Sabi ko nga, sa iba nalang ako uupo eh pero dito nalang daw.

Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang din.


 

"Huy.."

Mahina akong sabi kay Red at bahagyang tinusok yung braso niya.


 

Kanina pa kami nagdadaldalan ng mga kaibigan niya habang kumakain pero siya tahimik lang na kumakain tapos bigla nalang nangingiti.


 

"H-huh?" Baling niya sakin na bahagya pang nakangiti.

Tignan mo oh, Baliw na.


 

"Alam mo, para kang timang. Ang lalim ng iniisip mo tapos kanina ka pa pangiti-ngiti. Yung totoo Jared, Naka-drugs ka ba?"


 

Tanong ko bago uminom ng tubig.


 

"Of course not. Why would I use drugs if you are already my drug?" sagot niya na siyang ikinabuga ko ng tubig.


 

"Ew sis" komento ni Jill.


 

Tanginumin men. Buti hindi ko nabugahan si Kavs na nasa harap ko men.


 

Pinunasan ko ang basa sa may baba ko gamit ang panyong inabot sakin ni Red.


 

"Yieeeee!!! Humihirit ng ganon si fafa Red. Keleg nemen eke" sabi ni Sedinn at pinagsaklop pa ang mga kamay niya at sumandal kay Lucas.


 

Putek! Para siyang bading. Cute na bading to be exact. HAHAHAHA


 

"What the fck, men. Stop that kind of gayshit" pagsuway ni Lucas sa kaibigan at tinulak ito.


 

Yung dalawa naman, tawa ng tawa pati na din si Jill.


 

"Putek Jared! Wag ka namang babanat ng ganun. Muntik ko na mabugahan si Kavs eh" sabi ko at tinakpan na ang mineral water ko "ano ba kasing iniisip mo at para kang naka-drugs?"


 

"The Transferee" sabi niya at prenteng umupo habang nakangiti.


 

Si Anna. Si Deanna Enriquez pala ang iniisip niya.

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Where stories live. Discover now