BW-His Plan

17.5K 287 2
                                    

Isang linggo na siyang walang malay. Araw-araw ko siyang binabantayan pero kahit minsan hindi ko pa nakitang bumisita sa kanya ang kanyang asawa. Kaya niya ba talagang tiisin si Grace?

Habang tumatagal lalong tumitindi ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Grace. Siya lang ang minahal ko ng ganito. Kahit umalis ako ng bansa hindi ko siya kailanman nakalimutan.

Sinubukan ko namang mag move-on, nakipag-date ako sa mga ibang babe, nakipagrelasyon pero hindi ko pa rin siya magawang makalimutan. Sinadya kong alamin ang lahat sa kanya. Alam ko kung paano sila na kasal ni Lex. Alam ko rin ang dahilan kung bakit namatay si Sandra at ang kataksilan ni Kaye. Nabuo ang plano sa aking isipin na babawiin ko si Grace kay Lex. Hindi naman ako mahihirapan, lalong-lalo na at hindi naman pala siya mahal ni Lex.

Naawa ako kay Grace ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis sa kanya. Bakit ba kasi hindi pa niya iwan ang lalaking yun na kung tutuosin wala namang pakialam sa kanya?

Pero kahit ano pa man, hinding-hindi ko na hahayaang masaktan ang babaeng mahal ko. Lahat gagawin ko maprotektahan ko lamang siya.

"Kuya Andrei, umuwi ka muna, ako muna ang magbabantay kay Ate Grace." Hindi ko namalayan na nakapasok na pala ang kapatid kong si Lea, mas matanda ako sa kanya ng apat na taon.

"Sige, magpapahinga muna ako pero babalik ako agad. Tawagan mo ako, Lea pag may nangyari." Sabi ko sa kapatid ko at umalis na. Alam ng pamilya ko ang tungkol kay Grace pero hindi naman sila galit dito sa katunayan, naawa pa sila sa kalagayan nito ngayon.

Papunta na ako sa bahay namin ng madaanan ko ang coffee shop ko. Pumasok muna ako sa loob upang kamustahin ang mga empleyado ko. Isang linggo na din kasi akong hindi nakakapasok ng opisina at nabibisita ang coffee shop dahil tutok ako sa pagbabantay kay Grace.

"Mabuti naman at wala na sa bahay mo yang asawa mong walang kwenta." Papasok ako ng aking opisina sa loob ng shop nang marinig ko ang boses ni Kaye. Lumingon ako, tama nga ako, si Kaye nga.

"Yeah, I think she finally realized that our marriage will never work out. I'm really glad she's out of my life right now." Saad naman ng kasama niya. Wala talagang kwenta ang Lex na iyan. Sa galit ko nilapitan ko sila.

"Ganyan ka ba talaga ha? You really didn't care for Grace, did you? Na-aksidente si Grace kaya hindi niyo na siya nakikita. Nanganib ang buhay niya dahil sayo. Wala kang kwenta." Sinuntok ko na siya. Nagsuntukan lamang kami, walang gustong magpa-awat.

"What are you saying? Kung na na-aksidente man siya it's not my fault anymore. She did that to herself! Labas na ako dun at kung totoo man na na-aksidente talaga siya, she deserved it! Sana nga hindi na siya nakaligtas after what she did to my sister." G*go talaga ang lalaking to! Wala ba siyang puso? Sinuntok niya ako ng pagkalakas-lakas. Dumating naman ang nga guwardiya at inawat kami.

"Malas lang ni Grace at ikaw pa ang minahal niya pero hinding-hindi ko na hahayaang masaktan pa siya ulit ng dahil sayo." Yun lang ang sinabi ko at tinalikuran na sila.

Buo na ang isip ko ilalayo ko na si Grace sa kanila. Isasama ko siya sa akin pagkagising niya kahit pa ayaw niya, wala na siyang magagawa pa dahil simula ngayon gagawin ko ang lahat mahalin niya lamang ako.

Broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon