Napapikit ako ng mariin. Naistatwa sa aking pwesto. Narinig ko muli na nagsalita iyong gumagamit ng megaphone. Iilang bulungan din ang lumipana sa paligid, hanggang sa nawalan na tuluyan.

Binuksan ko ang mata ko. Saktong naglalakad na sina Chico, Jared, at Tim kasama ang ilang security ng COAS. Tinitigan ko si Chico na taas noo pa ang paglalakad. May hiwa ang labi nito dahil nagdudugo. Pinunasan niya ito. Diretso lamang ang tingin niya sa daan. Sina Jared at Tim nama'y kasama si Dani. Umiiyak ang kapatid ni Jared. Nang mapansin ng security si Dani ay pinatigil niya ito. Sinundan ko ng tingin sina Jared, Tim, Chico, at ang mga security palabas ng gym. Nahagip ng panangin ko sina Leigh at Sebastian. Leigh is saying something on the lady security na hindi kasama nina Chico. Nakita ko rin sina Lucy at Gaile na may kausap sa phone nila. They are all worried.

Shit, Densel. Shit.

Umiling ako. Dali-dali akong lumabas ng gym para sundan ang mga security. But they are nowhere to my sight. Hindi ko alam kung saan sila dadalhing tatlo.

Napakagat ako ng labi.

Argh. Saan na ba?

Naglakad ako at nagbakasakaling makita ko pa sila. Tumakbo na ko ngunit hindi ko pa rin sila nakikita. Nagtanong na ako sa mga naka-assign na security sa mga napupuntahan ko, ngunit wala pa rin. Kalahating oras na ang nagdaan ngunit wala pa rin. Tinignan ko ang cellphone ko, laking gulat ko may message. Why I wasn't checking my phone? Seriously?

From Chico:

Where are you at?

Napapikit ako. I am trying to hold on to the little calm I'd have. Binulsa ko ang phone ko. Napalunok ako. That text ruined my emotions. That text. He texted me, where are you at? Kanina kung makipag-away siya, hindi ko alam kung bakit siya sumabog ng ganoon na lamang. Kateam pa niya si Jared. Nangyari na 'to dati, e, pero ngayon, naulit na naman, silang tatlo na naman ang involved.

Nagmamadali akong naglakad papuntang gate. Uuwi muna 'ko.

I just lost my chill.

Napapailing na lang ako.

Nakalabas na ako ng COAS. Kapag talaga wala ka sa mood, doon 'yong punto na lalo ka pang maiinis sa mga mangyayari. Katulad na lamang ng walang jeep na ang gawi ay pa sa amin. Wala. Kung meron man, punuan. Napahilamos na lamang ako ng mukha. Mabuti na lang talaga wala na akong klase, kung hindi, hindi ko na alam.

My phone rings. Kinuha ko kaagad ito. His name appeared on the screen.

Chico calling...

May humintong Fortuner sa harap ko. Bumaba ang bintana nito. Bumungad ang mukha niya sa akin, nakangisi, hawak ang phone sa tenga, habang ang isang kamay nasa manubela.

"Why aren't you answering?" he asked.

Pinatay ko ang tawag niya.

Chico's face has bruised. Mayroon malapit sa cheekbone niya. Mayroon sa labi niya. Iyong kamay naman niya mayroon ding gasgas.

Hindi ako umimik. Tinitigan ko siya.

Chico dialed again on his phone. My phone rang. Pinatunog ko saglit pagkatapos ay in-end ko. Kumunot ang noo ni Chico. Kumunot din 'yong akin.

Tinawagan niya muli ako. "Answer it."

Pinatay ko ang tawag.

Hindi pa rin ako umimik. Nagsubukan kami ng titig. But he's the one who gave up first. He growled. "I'm so—"

"Hindi ko kailangan niyan," mabilis kong sabi. "Anong meron? Why you kept fighting him? Them? Anong meron? 'Di ba wala na? Chico, pinag-usapan na natin 'to. Kung ano mang nangyari, dapat hindi mo na pinansin. As your best friend Chico, sabi ko na h'wag ng pansinin." Nanginig ang labi ko pagkatapos kong magsalita. Umiwas ako. "Nakakainis. H'wag mo muna kong kausapin. Pakiusap."

Nag-umpisa na akong maglakad. Hindi pa ako nakakalayo'y narinig ko siyang nagsalita. Napatigil ako, at hinarap siya.

"He wants you. Hanggang ngayon. What do you think should I do, Grace? I don't trust a Montefrio. Particularly him. That fucker." His jaw clenched. He looked away. Nakita ko ang pagpula ng paligid ng tenga at leeg niya. I saw his earing. "And his fucker cousin."

Umiling ako at pumikit. Pumunta muli ako sa pwesto niya. Pababa na sana siya ng kotse ngunit mabilis ang aking kilos, at sinara ang pinto.

"So what? Hindi ko siya gusto!" ani ko, inis na inis na.

"Sa ngayon wala, bukas, sa susunod na bukas, maaaring meron na. Hindi mo alam, Grace."

Napaawang ako ng bibig sa dahilan niya. Napailing ako. How could feelings change easily? Hindi kumukupas ang nararamdaman ng ganoong kabilis. Feelings, sometimes, are fadeless.

"Let's ends this."

"I don't want to end this if you're still mad at me."

"I am so mad of you," I stated. "And I want to end this. Itong pag-uusap na 'to." I glared at him. I glared at the bruises he have. I glared at Chico. Nanginig ang pisngi at labi ko sa sobrang inis.

"I don't want you mad, you know that," he whispered. He bit his lip. Pumikit saglit at binuksan muli ito. Sinuklay niya ang buhok. "Don't, please, love. Don't be mad." Nakiusap ang mata niya.

I closed my eyes and talked, "Okay." Huminga ako ng malalim. "Bukas na lang tayo mag-usap. Hindi ako galit." Tumingin ako sa mata niya. "Hindi na."

Lumakad ako palayo.

**

Halos lahat ng pwede kong pasahan ng resume sa Jobstreet.com, pinasahan ko. Nakatatlong oras din ako sa ginagawa ko. Browse. Search. Click. Send. Paulit-ulit na lang 'to sa mga nagdaang oras. Nakakatamad ding tumitig lang sa Facebook, dahil wala namang magagawa doon. Siguro si Gaile at Lucy lang dahil may pinost sila na photos, nitong bakasyon nila. May photo na silang magpipinsan. Isa-isa kong tinignan ang mga mukha nila. Halos lahat ng lalaking Sy, may mga babaeng kasama—I mean katabi. Hinanap ng mata ko si Chico. I stared at him. At sa babaeng hawak niya ang bewang, wearing an animal-print bikini. She was pouting her lips. Ngiting-ngiti naman si Chico sa photos.

Nag-log out kaagad ako sa Facebook.

Nakakunot ang noo ko nang magsearch na naman ako sa Jobstreet. Hindi ako maka-focus hanggang sa narinig ko ang tawag ni Nanay sa akin.

"Carmela, kakain na!"

"Opo!" sagot ko.

Ngunit binuksan ko ang email ko. Dahil nagbakasali ako na may sumagot na sa mga ini-email ko na company. Hindi naging matagal ang pagbukas nito. I have 99+ email, and almost doon ay from lina@jobstreet.com, hindi galing sa company na pinasahan ko.

"Carmela!" tawag ni Nanay.

"Ito na po!"

Tumayo ako, ngunit ini-scroll ko pa rin 'yong email hanggang sa napahinto ako dahil sa ibang email. Hindi from Jobstreet or sa mga pinasahan ko na company, pero galing kay Tita.

"Carmela Grace!" tawag ni Tatay.

Binuksan ko ang email ni Tita.

"Ito na, Tay!" sagot ko.

It was months ago.

Nang basahin ko ang unang pangungusap ay pinatay ko na ang monitor ng computer. Dali-dali akong lumabas ng kwarto.

Fadeless (ML, #5)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant