Pinky Paradise Chapter 15

141 0 0
                                    

A/N: Here's chapter 15 guys! Salamat po sa lahat ng nag suporta ng story na to. I really appreciate it :) Eto na po yung Chapter 15, sana magustuhan niyo ^____^

Nung pumasok na ako sa classroom, nag smile lang ng napaka laki si Kyla sa akin. Anong problema ng babaeng to? Nakakaloka ang smile te.

"So, kumusta yung date niyo ni MR. PETER DE RIMA?" sabi niya at sinadya niya talagang lakasan yung boses niya para makarinig yung ibang tao. Farkkkkkkk.

"What?! Si Kristine at Peter? NOOO! Hindi pwede! Akin lang siya!"

"Kris and Pete? Cool. They'd make a great couple. A Kingka and a Queenka." (*Kingka is like the popular guy in school and Queenka is the popular girl in school. )

"WAAAAAHHHHHHHHHHHH. Totoo ba tong naririning ko? MY PETE at yung kutong lupang yun?!"

Nung narinig ko na may nagsabi na kutong lupa ako, I instantly whipped my head to the right to see kung sino yung bruhang nagsabi nun at ayun nga, si Elisse. I just glared at her at sinabihan si Kyla.

"Tumahimik ka nga! Hindi yun date! Pinabayad niya ako ng 500 for a shirt! A freaking shirt!" Sabi ko at umupo na sa chair. Mabuti nman at wala pa yung teacher.

"Oh please. Date yun and whatever your reason is, it's invalid." sabi niya pero natutuwa parin yung mukha niya. Bwesit!

"Tingnan mo anong ginawa mo! People are having the wrong idea! What if umabot to kay Peter? Anong sasabihin niya sa akin? Na kumakalat ako ng mga rumors? Aissshhhhhh." Kasi namam eh!

"Sus, para yun lang. don't worry. Makakalimutan rin yan ng mga tao."

Amp! Papalipasin ko na lang to. Ang boring naman ng lecture sa RS. T_T

Fastforward 300x

"Kris, gusto mong sumama sa akin mamaya sa Bull Force? Magtutumba ata kami ng baka eh."

"Sure. Mukhang exciting. Gusto kong makita na magtumba ka ng baka." hahaha.

She just made a face at me at pumunta na kami sa Utopia where the home of the aggies are. Nandun na lahat para sa mga agriculture students. May arena nga dito para sa mga baka para magtumba. May mga animals naman para sa mga animal science students, and my favorite part, the butterfly farm and etc.

Dumiretso na kami sa arena kasi nandun na yung mga group members.

"Hi guys!" sabi ni Kyla. Na shock lang ako slight kasi tatlo lang pala silang babae sa group nila excluding ako at may around 5 guys. Whoa. But they're all hot and cute guys. :D At may 3 girls naman pero yung isa mukhang tomboy.

Inintroduce ako ni Kyla sa mga members at nag hello ako and shook hands. So Fin pala ha? Haha. Okay lang. Cute naman tingnan eh.

Pero may napansin lang ako. Parang tumatago lagi si Fin pag lumalapit si Kyla or he always has an excuse. Weird.

So ngayon, nag prapractice sila sa arena with the carabao or cow or baka or whatever you call it. Ang naiwan ay si Victoria or Via as they call her. Ang hirap naman pala talaga ng ginagawa nila. You need to have patience and dapat ready ka na madumihan kasi after all, this is a dirty extracurricular activity.

I watched them tame the animal. Nakakatawang tingnan si Kyla kasi ang dumi dumi na ng shirt niya at may mud na yung white shirt niya. Tinuturuan naman siya nung isang member and Fin's just beside her, namemewang.

"Nakakatuwang tingnan yung kaibigan mo no?" Biglang sabi ni Via.

"Si Kyla? Oo nga eh. Pero mas nakakatawa yung reason kung bakit siya sumali sa club na to." Sabi ko kay Via habang tumitingin parin sa kanila.

"haha. Dahil may crush siya kay Fin? Alam na namin yun. Hindi ko nga akalain na sasali siya sa club nato kasi nga, she doesn't look like the type pero when I realized na may crush siya kay Fin, naintindihan ko na kung bakit. It's just that iba yung type ni Fin eh."

What? O_O Kaya pala medyo awkward yung actions ni Fin towards her.

"So wait, alam na ni Fin na may gusto si Kyla sa kanya? Is that why he's avoiding her?" Tanong ko habang unti-unti ko ng nauunawaan.

"Yeah, parang ganyan na nga. Nakakalungkot nga tingnan eh. Parang hindi pa niya narerealize na hindi interesado si Fin sa kanya. I really like Kyla. Hindi siya yung taong inaakala ko. She's so down-to-earth."

Ganun? :( Nakakalungkot naman kung ganyan. :(

Sa oras na to, papunta na yung mga members sa amin. Eww. Pawis na pawis na sila and Kyla looks like a piggy, literally.

"Oh my flying pigs! Bakit ang hirap nun?" Sabi ni Kyla habang nag punas siya ng pawis niya. Yung pink niyang buhok ay nakakalat na sa mukha niya. Haha!

"Choice mo kasing sumali kaya kailangan mong magdusa." Sabi ni Fin pero wala naman siyang expression sa mukha niya habang hinuhubad niya yung maduming t-shirt niya.

Ouch, masakit yun ah?

"Pero okay lang naman eh. Nandyan ka naman para turuan ako diba?" Sabi ni Kyla habang pinupunasan niya yung noo niya pero naka smile siya kay Fin ng nakakaloko. Hahahha. Hindi ko maipinta yung mukha ni Fin. Mukhang nandidiri na namamanhid na basta! Para siyang constipated! Hahaha.

"Tigilan mo ako Kyla ha," He said wryly.

"I was just saying." Sabi ni Kyla ng pataray at lumapit na sa akin.

"My God. Ang hirap! Pero ang hot ni Fin!" sabi ni Kyla habang nakapikit na naka smile. Nako talaga tong taong to!

"Oo na, oo na. Saan tayo pagkatapos nito?"

"Hmm, kakain siguro sa McDo. Gutom na akoooo!" sabi niya at humarap siya sa mga members at sinabing, " Guys! Kain tayo sa Mcdo!"

Ang reply naman nila ay 'sure' kaya ayun, kumain kami sa Mcdo. Waaah! Ang tagal ko ng hindi nakakainom ng McFloat! I miss this drink so much! :)

Busy sila sa pag kain at pag chikka nang tumunog yung phone ko. Tiningnan ko yung caller pero unregistered number at parang galing sa Korea. Baka si Lisa to or si Suzy kaya inexcuse ko yung sarili ko at lumabas sa McDo para hindi maingay.

"Yobosaeyo?"

"Unnie? Is this you? This is Su-ji!" Sabi niya in a cheery voice. Waahh. Bakit kaya napatawag siya? (Unnie- big sister)

"Yes, it's me! How are you? Why did you call?

"I just called to tell you that we're finally going there in the Philippines tomorrow! I'm so happy! Umma already bought our tickets ahead. See you soon Nina!~"

Napatawa ako sa voice niya para kasing excited na excited na siya. Haha. Ofcourse, masaya rin ako sa news.

"Jinjja? Uwa! Chouneyo!" (Really? That's good!)

"Ne! Naneun sinnayo haeyo. See you soon unnie! I have to go now, our instructor is coming. Bye-bye!" (Ne! Naneun sinnayo haeyo. = Yes. I feel excited.)

"Bye! Take care and see you soon!" Sabi ko tapos nag smile ako ng nakakaloka. They're really coming here tomorrow! Ang saya naman, alam na siguro ni dad ang news.

Pagbalik ko sa table panay parin yung smile ko, nakadikit na ata eh kaya nagtaka sila.

"Anong nangyari sayo? Bakit daig mo pa ang smile ni mickey mouse?" Tanong ni Kyla.

"Wala lang, masaya lang ako kasi pupunta na dito yung stepmother ko at stepsister bukas! Excited na ako."

Sila naman, parang wala lang. Yung iba nagtanong kung bakit sa Korea daw at ayun, sinabi ko sa kanila yung story ng family ko at pati na rin about sa real mother ko.

Oh well, maganda ang kinalabasan ng araw nato! I hope ganito nalang palagi! Except for the part where I bumped into Peter and bought him a new shirt. -.- Pero maliban dun, I'm happy! :)

Pinky ParadiseWhere stories live. Discover now