Jusko po naman! Nasaan na ba yung hero ko?

"Shun tama na yan.." pigil ulit ng kasama nya pero mukhang walang balak magpaawat ang isang to.

"Tumigil ka dyan Jayv ha, sasamain ka rin sa akin.. Hoy anong pangalan mo?! Sagot!!"

"A.. A-anna.. Maria.."

"Anna pala ha.." tapos umamba na syang susuntukin ako kaya napapikit na lang ako.

Ano ba yan? Sobrang mahal ba nung drinks nya at galit na galit sya sakin ngayon? Hindi ba pwedeng ibili ko na lang ulit sya ng bago?

"Tama na yan Shun." Biglang sabi ng isang bagong dating kaya napamulat na rin ako.

Sa wakas.. parang bigla akong nakahinga ng maluwag ng makita ko sya..

"Jan Miel.."

"Kilala mo ba to?" Tanong nung Shun kay kuya ko. Oo. Kuya ang tawag ko kay Jan Miel, pero sa isip lang.. parang nakikita ko kasi sa kanya yung kuya ko e..

"Date ko yang si Anna.. kaya pwede ba.. tigilan mo na yan.." tapos hinanglit na lang ako bigla ni Jan Miel at itinago sa likod nya.

Juskopo naman! Ang sama nila makatingin sa isa't-isa, parang magkakasuntukan pa ata. Ganon ba talaga kalaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya? Hindi ba talaga yun kayang makuha sa sorry lang?

"Ibibili na lang kita ng bagong drinks.. babayaran ko na lang din yang damit mo.. tigilan mo lang si Anna.."

"Psh. Babayaran? E kahit ibigay mo pa sakin ang one month allowance mo, kulang pa rin yun e! Tara na nga Jayv!" At talagang sinamaan pa rin ako ng tingin nung Shun bago sya umalis.

"Pasensya na kayo.. badtrip lang sya.." sabi pa nung Jayv samin at tinanguan lang naman sya ni Jan Miel bago sya sumunod na rin dun sa Shun.

"Okay ka lang ba Anna?" Tanong naman sakin ni Jan Miel na may worried face.

"Mm. Sorry.." napatungo na lang ako.

"Bat ka naman nagsosorry? Ikaw talaga.." sabay pinch pa nya sa may right cheek ko kaya napatingin ako sa kanya. "Ganon lang talaga yung si Shun pag nababadtrip.. mabait naman talaga yon e.. medyo minalas ka nga lang at sya pa ang nakasalubong mo.." sabay ngiti pa nya.

"A close ba kayo nun?" Tanong ko pa sa kanya at sabay na rin kaming naglakad papunta sa arena.

"Mm. In fact kabarkada ko pa sya.. A!" Sabay harap pa nya sakin ng may malaking ngiti sa mukha. Napahinto pa kami sa paglalakad bago nya itinuloy yung sasabihin nya. "Tamang-tama Anna.. kumpleto kami mamayang pito ng mga kabarkada ko sa arena.. ipapakilala kita sa kanila.."

"Huh?"

"For sure magugustuhan ka rin nila.. and maybe malamig na rin ang ulo nung si Shun later kaya magsosorry na rin yun sayo.. wag ka ng mag-worry.. for sure rin naman mananalo kami mamaya sa pustahan kaya magiging okay na rin yung si Shun.."

"A.." ngumiti na lang din ako ng bahagya sa kanya. "Okay.." tapos naglakad na ulit kami at inakbayan pa nya ko bago sya nagkwento ng nagkwento tungkol sa mga kabarkada nya.

"Timo.. matutuwa ka ring kasama yung mga yun.. kumpleto kaya tropa namin.."

"Paanong kumpleto?"

"Syempre.. si Raj, financer.. sya pinakamayaman samin e.."

Si Rajeel? So.. totoo nga yung hinala ko..

"tapos pag may mga gang fights naman, walang nakakatalo kay Shun at Jayv.. yung nakasalubong mo kanina.. kita mo yung si Jayv.. mukha lang yung mabait pero may topak rin.. tapos si Neji, yung katropa kong nagdodoktor.. ayun, sya lang yung hindi kasali samin mamaya pero nandito rin sya in case of may mainjure samin.. then yung alien kong katropa na si Nichii.. at ang pinakabata samin at pambato namin sa solo con ng skateboarding.. si Jelan.."

"Jelan.."

"Mm. Actually team lagi sila ni Nichii at before si Nichii rin ang isinasabak namin sa solo con.. kaso ngayon, ayaw na nya e.. kaya si Jelan na lang pinili namin.. tutal sya rin naman ang sunod na pinakamagaling samin kay Nichii e.."

"E.. kahit sayo?"

"Mm. Nakow, baka nga pag napanood mo yun mamaya, mainlove ka pa dun e.."

Mainlove ako?.. E matagal ko na ngang gusto yung taong yun e.. ang kaso.. hindi ko pa nga lang sya ganun kakilala.. *sigh* medyo napatungo na lang ako.

"Yan.. nandito na tayo Anna.. Welcome sa aming hidden arena!!"

Huh? Hidden pala to kaya malayo-layo rin nilakad namin..

Pag-angat ko ng tingin..

O_______O

Ito ang.. hidden arena??

Anna Maria ✔Where stories live. Discover now