Nagbihis ako ng peplum skirt at black sleeveless top. Walang cleavage kasi baka magalit siya. Dahil naka allblack ako, nilagyan ko ng gold necklace at nagsoot na rin ako ng gold bangles. Hayan! Tapos na akong mag blow dry ng buhok, nilagyan ko na lang ang labi ko ng brick red lipstick, Viola! Solve!

"Tayo na?" Sabay hila ko sa bagahe ko.

Ni head to foot niya na naman ako. Tumigil ang titig niya sa Louboutin kong itim at bumalik si pulang labi ko.

"What's with your clothes?" Tanong niya.

"Formal. Ay naka denim pants ka pala. Pero ok na naman ito, diba?"

"Pupunta tayo ng isla tapos yan ang susuotin mo? Nasan yung mga pinamili ko?"

"What? Hindi ba ito pwede?"

"Change your clothes!" Umiling siya at umupo sa sofa.

"Ano? Yung sneakers ang sosootin ko?"

"Whatever, just change it!"

Umirap ako at bumalik ng kwarto para sootin yung t-shirt at pants na binili ko. Hindi ko talaga kayang magsoot ng sneakers kaya dinala ko na lang ito at nagsoot ako ng Reef slippers. Kung sakaling gusto niyang mag sneakers ako, at least hindi ko kailangang balikan dito.

"Done."

Ni head to foot niya muna ako bago nilapitan.

"Okay na ba ito, kahit hindi sneakers?"

Hindi niya ako sinagot. Basta niya na lang kinuha ang stroller bag ko.

"Let's go."

Tumalikod siya at binuksan ang pinto para lumabas na ng condo ko. Napangisi ako ng parang tanga habang tinitignan siyang nagdadala ng baggage ko. Jayden... you're just too sweet.

"Don't forget to lock the door." Bilin niya.

Ang laki ng ngisi ko nang nakalabas na kami sa Riala at nakita ko ang van sa kalsada. Nandoon na ang tatlong babaeng supervisor. Si Jayden ang naglagay ng gamit ko sa likod. Hinintay ko siyang matapos bago pumasok.

Sa front seat siya umupo at ako naman umupo sa tabi ni Tina. Nagtatalakan silang tatlo buong byahe at paminsan-minsan ay sumasali din si Jayden. Pareho silang apat na business majors kaya nosebleed ako. Natulog na lang ako hanggang sa nakarating kami sa port. Hindi ako agad bumaba kasi ininda ko pa yung sakit ng katawan ko. Tatlong oras ba naman ang byahe.

"Darn! Walang building, no booze, no music, no party. I wanna cry!" Sabay hikab ko pagkakita ng barge na sasakyan namin.

"Am I not enough to keep you entertained?"

Nilagpasan ako ni Jayden habang hinihila niya ang stroller bag ko. Kinusot ko ang mga mata ko at tinapik ang sariling mukha. ANONG SABI NIYA? WAS IT JUST MY IMAGINATION O TALAGANG SINABI NIYA IYON?

"Hey! Jayden!"

Tumakbo ako palapit sa kanya pero kausap niya na yung tatlong supervisors.

"Tayo na." Aniya sa kanila.

"Jayden!"

"What? Make it fast! Wala ka namang dala  kaya bakit ka nahuhuli?" Inirapan niya ako at nagsimulang maglakad paakyat ng barge.

Nabuhay ang katawang lupa ko sa sinabi niya, ah? Kanina inaantok pa ako pero ngayon, tutok ako sa mukha niya at sa mga sinasabi niya. Ngumisi ako sa sarili ko. Let's try the Art of Seduction, Jayden. My own Art of Seduction. Dahil ramdam ko, unconsciously mong pinaparamdam sakin yan.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakbay sa buong barge. Preoccupied pa kasi siya sa pakikipag usap sa tatlong supervisor na iyon.

Marami akong nakitang expats. Not bad, Bantayan. You are really earning a lot. Daming turista. Dinama ko ang hangin at ang dagat. Ang sarap! Sometimes, you need a break from everything else. Hindi ko nga lang talaga magawang magsawa sa kakaparty noon, pero ngayon parang okay lang. Nandito na ako. Kasama ko si Jayden kahit na binabalewala niya lang naman ako.

"Hey stop showing your penes, Miho!" Sabi ng isang batang koreano sa kapatid niyang umaambang iihi sa dagat. "Stop showing your penes!"

Si Miho naman ay inilabas na yung kanya sabay ihi nang matagal.

Nakakatuwa tignan. Nasan kaya ang mga magulang nito? Lumapit ako sa kanilang dalawa. Napatingin yung kapatid ni Miho sakin, si Miho naman ay patuloy sa pagdama ng pag ihi.

"Hey, what's your name?" Tanong ko sa batang nakatingin sakin.

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako gamit ng singkit niyang mga mata.

"By the way, it's not penes, it's PE-NIS. PENIS."

"P-Penes."

"No...No... No...It's peenis. peeee-nis." Sabi ko ulit with feelings na sa bata.

"Pee-nis. Pee-nis."

"There, better. So it's not penes, it's peee-nis."

"CHARITY!" Napatalon ako sa sigaw ni Jayden sa likod ko.

"Yes?" Nakangiti ko siyang nilingon.

"Anong tinuturo mo sa mga bata?"

"Huh? Ano? Pronunciation?"

Umiling siya at nilapitan ako, "Wa'g ka ngang kung saan-saan lang nag pupupunta. Alam mo namang nakakaattract ka ng mga kriminal. Tss..."

Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palayo doon.

"Tapos wala ka na bang ibang pwedeng ituro sa mga inosenteng bata kundi yang kabastusan mo?"

"Mali kaya yung pronunciation niya. Ansabi niya penes kaya sabi ko peenis... It's not penes... It's pee-nis."

Napatingin sakin ang mga tao at may tumatawa pang foreigner at tinititigan ako head to foot dahil sa sinabi ko. May isang sumipol pang koreano at kumindat sakin.

Galit na galit na bumaling si Jayden sakin at hinila ako palapit sa kanya.

"Shut up or else I'll kiss you." Hamon niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "Hamon ba yan o reward ko? HAHA! I don't mind kissing you in front of these people, Jayden."

Ngumuso siya at nakita ko ang unti-unting pag ngiti niya.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora