Nginitian ko na lang siya. Nakakaramdam din ako ng takot. Takot na isang araw ay matatapos din ito. Lihim na lang akong napabuntong hininga sa isiping iyon.

[<>]

"Purita!" napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin.

Si Mario pala. Napakunot noo ako. Parang nag iba yata hitsura niya ngayon ah? Bahagya siyang pumogi.

"Naks, iba talaga kapag lumalablayp ah," sabi niya sa akin nang makalapit na.

"Ha?"

"Anong feeling na boyfriend mo na ang pinakagwapo, pinakamatalino at pinakamayaman dito sa school natin?"

"Okay lang."

Para naman siyang nadisapppoint sa sagot ko. Eh ano ba ang isasagot ko sa kanya?

"Ba't ganyan ang mukha mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ikaw kasi."

"Anong ako?"

"Kasi ini expect ko na magtatalon at maglulupasay ka sa tuwa dahil nangyari na ang matagal mo nang pinapangarap."

"Masaya naman talaga ako eh. Akshuli masayang masaya," sagot ko at pinakita pa sa kanya na masaya ako.

"Pero pansin ko lang parang may something. Parang may bumabagabag sayo."

"Wow ha. Ano na namang kalokohan yan Mario?"

"Totoo nga. Parang nagbago ka na. Hindi mo na masyadong ini-exercise ang pagiging malandi mo."

Naihampas ko ng wala sa oras sa kanya ang bag ko.

"Aray ko."

"Ang bunganga mo Mario. Baka may makarinig sa atin sabihin nila totoo," nakanguso kong sabi.

"Totoo naman eh. Honestly namimiss ko mga kalokohan mo dati," nakangiting sabi niya.

Napabuntong hininga naman ako. Nag umpisa na ako sa paglalakad at nakasunod lang siya sa akin.

"Lahat naman kasi tayo nagbabago kung kinakailangan ng panahon di ba?" panimula ko.

"Sabagay may point ka d'yan."

"Saka isa pa kami na ni Dyuswa. Kaya di ko na kailangang magpapansin sa kanya dahil napansin niya na ako. Alam mo yun."

Tumango tango lang siya sa mga sinabi ko.

"Saka ang sweet sweet na sa akin ni Dyuswa," kinikilig kong sabi.

"Wow ha. May tinatago din palang sweetness ang lalaking iyon. Hahahaha."

"Bakit naman hindi. Sigurado akong sweet din siya dati kay Diane eh."

Bigla namang uminit ang ulo ko nang mabanggit ko ang pangalan ng babaeng iyon. Nagtext kasi siya sa akin at pinapaalala na may ilang araw na lang ako bago umalis ng bahay nila Dyuswa. Ang sarap lang talaga niyang ipasagasa sa sasakyan. Urgh.

"Nasaan na nga pala si Dyuswa?" naalala kong itanong sa kanya.

"Nauna nang lumabas sa room kanina eh. Akala ko nga magkasama kayo ngayon."

Napakunot ako ng noo. Saan naman kaya ito pumunta? Hindi man lang nagpaalam sa akin. Kahit sa text na lang.

"Weird lang Purita ha? Bakit parang sabay naman yata kayong nagbago ni Joshua. Ikaw sumeryoso siya naman biglang naging sweet. Just weird," sabi niya sabay kibit ng balikat.

May dahilan naman kasi ako kung bakit ako sumeryoso eh. Ewan ko lang kay Dyuswa. Baka nga siguro bumabawi lang siya sa akin.

[<>]

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon