"I'm so sorry, Sophie."

"Bakit ka nagsosorry?"

"Kasi masasaktan ko siya..."

"Lahat ng nagmamahal, nasasaktan."

"Bantayan mo siya para sakin."

"Hindi mo naman ako kailangan pagsabihan niyan. Kaibigan ko kayo. Syempre babantayan ko kayo."

"Lalayo muna ako."

"Gano kalayo?" Seryoso kong tanong. "Aalis kang bansa? Amerika ba?"

Napangiti si Louisse. "Dito lang ako, baliw! Gagraduate na tayo, aalis pa ako?!"

"So, dito ka lang sa school pero lalayuan mo si Leone?"

"Magpapahinga muna ako sa Proof Rock. Kakausapin ko pa rin naman siya pero not in public."

"Patago lang?"

Pinunasan ni Louisse yung mga luha niya. "Oo."

Hindi ako nagsalita kahit ako na ang nasasktan para kay Leone. Yung ganoong klaseng tao kasi ay hindi dapat tinatago, dapat ipinaglalaban, dapat ipinagmamalaki. Pero sino ba ako para husgahan si Louisse? Kung ako ang nasa posisyon niya ay mahihirapan din ako. And kung ako yung nainlove sa isang babae at pinapalayo ako ng mga magulang ko sa taong mahal ko, yung pamilya din ang pipiliin ko. Gagawin ko lahat para sa mga magulang ko.

Oo, masakit at mahirap. Pero sabi ko nga kanina, pag hindi pumili si Louisse, pare-pareho silang masasaktan at posibleng lahat ay mawala sa kanya. By choosing her family, Louisse sacrificed Leone.

I just hope Leone would wait for her.

"Sophie,"

"Yeah?" Napatingin ako kay Louisse.

"Bantayan mo siya and make sure walang ibang lalapit sa kanya. Please?"

"Ginawa mo naman akong security guard!" Tawa ko, umaasang mapapagaan ko ang loob niya.

"Sige na, please?" Nagpa-cute pa siya sa akin.

"Bakit ako?"

"Kasi straight ka." Siguradong sagot niya.

"Ay ganon?" Natawa ako sa sagot niya. Sobrang sigurado siya ah!

"Bakit, hindi na ba?" Napataas ang kilay niya.

"Straight ako. Pero ayoko ng ganyang sagot lang. Playing safe yang sagot mo eh."

"Kasi alam kong mapagkakatiwalaan kita. Saka may isa pa akong reason."

"Ano yun?"

"Secret ko na lang yun."

"Hala, andaya! Ano nga yun?"

"Hindi naman talaga ako sure dun sa naiisip ko. Saka ayoko pangunahan, baka hindi matuloy." Humalakhak pa siya na parang kinikilig na ewan.

"Yung totoo, kanina kung umiyak ka para kang namatayan tapos kung makatawa ka ngayon parang nadapa ako sa harap mo."

"Hoy, pag nadapa ka tutulungan kitang bumangon!"

"Mabuti."

"Pero tatawanan muna kita!" Tapos humalakhak na naman siya na parang wala nang bukas.

"Ah, ganon. Sige, hahanapin ko si Leone. Sasabihin ko sakanya yung plano mo!"

"HINDI!" Tili niya at hinila ako paupo. Yung mga mata niya halatang nagpanic sa sinabi ko. "WAG MUNA!"

Tinakpan ko yung bibig niya. "Sige, sumigaw ka pa and hindi ko na kailangan hanapin si Leone kasi maririnig niya na yung boses mo sa sobrang lakas!"

Polar OppositesWhere stories live. Discover now