Kumuha kami ng taxi para ihatid kami sa siyudad. Mga higit-kumulang daw isang oras ang byahe mula dito papuntang SM City. Sa backseat kami pumwesto ni Dyuswa. Panay ang kwento ko sa kanya tungkol sa mga tao rito sa Iloilo. Hindi ko nga alam kung nakikinig siya sa akin dahil nakapikit lang siya. Kainis naman ang lalaking ito. Pero hayaan na nga lang. Baka napagod sa byahe. Wawa naman bhebhe ko.

"Bhe dito na tayo!" excited kong gising sa kanya.

Umupo siya ng tuwid saka iginala ang tingin sa labas. After naming magbayad sa driver ay lumabas na kami. Ang laki na talaga nang pinagbago ng Iloilo. Yay. Yong kalsada sementado na. At mag mga overpass na rin.

Naglakad lakad na kami ni Dyuswa habang siya pa rin ang may hawak ng bag ko. Napapatingin sa amin ang ibang tao lalo na ang mga pabebe teens. Paano ba naman kasi kasama ko ang pinaka gwapong lalaki ngayon sa tabi ko. At magkaholding hands pa kami. O di ba? Lakas maka-PDA. Hihihi.

Alas siyete na ng gabi pero naglalakad pa rin kami. Na-enjoy kasi namin ang view. Hanggang sa makaabot na kami ng Esplanade. Ang romantic place daw sa mag-dyowa kaya dito ko dinala si Dyuswa. At hindi nga ako nagkamali. Ang daming lovebirds dito.

"Kakainggit naman sila," mahina kong sabi habang nakatingin sa sweet na sweet na mag-dyowa habang nakaupo sila. Nakahilig kasi sa balikat ng lalaki ang ulo ng babae habang nakatingin sa ilog na kumikinang ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa mga poste.

"Anong sabi mo?" tanong sa akin ni Dyuswa na umakbay sa akin.

Jusko naman. Binabawi ko na nga ang sinabi ko. Ang swerte swerte ko na. PPromise hihihi.

"Sabi ko ang sweet mong boyfriend," nakangiti kong sabi sa kanya kaya naman nginitian din niya ako.

Bakit ba ang gwapo pa rin ng lalaking ito kahit sa dilim? Nagdadalawang isip na tuloy ako sa plano ko. Haay.

'Ang kagago mo bala! Hambal mo sa akon, ako lang. Tapos nakita ta ka kagina may upod nga bayi!

(Gago ka pala eh. Sabi mo sa akin, ako lang. Tapos kanina nakita kitang may kasamang babae!"

Napahinto kami sa paglalakad nang marinig ang sigaw ng babae. Marami na rin ang nakiusyusong mga tao.

'Paka-isa ko 'to ya langga. Ano ka man ya man.'

(Pinsan ko yun mahal. Ano ka ba naman.)

'Pa-kaisa tapos ginahalok halukan mo nga gago ka!'

(Pinsan tapos hinahalik halikan mong gago ka!)

'Wala to ya ah. Palangga ta ka ya mo.'

(Wala naaman yun eh. Mahal kita.)

'Palangga sa ka-yudipota mo eh.'

(Mahal? P***ng-ina mo!)

Napabaling sa akin si Dyuswa.

"Nag-aaway ba talaga sila?"

"Oo. Hindi nga lang halata sa pananalita nila," gusto kong matawa sa naguguluhan niyang tanong sa akin.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon