Nang matigil sa harap ni Lazaro ay inilahad agad ni Valdez ang kamay nito. Tiningnan lang ito ni Lazaro na may halong pagtataka. Kilala niya ang lalaking nasa kanyang harapan ngunit hindi niya alam kung bakit siya nito nilalapitan.

"Ruel Valdez." Sabi nito nang may ngiti.

Mukhang nakuha naman agad ni Lazaro ang ibig nitong sabihin kaya tinanggap niya ang kamay nito. Siya na rin ang unang bumitaw. Ang nais niyang makita ngayon ay ang matalik na kaibigan na si De Leon. Siya ang dahilan kng bakit siya nakapasok sa isa sa mga pinakasikat na paaralan noon.

"Mike Lazaro. Kilala na kita, supremo." Sagot nito.

"Welcome sa ADLSH." Singit ni Ho at Galang sa usapan ng dalawa. Ngumiti naman si Lazaro dahil kilala niya rin ang mga lalaking iyon.

"Nasaan ang silid ni De Leon?" Tanong nito sa dalawa.

Tinuro naman nila ang kulay berdeng gusali sa may bandang dulo, kung saan nakatira ang mga archers. Tumango sa kanila si Lazaro at nagpasalamat. Tiningnan nito si Valdez at tumango rin lang ito sa kanya. Agad siya tumakbo papunta sa silid ni De Leon.

"So hindi talaga kasali si dad sa frat?" Tanong ni Dennise sa kausap.

"Yup! Just like you, pinag-aagawan siya ng isang Valdez at ng isang De Leon." Sagot naman ni Bang nang may halong pang-aasar na tawa. Hindi na lang iyon pinansin ni Dennise.

Nasa gym ang dalawa dahil iyon ang base nila Alyssa. Nang muling makapasok si Den sa paaralan ay agad siyang dumiretso sa gym para tanungin ang kung sino mang matagpuan niya dun tungkol sa mga kaganapan sa loob ngayon. Si Bang naman ang una niya nakita na nakaupo pa rin sa wheelchair.

"What happened next? Anong nangyari? Bakit nagkaaway si dad at si Löwe?"

Lumipas ang ilang linggo at wala pa ring grupong sinasalihan si Lazaro. Nang mga panahon na iyon ay required silang sumali sa dalawang grupo, ang mga Archers at Eagles. Hindi naman makapili si Lazaro. Hindi naman sapat na dahilan na matalik niyang kaibigan si De Leon para sumali doon.

Madalas din ay napapasama siya kay Valdez dahil kaklase niya ito sa lahat ng subjects. Tinuturuan pa siya nitong tumakas sa mga klase na hindi rin naman alam ni De Leon. Dahil kapag nalaman niya iyon, paniguradong malalamatan ang pagkakaibigan nilang dalawa. Noon pa man ay inggit at galit si De Leon kay Valdez dahil sa respeto at pagiging espesyal nito sa lahat ng tao kahit na hindi naman ito karespe-respeto para sa kanya.

Inabutan siya ni Valdez ng kapirasong sigarilyo at hinithit namn niya nito. Nasa labas sila ngayon ng paaralan. Mas gusto niya lang talaga sa labas dahil hindi siya pinapagalitan ng mga tauhan ng kanyang ama. Kahit na tuwing Sabado ay pinapalabas sila, nagagawa pa rin niyang tumakas lalo na pag klase dahil sa gusto niya lang.


"Nagtataka lang ako. Bakit hindi mo ako pinipilit na sumali sa kahit anong grupo?" Tanong ni Lazaro sa kanya. Inubos muna ni Valdez ang sigarilyo at saka tinapon ito at inapak-apakan.

"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Gaya ng pagsama mo sa akin ngayon at paghithit ng sigarilyong iyan. Pinili mong gawin yan kaya mo ginagawa yan. At saka, mukhang hindi ka naman pwede sa grupo-grupo. Lagot pa kami sa tatay mong abogado." Natatawang sagot ni Valdez.


She Who Dares Winsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن