BW-The Accident

17.5K 291 2
                                    

Tama nga bang bumitaw ako? Alam kong masasaktan ako pag tuluyan na akong sumuko. Pero mas masasaktan ako kapag nagpatuloy ako. Mahal ko siya pero minsan ang pagmamahal may hangganan. Hindi naman sa lahat ng oras ay ikaw lang yung nagbibigay, kailangan mo ring makatanggap, kailangang masuklian.

Masakit ang hindi mahalin pabalik pero ano nga ba ang magagawa ko? Hindi napipilit ang pagmamahal. Siguro nga yun yung problema ko, noon paman alam ko ng hinding-hindi ako mamahalin ni Lex pero nagpatuloy pa rin ako. Ang tanga ko lang talaga, sana hindi nalang ako nangialam sa kanila ni Kaye.

Hindi ko alam kong ano ba dapat gawin. Naguguluhan pa kasi talaga ako. Gusto ng sumuko ng utak ko pero ayaw naman ng puso ko. Pwede bang humiling na lamang ako sa panginoon na makalimutan ang lahat ng ito?

Hindi ko na alam ang ginagawa ko. I can't even clearly see the road , my tears won't just stop from falling. I love him very much but why can't he love me back?

"Grace naman eh, ayaw niya nga sayo at kahit kailan hindi ka na niya mamahalin!" Pagsaway ko sa sarili ko. Naiinis na talaga ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito eh, sa kanya lang talaga ako nagpapakatanga.

Binigay ko naman lahat ah? Well, not totally, but still I'm willing to give him my everything. Ang saklap naman kasi talaga ng buhay pag-ibig ko. Minahal ko lang naman siya ah.

*Beeeeeeeeeeeeeeeeep* isang nakakabinging busina ang narinig ko mula sa aking harapan. Nakakasilaw ang ilaw na dala nito. Huli na para malaman ko kung ano ang nangyayari, kadiliman ang sumunod na bumalot sa aking sistema hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

--------------------------------------------

She doesn't deserve this. She's very fragile. I care for her very much but that d*mn guy didn't even give a sh*t. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakahiga siya ngayon sa hospital bed. Ako ang tinawagan ng mga nakakita sa kanya dahil di naman daw sila sinasagot nung asawa daw niya na naka-phone book daw sa cellphone nito. That man. He really didn't care for her, did he?

"Matatagalan ang recovery niya, masama kasi talaga ang pagkakabangga niya. It will take a week or two for her to wake up. May I just warn you that she may suffer from an amnesia or mild memory loss." Sabi sa akin ng doctor pagkatapos niyang tignan si Grace.

I didn't utter a word. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon kay Grace. Nagpaalam na ang doctor ni Grace at naiwan ako ngayong mag-isa. Alam kaya ng asawa niya ang nangyari sa kanya? Bakit ba naman kasi siya pa ang mahal ni Grace? Bakit hindi nalang ako?

"Grace, sana ako nalang, ako nalang mahalin mo, hinding-hindi kita sasaktan. Gagawin ko ang lahat sumaya ka lang." Sabi ko at hinalikan ang kanyang noo.

Broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon