit siya. Ayaw niyang hindi sinusunod ang sinasabi niya. Hindi man niya ipakita yun, alam kong naasar siya pag walang sumusunod sa kanya.

"No, Kim. Maghintay na tayo dito. Kailangan din nating bantayan itong mga kasama natin para walang makasunod kay Alyssa sa taas." Sabi ko sa tila kinakabahang si Kim.

"Pero Vic, kinakabahan na kasi talaga ako. Basta ano...basta may mali! Kung ayaw mong umakyat, ako na lang." Sabi ni Kim.

Hinawakan ko siya sa balikat at pinaupo nang maayos. Tumingin ako sa palgid dahil baka may nakamasid sa amin. Mukhang wala naman.

Maging ako rin naman ay kinakabahan. Maganda ang panahon ngayon. Di gaanong mainit pero ramdam ko sa hangin na may mangyayari. Parang may binubulong yung hangin sa tainga ko. Siguro kung kasama ko si Ly, ganun din ang mararamdaman niya. Kaso nandun siya sa taas at malaki ang posibilidad na sa may mangyayaring masama sa kanya.

"Alam ko, Kim. Ramdam ko din. Pero kailangan nating sundin si Alyssa." Sabi ko. May sasabihin pa sana ako kaso biglang naramdaman kong may papalapit. Napatigin ako sa parating at ganun din si Kim.

"Oh, Den, anong ginagawa mo dito?" Kim asked na sobrang gulat. I just looked at her. This girl, I know Ly likes her. Head turner naman kasi talaga. Actually, may gusto ako dito kaso wag na lang. Ly likes her. Kaya nanahimik na lang ako. At saka, infatuated lang siguro ako dito. Maganda si Den eh. And I've seen how she changed Alyssa...I mean how she brought the old Ly back again kahit na madalas lang sila mag-away. Palagi ko kasi silang sinusundan. Nakatago lang ako habang magkasama sila. And those times? Nakita ko namang mahal nila ang isa't isa.

"Nasaan si Ly? Tapos na meeting niyo ah? Saan siya nagpunta?" Den asked.

Nagkatinginan kami ni Kim. Sa tingin ma iyon ay nagtalo kami kung ano ba dapat ang sasabihin namin. By the looks of it, baka magpanic si Den pag sinabi na,in kung saan nagpunta si Alyssa. Baka masira pa yung kung anumang plano ni Alyssa.

She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon