Chapter 7

13.1K 338 12
                                    



Nalasahan ko ang alak sa labi niya. Tiningnan ko rin ang mga mata niya at nakita kong mapupungay ang maga ito. Isa lang ibig-sabihin nun, nakainom siya.

"Are you drunk?" I asked. I was still cornered by her. Ang sarap niyang sampalin ngayon pero dahil mukhang di naman niya alam ang ginagawa niya, papalipasin ko na 'to. Siguro ay kaya ganun na lang ang nagawa niya sa mukha ni LA kanina dahil di niya control ang katawan niya. Kaya siguro para siyang halimaw na walang awa kaninan.

"A little bit lang." Sabi niya sa akin. Dahil malapit pa rin ang mukha niya sa akin ay amoy na amoy ko ang alak sa hininga nito. Instead of covering my nose, mas inamoy ko pa ang hininga niya. Pinaghalong mint at alak ito at swear, ang bango-bango ng dating nito sa akin. I hate the smell of alcoholic beverages pero sa ngayon ay nabanguhan ako dito.

"As for your punishment, ihatid mo ako sa dorm namin." Sabi niya at saka kinuha ang susi siguro ng kotse niya at saka binigay sa akin. Binuhat niya ako para itabi sa pintuan ng sasakyan niya. Gosh! Parang bag lang ata ako sa lakas niya. Pumasok siya sa loob ng sasakyan at naiwan ako sa labas na nakatingin lang sa kanyang pirming nakaupo sa passenger seat. Kahit na malapit lang yung dorm nila sa gym, nagdala pa rin ng sasakyan. Katamaran!

Pumunta na ako sa may kabilang side at pumasok sa may driver seat. I looked at her. Nakacross arms pa ito at nakapikit. She was still wearing her sports bra kaya exposed pa rin ang abs niya. Good thing na madilim dito kung hindi...nako.

"You can touch it if you want." Biglang sambit niya at saka nagmulat ng mga mata at tiningnan ako nang may ngisi sa labi.

Biglang umakyat ang dugo ko sa mukha ko at saka umiwas ng tingin sa kanya.

"As if gusto kong hawakan yan." Mataray kong sabi ko sa kanya. She chuckled at muling bumalik sa pagpikit ng kanyang mga mata.

Inistart ko na ang engine ng sasakyan at saka tinahak ang daan papunta sa dorm nila. Mabilis lang naman ang aming itinakbo dahil sobrang lapit lang naman talaga ng dorm nila sa gym. Parang BGC lang to Market Market o kaya SM Aura.

Nauna siyang lumabas at pumasok sa dorm niya. Pinatay ko ang makina ng sasakyan at saka siya sinundan. Dahil mas mahaba ang mga legs niya sa akin, kaunting steps niya pa lang ay malayo na agad siya sa akin. Tumakbo ako para mahabol siya at maibigay na rin yung susi ng sasakyan niya. Hingal ko siyang hinarangan at saka itinapat sa mukha niya yung mga susi.

"Your keys." Sabi ko. Kinuha niya yung susi pero hinawakan niya din yung kamay ko at hinila ako papasok.

"Good evening, Supremo. Good evening, miss." Bati namin nung receptionist pero hindi ito pinansin ng dakilang supremo. Patuloy lang siya sa paghila sa akin hanggang sa makapasok kami ng elevator. What the fuck? Elevator?! Seriously?! Sa dorm namin, hagdan lang tapos sa kanila, may elevator?

Binitiwan niya rin ang kamay ko nang makapasok kami sa loob. Muli siyang pumikit at sumandal sa wall ng elevator.

"Hoy, bakit walang floor numbers? Bakit isa lang yung button?" Tanong ko sa kanya. Pipindot sana kasi ako ng floor number pero arrow up lang yung nadung button. Agad naman tumunog ang elevator indicating na nasa pinakamataas na floor na kami. Actually, hindi lang naman maliit na building ang 'dorm' dito. Sa dorm namin ay may limang floors. Each floor has 13 rooms at bawat room ay composed ng tatlong estudyante. Sumatotal na may 5 dorms para sa babae at ganun din sa mga lalaki para sa commoners. Tanging Archers lang ang nakahiwalay sa linya ng mga dorm pero kagaya ng sa amin, nakahiwalay ang babae sa lalaki. Magkabilang dulo ang dalawa linya ng mga dorm.

"Valdez." Sabi ni Alyssa sa parang isang speaker doon.

"Voice recognized. Welcome, Supremo Valdez." Sagot naman nung speaker at saka bumukas ang elevator and to my surprise, it was a large room. Nakapatay ang ilaw pero kita naman ang labas ng dorm. Parang kitang-kita ang buong ADLH from here. Kahit na maliliit na ilaw lang ang nakikita ko ay alam kong overlooking ang room na ito. Pumasok si Alyssa at saka binuksan ang ilaw. Mas lalo naman akong napanganga dahil sa laki at laman ng room na ito. The room was painted white at ang floor ay carpeted na red.

She Who Dares WinsWhere stories live. Discover now