BW- The Intruders

10.3K 138 4
                                    

"Rian? Rick?" Sabay naming bulalas ni Lex.

"Kilala mo si Rian?" Magkasabay na tanong ni Rick at Lex sa akin.

"Oo, she's one of my best friends." Baling ko kay Lex  at pasimple kung tinignan si Rian.

"Kailan ka pa nakabalik, best? And why are you with Rick?" Rian's one of my closest friend kaya lang matagal ko na din siyang hindi nakita almost 3 years din kasi siyang namalagi sa states.

Pero bakit magkasama sila ngayon ni Rick? Ang mas nakakagulat pa ay ang maumbok niyang tiyan na halatang-halata sa suit niyang baby blue strapless dress.

"Babe, don't you know that Rian is Rick's wife?" Sabi ni Lex at inakbayan ako. What?! Ba't hindi man lang sinabi sa akin ni Rian na nag-asawa na siya at si Rick pa talaga na best friend ng asawa ko. What a small world.

Tumingin naman si Rian sakin tsaka ngumiti at pasimpleng nag peace sign. Tss, akala niya cute siya. Pero cute naman talaga siya eh kaya lang dapat pinaalam niya sakin na may asawa na siya para naman hindi ako masyadong nagugulat.

"You owe me an explanation, Rian." Sabi ko. Mukhang  nahalata naman niya na nagtatampo ako sa kanya. Sinong hindi magtatampo? Nung kinasal ako kay Lex ay ipinaalam ko sa kanila kahit alam kung hindi sila makakapunta sa kasal ko ay sinabi ko pa rin.

"Oo na, bestie. I'm sorry na, I'll tell you everything later, 'kay?" She said and smiled. Hindi ko naman siya matitiis. I missed her very much. She's like a sister to me and we really need to spend time together. Ilang taon din kaming hindi nagkita.

Marami din akong dapat sabihin sa kanya. Kaya napag-desisyonan namin na lumayo muna sa mga boys para naman makapag-usap kami.

"What happened, Grace? Bakit di mo sinabi na si Lex pala ang napangasawa mo?" Tanong agad sakin ni Rian nang nasa sala na kami. Teka, di ba dapat ako yung nagtatanong ngayon?

"Sinabi mo lang sakin na nag-asawa kana pero hindi mo naman sinabi kung sino. Hmp, nakaka-asar ka ah!" Nagtatampo niyang saad sa akin. Aba't dapat ako ang nagsasabi niyan ah.

"Gurl, di ba dapat ako yung magtampo sayo? Buti nga sinabi ko na nag-asawa ako eh. Ikaw? Hindi mo man lang sinabi. How long have you been married, Rian? At talagang sa best friend pa ng asawa ko ah?" Litanya ko sa kanya.

"Uy, hindi ko naman alam na best friend yun ng asawa mo. Matagal na akong may gusto dun no. Siya yung  kinokwento ko sa'yo noon. Yung lalaking hindi ako pinapansin, naalala mo pa? Sabi mo pa nga na pareho pala tayo ng kapalaran." Bigla ko namang naalala na yung madalas niyang ikwento sakin. Nung high school pa kasi kami, may gustong-gusto na siyang lalaki nun kaya lang hindi naman siya pinapansin. Naisip ko nga na mag-bestfriend talaga kami dahil pareho kami ng sitwasyon.

"Pero paano nangyari na kasal na kayo ngayon? Bigla ka nalang niyang napansin at na-develop siya sa'yo?" Masaya ako para kay Rian dahil kasama na niya ngayon ang lalaking matagal na niyang minamahal.

"Simple lang, pinilit ko siya para tapos ang usapan." Sabi niya habang tumatawa pero mahahalat mo namang pilit lang yung tawa niya. Katulad din ba sila samin ni Lex? Hindi pa rin ba siya mahal ni Rick? Pero buntis na siya ah? At mukha naman silang masaya kanina.

Nahalata siguro ni Rian na nakatanga lang ako sa kanya at pinagmamasdan o mas tamang sabihin na sinusuri siya. Alam niya kasi na maloloko niya ang iba pero hindi ako. Even if we didn't see each other for a very long time that won't change the fact that we're like sisters and we really care for each other very much.

"Ikaw naman oh, stop staring at me. Para ka namang imbestigador niyan, bestie." Nakangiti siya sakin pero para talagang may iba sa mga mata niya eh. I can see sadness and emptiness. Kaya naman hindi ko na napigilang tanongin siya.

Broken WifeWhere stories live. Discover now