Bigla-bigla ay parang gustong sumakit ng ulo ko. "Mula sa yo? Hindi mo ako pag-aari."

"I'm trying to be nice. Please, don't wake the beast inside of me." banta n'ya.

May takot na gustong kumawala sa sarili ko pero hindi ko hinayaan. Kasi ayaw ko hayaan ang sarili kong paniwalaan na ibang tao ang Leam na nakilala ko.

"Anong nangyari sa yo, Leam? Bakit ka nagkakaganyan? Kilala kita-"

"Do you? Do you really know me? Alam kong nagulat ka sa nalaman mo tungkol sa akin. But you have accept it. This is the real me."

Parang pinipiga ang puso ko sa narinig.

Naalala ko sina Nathan. "Pwede ba akong humingi sa 'yo ng pabor?" tanong ko sa kanya.

"Ano yun?"

" Pwede bang maging kagaya pa rin ikaw ng dati? Yung Leam na maloko, palangiti, makulit, mahilig tumawa.. Basta yung Leam na kilala namin. Alam kong kahit sabihin mong hindi iyon ikaw, naniniwala pa rin ako na totoo ang bawat ngiti at tawang ipinakita mo sa amin. Siguro nga may parteng tinatago mo ang emosyon mo. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na  lahat ng ipinakita mo ay hindi totoo."

"Maybe, maybe not. " Ngumiti s'ya. "Bahala ka kung ano ang gusto mong paniwalaan."

"Mapagbibigyan mo ba ako?"

"Magiging masaya ka ba kung gagawin ko 'yun?"

"Oo."

"I'll do it then. I can still be nice naman." Ngumiti sya. "See? Ngumitingiti pa rin ako. Nag-iba lang ngayon dahil alam mo na kung sino ako. I don't need to wear my mask nor hide my feelings . "

Tumango ako. Kahit na anong sabihin nya, sya pa rin ang Leam na nakilala ko. Medyo dangerous nga lang ngayon. Pero sana , wala syang saktan na kahit na sino. Naniniwala pa rin akong mabuting tao sya.

"And If you don't want to live with me, then fine. Hindi kita pipilitin. Mamumuhay tayo na parang normal lang hanggang sa dumating ang araw na sasama ka na akin. Pero habang hindi pa dumarating ang araw na yun," Hinawakan nya ang pisngi ko. " I will help you fall in love with me."

Natulala akong nakatingin sa kanya.

"I will help you forget Zach. Huwag kang mag-alala dahil alam kong magugustuhan mo ako." At kinindatan nya ako.

Hindi ko napigilan ang mapangiti kahit paano.

"Hoy, hoy, hoy! Anong nangyayari dyan?"

Napatingin ako sa paparating na si Jiro. Habang si Leam naman ay tinanggal na ang kamay sa pisngi ko.

"Sino ka?" nagulat ako sa seryosong tanong ni Leam.

Jiro grinned. "Coco Martin."

Umiling si Leam. "Pumangit na pala si Coco Martin. "

''G@go. " Natatawang sagot ni Jiro at ngumisi naman si Leam.

Natawa ako sa kanila at the same time parang hinaplos ang puso. That's the Leam I believe that I know.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Malamig ang pagdampi ng hangin sa balat ko nang lumabas ako mula sa kotse ni Leam. Sinundo nya ako mula sa bahay para sa field trip namin. "Tabi tayo ha?" Nakangiting sabi nya.

Marahan lang akong tumango at naglakad kami papasok ng school.

May schoolmates akong natatanawan sa di kalayuan na naglalakad patungo sa field ng school namin. Ang iba ay napapatimgin sa direksyon namin. Nitong nakaraang araw, palagi kaming magkasama ni Leam. Ayon na rin sa gusto nya. Sina Zach naman at Jiro ay palaging lumalabas ng school kahit na bawal tuwing vacant. Hindi ko alam kung alam ni Jiro na may alitan sa pagitan nina Zach at Leam pero sa tingin ko ay may ideya sya pero hindi naman na nagtanong.

"Nasaan pala si Jiro?" Tinanong ko sya.

"Hindi ako tanungan ng nawawalang impersonator ni Coco Martin."

I chuckled. "Isusumbong kita kay Jiro."

He grinned. "Sure. Pero kahit isumbong mo ako, wala naman syang magagawa sa akin." Nilapit nya ang bibig sa tainga ko. "Because I  will kill him first.. "Napahinto ako sa paglalakad. Hindi naman sya seryoso 'di ba?

Nakumpirma kong nagbibiro lang sya dahil humagalpak sya nang tawa. "N-Nakita mo- HAHA  sana yung itsura m-mo. P-para kang naka-haha-kita ng multo."

Tinignan ko sya nang masama. "Lulunurin kita mamaya dahil sa pantitrip mo." Pagbabanta ko.

"Marunong ka bang lumangoy?"

Napasimangot ako at lalo naman syang tumawa. Hindi nga pala ako marunong lumangoy. Tsk.

Napangunot ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. Ngumiti lang naman sya sa akin.

Nasagot ang katanungan sa isip ko nang makita ko si Zach at kasama sina Jiro at Chloe. Papalapit sila sa amin.

Nagtataka yung ekspresyon ni Jiro pero hindi na nagtanong. "Kung ano man ang alitan nyo, i-set aside nyo muna para makapag-enjoy tayo." Sabi ni Jiro.

Matagal na walang nagsalita. Nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang magbaba ng pride.

"Zach." Tumango si Leam sa kanya. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil nagsalita s'ya.

Blangko ang ekspresyon ni Zach. "Leam." At tumingin sya sa akin. "Samantha." Isang tango lang din ang sinagot ko sa kanya. Alam kong mahirap at masakit pero susubukan ko pa rin maging normal ang pakikitungo ko kay Zach. Kasi wala naman sigurong magandang dahilan para mag-emote ako at tumambay sa nakaraan. Wala na sa 'min espesyal na namamagitan. Lipas na. Kaya mas magandang mag-move on nalang.

"Hi, Samantha! Nakangiting  bati sa akin ni Chloe. Ang cute mo naman! Gusto kitang kurutin sa magkabilang pisngi." Lumapit sya sa akin at ako naman ay medyo napaatras. "Pwede ba ha? Pwede ba?"

Napangiwi ako sa kanya. Parang kahit sabihin kong hindi pwede ay wala rin akong magagawa dahil naka-ready na ang mga kamay nya.

"Tumigil ka nga, Chloe." Hinila sya ni Zach at binalik sa pwesto. Marahan naman akong hinila sa kamay ni Leam para mapalapit sa kanya.

"Ang O.A. mo naman." Nakasimangot sya kay Zach pero ngumiti nang tumingin sa akin. "I'm Chloe. I'm sorry kasi hindi ako nakapagkilala sa 'yo no'ng una mo akong nakita. Nawala ka kasi kagaad."

Sinuklian ko ang ngiti nya. Bakit hindi? Mukha namang mabuti s'yang tao. "I'm Samantha. Sya naman si Leam." Tinuro ko ang katabi ko. "At sa tingin ko, kilala mo na si Jiro."

"Si Jiro ang impersonator ni Coco Martin at ako naman ang boyfriend ni Samantha. Nice to meet you." Matamis ang ngiting ibinigay n'ya.

Whaaat?! Rumehistro ang gulat sa mukha naming lahat sa sinabi nya.

"Hindi ako impersonator ni Coco Martin. At girlfriend mo s'ya? Kailan ka nanligaw sa kanya?" hindi makapaniwalang tanong ni Jiro.

"Matagal na. And now, its official. Shes my girl and I love her." Hinalikan ni Leam ang kamay ko habang nakatangin kay Zach.

Gulat na gulat pa rin ako para mag-react.

"What about her? Mahal ka ba nya?"

"Zach! Anong klaseng tanong  'yan! Of course, mahal sya ni Sam. Hindi s'ya sasagutin kung hindi s'ya mahal." Sabi sa kanya ni Chloe.

Nararamdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Leam sa akin. Na parang nagbabanta na huwag ko syang itatanggi.

"Itigil na nga 'tong usapan na to. Pumunta na tayo sa meeting place. Hindi ako gumising ng madaling-araw para ma-late o maiwan.' Biro ni Jiro. Salamat naman dahil nawala tumataas na tension sa pligid.

The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora