17: Two Years Ago

Magsimula sa umpisa
                                    

Ugh..? Ano naman kayang meron dito?

Pumasok kami sa loob at medyo madilim. Isa lang kasi ang nakabukas na ilaw. Hindi kalakihan ang kwartong ito at aapat lang din ang gamit na nakikita ko. Isang table sa gitna na may nakapatong na laptop at dalawang silyang magkatapatan. At dahil underground ito, parang nakakasuffocate kung titingnan ang buong kwarto. Walang ibang gamit, walang pintura ang mga pader at wala ring bintana.

"Umupo ka muna.." sabay hila ng isang silya ni Neji. Lumapit naman ako doon at umupo.

"Nasaan na sya?"

Napasmirk naman sya bago ko tinapik sa isang balikat.

"Wag ka masyadong excited na makita sya Jan Miel.. baka maya-maya lang magsisi ka.."

Napakunot naman ako sa sinabi nya. Ano namang gusto nyang iparating doon sa sinabi nyang iyon?

"Maghintay lang tayo ng konti.. May isa pa kasi tayong hinihintay.."

Huh? At sino naman kaya yon?

"Relax lang Jan Miel.. aabangan ko muna sya sa labas.. at habang nag-iintay ka dito.. manood ka muna." Sabay bukas nya pa ng laptop sa harap ko. "Now.. prepare yourself bro.."

Nakatingin lang ako kay Neji hanggang sa umalis na sya at isinarado nya pa talaga ang pinto matapos nyang iplay ang kaisa-isang video sa laptop nya.

Ano bang.. nangyayari?

Nagsimula ng tumunog yung background music ng video kaya napatingin na rin ako sa laptop.

A teka.. kami to ng mga kabarkada ko a?

Mga kalokohan lang namin yung nagpplay. Naalala ko pa bigla, mahilig nga palang magshoot ng video noon si Neji. Halos sa tuwing nagkakasama kami, lagi nyang hawak ang kanyang videocam. Minsan naman iniiwan rin nya sa tambayan pero dire-diretso pa rin naman sa pagrerecord.

Hindi ko nga alam kung para saan yun e.. Basta ang lagi lang nyang sinasabi remembrance daw..

"Sana magkakasama pa rin tayo hanggang sa pagtanda.. kahit may mga sari-sarili na tayong pamilya at mga anak.. tapos ipapanood natin to sa mga magiging apo natin.. remembrance ng napakasaya nating kabataan.."

Mula sa pagtambay namin dito nga sa train station na to.. sa port.. at doon sa lumang swimming pool sa may Regery forest.. Aba, oo nga no! Matagal na rin pala kaming hindi nakakapunta doon.. Puro masasayang kalokohan lang yung mga clips namin sa video, mga wacky pictures.. hanggang sa biglang tumigil na yung background music.. at napunta na yung video sa territory room namin sa hidden arena..

Ewan ko pero parang napaayos ako bigla ng tayo at napatitig ng maigi sa laptop.

Paanong~ naivideo nya rin to?

"Ito yung araw na yon.." naibulong ko na lang sa sarili ko.

Ito yung araw na.. ginawa ko yung planong yun..

***

Kasalukuyan kaming nakatambay sa territory room. Tahimik at walang gustong magsalita. Lahat kami, hindi makapaniwala na naagaw na samin ang top title sa skateboarding. Hindi lang naman kasi yung title ang nawala, malaking halaga rin ng pera ang nakuha sa amin. At lahat ng yon ay dahil lang sa pagwowalk-out noon ni Jelan kasama si Anna.

*sigh

Isa pa yon.. sila pala ni Anna.. pero bakit wala naman syang nabanggit sakin? Natatakot rin ako sa maaring ginawa ni Jelan sa kanya..

Kilala ko yung batang yon.. at kitang-kita ko kung gaano sya kagalit nung araw na yon.. kinakabahan talaga ako para kay Anna.. Sana naman.. okay lang sya..

Hanggang sa bumukas yung pinto at pumasok si Rajeel.

"Okay na. Wala na tayong kulang. Bayad na lahat." Sabay diretso nya ng upo sa carpeted floor. Aapat lang kaming nandito ngayon - ako, si Shun at Jayv tapos eto dumagdag na si Raj. "Congrats! Wala na tayong pera ngayon!" Sabay higa pa nya.

"Paano na tayo ngayon? Balik sa dating gawi?" Nag-aalalang tanong naman ni Jayv kaya napatingin kami sa kanya.

Dating-gawi? Tsk. Ayoko ng bumalik pa doon.

Noon kasi, nung hindi pa namin nadidiscover tong hidden arena, para magkapera.. nagnanakaw kami. And yup. Pare-pareho na kaming may nga criminal records. Pati pagbebenta ng droga pinasok na rin namin, magkaroon lang ng pera pantustos sa mga luho namin. Si Raj kasi kahit mayaman yan strict naman ang parents nya pagdadating sa paglalabas ng pera, ganun din si Shun na may pagkakuripot ang uncle nya. Ako naman, si Jayv at si Jelan may nagaabroad lang na magulang pero hindi naman kami mayayaman. Ang hindi lang kasali samin ay yung dalawang sinwerte sa buhay - sina Neji at Nichii. Pero may kutob rin akong may alam si Neji sa mga pinaggagagawa namin noon kaya parang hindi na sya nagsasasama samin dati.

At si Nichii, ewan ko ba dun. Basta thankful na lang kami sa kanya at sya ang nagdala samin dito.. nadiscover nya lang daw bigla ang lugar na to e..

And *sigh speaking of Nichii.. bigla na lang din syang umalis nung nagwalk-out si Jelan. Hindi namin alam kung anong nangyari doon pero sabi nya nawalan na rin daw sya sa mood makipagpustahan.

Kaya ang result.. eto talo! Wala ng lumaban pa sa amin at pare-pareho lang din kaming nawalan ng gana e..

"Hindi tayo babalik sa dating-gawi.."

Sabay-sabay naman kaming napatingin sa may pinto nang bigla na lang may pumasok.

Jelan...

"Ipapanalo ko ang sunod-sunod na game bukas.. basta ipangako nyo lang sakin na tutulungan nyo ko.."

"Tulungan saan?" Sabay bangon pa ng paupo ni Rajeel.

"Kay Anna.. tulungan nyo kong bumalik sya sakin.."

Nagkatinginan naman kaming apat bago napatingin ulit kay Jelan.

"Nakikiusap na ko.. ayokong mawala sya sakin."

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon