Ewan ko sa kanya! Ang arte niya kasi. Tsaka naiinis ako sa kanya! Sinali niya ako sa pageant chuchu na yun!

"Bukas na daw yung start after class hanggang 6pm daw"

Napatango naman si Jill tsaka ako sinabayan papuntang parking. Hihintayin daw kasi ako ni Kuya Chris. Isasabay niya kasi ako eh hihihi




Pagkarating namin sa parking nandun nga si Kuys pero naurat naman ako kasi kausap niya si Jared. Kainis na 'yan.

"Bat ka nandito?" pagtataray ko kay Jared. Hindi ko naman makita ang reaksiyo niya dahil naka-shades siya at walang sinabi.

Si kuya naman natawa sakin.

Bakit? May nakakatawa ba?

"Hoy ang taray mo. Sa kanya ka sasabay" napakunot naman ako ng noo sa sinabi ni Kuya Chris.

"ANO?! Ayoko nga! Di ba sabay tayo?"

Nakita kong napangisi ang impakto pero hindi ko nalang pinansin dahil binawi niya din naman agad.

"Yun nga eh. Nakita ko kasi itong si Red tapos naalala ko na boyfriend mo nga pala 'to.." magka-akbay pa talaga sila huh! "..kaya siya maghahatid sayo sa bahay hehehe"

"Tae ka talaga eh bat hinintay mo pa ako?!" Sabay alis ko at dumiretso nako sa kotse ng impakto.

Nakakainis. Badtrip ako buong maghapon.

"Ingtan mo yan ah!" Rinig kong sigaw ni kuya.

Nakita ko namang tumango si Jared bago sumakay. Pagkapasok niya kinuha ko agad ang phone ko pati earphones ko at sinalampak agad sa tenga ko bago magpatugtog ng Rest Your Love.

Bahala siya diyan. Hindi ko siya papansinin.

Maya-maya umandar na kami kaya ipinikit ko na agad ang mata ko at nagsimulang umidlip dahil medyo malayo pa naman ang bahay namin.

Pero syempre joke lang.

Hindi naman ako inaantok eh tsaka hindi talaga ako iidlip. Wala lang. Gusto ko lang ipikit. Ineenjoy ko pa yung kanta eh. Hihihi

Grabe hindi talaga siya humingi ng sorry. Nakakaurat siya. Hindi naman ako sumasali ng pageant eh kasi hindi naman ako maganda.

Gusto niya lang yata akong ipahiya sa buong campus eh!

Binuksan ko yung isa kong mata para sumilip sa kanya pero naka-focus lang soya sa daan kaya pumikit ulit ako.

Nakakabadtrip siya. Sinira niya ang araw ko. Grrr!

-

Maya-maya naramdaman kong may tumatapik sakin kaya minulat ko na yung mata ko.

Nandito na pala kami.

Hindi ko na siya hinintay at bumaba na ako. Hindi ko na din siya nilingon o kung anuman basta naglakad nako.

Papasok na sana ako sa gate ng maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

"Blue"

Tumigil ako pero hindi ako lumingon. Nakahawak pa din siya sakin kaya napapikit ako ng mariin.

Naiinis talaga ako sa lalaking 'to eh.

"Talk to me" halos pabulong ang pagkakasabi niya


Napaharap ako sa kanya

"'Talk to me'?" Tinanggal ko ang pagakakahawak niya sa braso ko "talaga? 'Talk to me?!'"

"Look, I'm sorry. It's not my fault-"

"So kasalanan ko? Ganun ba?"

Napakamot siya sa batok niya at halatang nainis. Pwes mainis siya kung gusto niya. Naiinis din ako!

"It's not what I meant." Napapikit siya.

"Eh ano pala?! Ha?!"

"Nakakabadtrip ka kasi nung -"

"Bakit?! Yung pagsali mo ba sakin sa Campus Pageant-"





"Talaga anak kasali ka?"

Napatingin kami sa gate at nakita ko si mama na nakatayo at naka-praying position pa habang abot langit ang ngiti.

Jusko po.

"Yes tita mommy sinali ko po siya.." napatingin naman ako kay Jared tapos kay mama ulit tapos kay Jared ulit

"Waaaaaaah! Ewan ko po!"

Iniwan ko na sila at patakbo na akong pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto ko.

NAKAKAINIS 'TONG ARAW NA 'TO!!!

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon