Napamaang siya sa tanong ko. O di ba? Nakakagulantang talaga ang mga katanungan ko. Kaya in demand akong kunin maging chief judge sa mga barangay beauty pageants na ino-organize ni Marlen eh. Suma kaya ako.

"Oh. So you're applying for a secretary position ma'am?"

"Ay shet lang! Ang bright-bright mo talaga girl," natatawa kong sabi.

Flattered naman ang bruha. Madugtungan ko nga ang sasabihin ko.

"Pwede pasampal sa pisngi mo?" nakangisi kong tanong kaya bigla naman siyang kinabahan.

"Po? Bakit naman po?"

"Charotiiii! Ikaw talaga. Binibiro lang kita eh. So anong floor?"

"24th floor po ma'am," sabi niya na kinakabahan pa rin.

"Thank you."

Tumalikod na ako sa kanya at binaybay na ang daan patungong elevator. Pero kapag minamalas ka nga naman oo. Punong-puno ng mga nagkukunwaring tao ang dalawang elevator. Ayoko namang makipagsiksikan. Magkakaroon pa ako ng instant perfume kung saka-sakali. Kaya no choice ako kundi ang mag-stairs na lang.

Okay lang. Sanay naman akong umakyat eh. Kahit nakakapagod pero kakayanin ko. Ganyan naman talaga eh. Kung gusto mong umasenso ang buhay mo, magsakripisyo ka. Magtinda ng condom para sa ekonomiya.

Mga nasa ikasampung floor pa lang siguro ako pero nakaramdam na nang pangangalay ang mga binti ko. Kaya tinanggal ko na ang heels ko na nakaranas na ng ilang major operations (kung alam niyo ang ibig kong sabihin). Baka kung hindi ko pa ito tanggalin ay mag-under coma na ang heels kong ito at tuluyan nang ma-dead on the spot. Nakakahiya kaya iyon.

20th floor. My good nest! Para na akong kabayo na kakagaling lang sa karera. Grabe na itong pagpapahirap ko sa sarili ko ha. Saglit muna akong nagpahinga at naupo sa hagdanan. Pawis na pawis na ako at kung minamalas ka nga naman oo. Hindi pa ako nakadala ng panyo.

Hindi naman siguro pwedeng gawing pamunas sa pawis itong mga condoms na dala ko di ba? Nakakaloka. Ano na lang ang mukha kong ihaharap sa mag iinterview sa akin? Ka-jirits!

"You look so exhausted."

Napatayo ako ng wala sa oras nang makarinig ng boses galing sa likuran ko. Isang lalaking nakatalikod sa akin at nakatingin yata sa labas ng bintana. May hawak itong cellphone na nakadikit sa tenga niya. Napaismid ako. Akala ko pa naman ako ang tinatanong ng kumag.

Inayos ko muna ang sarili ko at nagsimula nang umakyat pataas.

"Where are you going?"

Lihim na lang akong napakibit balikat dahil alam kong hindi naman ako ang tinatanong ng kumag na iyon ah. Nagkataon lang siguro na parang nakakarelate ako sa tanong niya.

"Why are you not wearing your heels?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nilingon siya. Pero nakatalikod pa rin siya sa akin. Nakakainis ha. Ibato ko kaya sa kanya ang heels kong bitbit. Narinig ko ang nahagya niyang pagtawa. Urgh! Psychotic! Bangag!

Pinakalma ko muna ang sarili ko saka tumalikod ulit at nagsimula nang maglakad paakyat.

"Okay. I'll go with you."

Narinig kong sabi niya kaya mas lalo kong binilisan ang pag-akyat ng hagdan. Baka magahasa pa ako ng wala sa oras ng bangag na ito eh. Nako nako. Hindi maaari!

Laking pasalamat ko at nakarating na ako ng 24th floor. Habol-habol ko ang aking hininga habang nakahawak sa seradura ng pinto.

"Ang bilis mo namang maglakad."

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now