21: Boss Kookie

Magsimula sa umpisa
                                    

"Aba't hoy! Hindi nyo ko pwedeng iwan!" Sabay habol ko pa sa kanilang dalawa. "Ako kaya ang boss nyo!" Super proud ko pang sabi.

"Oo ikaw ang boss namin.. boss na mahilig sa kookies.. tsk. Tsk.." pang-aasar pa ni Nichii.

Magrereact pa lang sana ko pero bigla na ring sumabat si Neji.

"Hahahah.. oo nga no! Hindi na pala dapat Jelan ang tawag natin sa kanya.. Boss Kookie na pala!"

"Aba maganda yan maganda yan!" Sabi pa ni Nichii at nag-apir pa silang dalawa.

Huminto naman muna ko sa paglalakad at sinamaan ng tingin yung dalawa, lalo na si Neji.

Bakit ba pakiramdam ko parang lagi na lang umeepal samin ni Nichii tong si Neji? Hindi naman sa nagseselos ako sa samahan nilang dalawa.. kaya lang natatakot ako na baka pag nagkalapit pa silang dalawa.. malaman lang nila ang sekreto ko.. At pag nangyari yon, posibleng magalit sakin si Nichii. At mas lalo namang hindi pwedeng mangyari yon.

Nakukuha ko na lahat ng gusto ko ngayon dahil sa kanya.. hindi ako papayag na mawala pa lahat ng to.

"Hoy Lalan! Ano pang tinatanga-tanga mo dyan?!" Sigaw pa ni Nichii sakin at napansin ko pang napatingin sa kanya si Neji.

Hindi nya pwedeng malaman. Wala syang dapat malaman.

Ako na si Lalan. Ako lang.

"Tsk." Sumunod na lang din ako sa kanila at talagang sa gitna pa nila ko sumingit.

Hindi ko hahayaan na masira pa ang mga plano ko.

***

"Shet Shuyin ngayon ko lang narealize.. kamukha mo pala ang mga Wrong Turn ano?" Pang-aasar pa ni Jayv kay Shun.

"Gusto mong ipakain na kita sa kanila?" Sinamaan pa ng tingin ni Shun si Jayv.

Tsk. Tsk.

"Ang ingay naman.." parinig ko na lang sa kanila.

Nandito na kami ngayon sa isang ban na ginawa na naming bahay. Maliit lang to kaya mukhang sala lang, pero wag ka.. nalagyan namin to ng second floor para magkaroon din kami dito ng isang kwarto at meron ding cr.

Nagsisiksikan lang kami sa isang mahabang sofa nina Nichii, Rajeel at Jan Miel. Tapos sa baba na nakaupo sina Neji, Shun at Jayv.

"Wow naman.. nakakahiya naman sayo Boss Kookie.. mamigay ka naman!" Baling naman sakin ni Shun sabay agaw ng malaking bowl ng cookies na hawak ko.

"Tsk. Akin lang to!" kinuha ko rin naman sa kanya kagad yung bowl at niyakap ko na para hindi na nya maagaw.

"Ay ang damot!" -Shun

"Asa pa kayong mamimigay yan e adik nga yan sa cookies!" -Jan Miel

"Magbukas ka na nga lang doon ng pop corn dali!" Utos naman ni Shun kay Jayv.

"Ngayon pa kayo magppop corn e patapos na ang movie.." -Neji

"E pakielam mo ba? Bilis na Jayv!" -Shun

"E bakit ako pa? Tinatamad ako. Ikaw na lang!" -Jayv

"Tsk. Hindi ko na naintindihan ang ending sa gulo nyo e!" Sabay tayo ko pa at lumabas na muna ko ng ban syempre dala ko pa rin yung mga cookies ko.

"Wow ha.. hiyang-hiya na talaga kami sayo Jelan!" Sabi pa ni Shun at narinig ko pa silang nagtawanan.

Tsk. Kahit kelan talaga..

"Boss Kookie.."

Napalingon naman ako sa may likuran ko at napahinto pa ko sa paglalakad nang makita kong sumunod pala sakin si Neji.

O? Ano naman kayang kailangan nito ngayon?

"Bakit?"

"May gusto lang sana akong itanong.."

"Ano yon?"

Tumingin pa sya sa pinanggalingan namin na ban na parang chineck kung may makakarinig ba samin o wala.

Tsk.

"Boss Kookie.."

"Pwede ba, wala akong oras makipagbiruan ngayon kaya wag mo ko tawaging gan~

"Bakit ka nagpapanggap na ako?"

"Ano?"

"Gusto kong magsabi ka sakin ng totoo Jelan.. bakit ka nagpapanggap na ako?"

Ano bang..

"Ano namang sinasabi mo dyan Neji?"

"Alam kong alam natin pareho na hindi ikaw si Lalan Jelan.. dahil ako si Lalan.. ako si Lance Garcia na naging kaibigan doon ni Eizen sa ampunan.. ni kuya Zeno.."

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon