BW- My Home

9.1K 153 8
                                    

"Grace, wake up Hon. We've already landed." Nagising ako sa mahinang pagtapik sa akin ni Lex. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

"Good morning, everyone this is Captain Lucca Ranaldi. We have safely arrived in the land of France. Once again we thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future." Boses yun ng piloto. Nakatulog pala talaga ako sa buong biyahe namin. Unti-unti ng naghahanda ang ibang mga passengers sa aming pagbaba. Hindi muna kami bumaba ni Lex, hinintay muna namin na kumonti na yung tao.

So dito pala sa France kami pupunta. This is my first time in here. I've been to some countries before but never in here. This is my dream place. Naaalala ko pa na sinabi ko kay Rian noon na kung maga-asawa ako, gusto ko na dito kami magho-honeymoon. Pero hindi naman yun nangyari noon dahil ayaw ni Lex.

A sad smile escaped into my face as I roamed my eyes in the beautiful place. Ang ganda dito. Kahit nasa airport pa lang kami, malalaman mo na agad na napakalinis ng bansang ito.

"Come on, Hon. Let's get our luggages." Inakay ako ni Lex para kunin ang mga gamit namin.

Nang matapos na naming kunin lahat ng mga gamit, lumabas na kami at naghintay sa susundo sa amin. I didn't know na may kakilala pala si Lex dito sa France.

"Lex, sino yung susundo sa atin?" Di ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya.

"One of our caretakers. Don't worry, they're already on their way here. Konting hintay lang, love." He said and put his left arm on my shoulders. Para naman akong nahihiya ngayon. Sino ba naman ang hindi? Ang dami kasi naming luggages. Nung nasa airport pa kami ng Pilipinas, natagalan kami sa pagpasok sa plane dahil masyado raw marami yung luggages.

"Lex, I'm sorry. Ang dami kong dinalang gamit. Mukha tuloy tayong tanga ngayon." I pouted. I'm really embarrassed right now dahil para ko na ring kinain yung pang-aasar ko sa kanya.

"You don't have to say sorry, Love. Okay lang naman talaga sakin kahit dalhin mo pa lahat ng gamit mo basta kasama lang kita. So stop thinking about it, okay?" He said and wrapped his arms on my waist. I just smiled and hugged him back.

We were happily talking about the places that he had been before and all the memories that he had here in France when a black car stopped in front of us and an old lady stepped out and called Lex.

"Lex! Pasensya na kayo, nak ha? Medyo nagka-aberya lang kami kanina. Hali na  kayo, sigurado akong pagod pa kayong dalawa ni Ma'am." Tinapunan ako ng tingin ng matanda at binigyan ako ng magiliw na ngiti.

"It's okay, Nay Esme. Ito nga po pala si Grace, asawa ko. Hon, this is nanay Esme. Siya yung nag-aalaga sakin noong maliit pa ako." Naikwento na nga pala sakin ni Lex na dito siya ipinanganak at lumaki kaya lang bumalik sila ng Pilipinas nang magbinata na siya.

"Hello po!" Sabi ko at ngumiti sa kanya. Magaan yung loob ko sa kanya kaya nasisiguro kong magkakasundo kaming dalawa.

"Ang ganda naman pala ng asawa mo, nak. Sigurado akong magaganda at gwapo ang mga anak ninyo. Naku, hali na kayo. Sa bahay nalang natin 'to tapusin ang kwentuhan." Sabi ni Nay Esme at inakay na ako sa loob ng sasakyan. Buti nalang talaga at nag kasya yung mga bagahe namin sa likurang bahagi ng sasakyan.

Habang nasa biyahe kami, nakatulog si Lex sa may balikat ko. Para naman akong na-awa dahil malamang hindi siya nakapag-pahinga kanina. Marahan kong inaayos ang posisyon niya para hindi siya mangawit nang biglang magsalita si Nanay Esme.

"Alam mo, Hija ngayon ko lang nakitang ganyan si Lex kaya nasisiguro kong aalagaan ka niya at mamahalin habambuhay. Yung paraan ng pagtitig niya sayo, ibang-iba. Puno ng pagmamahal." Ewan ko pero parang sumaya yung puso ko sa sinabi ni Nanay Esme. Kung alam lang niya kung paano kami nagsimula ni Lex. I weak smile formed into my lips.

"Salamat po. Uh, pwede ko rin po ba kayong tawaging Nanay?" Bahagya siyang napatawa at tsaka tumango.

"Aba oo. Asawa ka ni Lex kaya pwedeng-pwede mo rin akong maging Nanay. Para ko na ngang anak yang batang 'yan, isa lang kasi yung anak ko. Hayaan mo hija, pagdating natin sa bahay, kwe-kwentuhan kita tungkol kay Lex. Naku, ang kulit kaya niyang asawa mo." Sabi niya at napatawa na rin kaming dalawa.

Namangha ako nang bumukas ang malaking gate at tinahak na namin ang daan sa loob. Isang malawak na harden ang bumungad sa amin. Malamig ang klima ngunit hindi ito naging hadlang upang makita ko ang kagandahan ng paligid. Hindi pa man din ako nakaka-recover sa magandang tanawin nang biglang huminto ang sasakyan sa isang napakagandang bahay. Mukhang triple yata ito sa mansion namin sa Pilipinas. It was a modern house with a touch of castle-liked interior. Parang bahay ng mga modernong prinsepe at prinsesa.

"Nandito na tayo, hija. Gisingin mo na yang asawa mo para naman makapag-pahinga muna kayo ng maayos. Kami na ang bahala sa mga gamit ninyo. Sige pumasok na kayo, may maids na naka-abang na sa inyo." Sabi ni Nanay Esme.

"Sige po, Nay." Sabi ko at binalingan si Lex. Tinapik ko nang marahan ang pisngi ni Lex.

"Lex, gising na. We're already here." Unti-unti naman niyang iminulat ang kanyang mga mata at luminga-linga sa paligid.

He looked very happy right now. Siguro kasi nakabalik na siya sa lugar kung saan siya lumaki. Siguro na-miss niya ring tumira dito.

"Wow, I'm glad I've finally came back in here. But not alone." Isang makahulugang ngiti ang kanyang iginawad sa akin.

"Masaya akong bumalik sa lugar ng pinaka-masasayang araw ng buhay ko kasama ang taong pinakamamahal ko. Thank you for coming here with me, Grace." He said as we are heading our way to the mansion's main door.

"Makakatanggi ba ako? Ngayon ko nga lang nalaman na dito pala tayo pupunta. Anyway, your house is such a beauty, Lex." I said and smiled at him. I was stunned when I saw the maids. Akala ko mga Pilipino din ang mga katulong. There are 6 maids who welcomed us and they all look foreign.

"Accueillir a nouveau Monsieur!" They all said to Lex. What is that supposed to mean? I looked at Lex and hoping he would translate it. I don't know French. Yung Monsieur nga lang yung naintindihan ko eh.

"It means, Welcome back, Sir." Lex whispered.

"Merci! C'est ma femme, Grace." He said to the maids.

"Bonjour Madame Grace!" Now, they are all looking at me and giving me a friendly smile. Naiintindihan ko naman yung sinabi nila kaya ngumiti ako sa kanila.

"Bonjour to all of you!" Mukhang mapapasabak ako nito ah. I never knew Lex could speak French. Sa tagal kong nagkagusto sa kanya noon, hindi Ko man lang nalaman na 15 years pala silang namalagi dito sa France.

"Come, Hon. Let's go to our room." Lex guided me to our way. He said something to the maids pero hindi na ako nakinig. I was busy absorbing all the things that I knew about him today. Maybe, I didn't know him that much yet.

"I never knew that you used to live here." I said as we entered to 'our' room. The room was beyond beautiful. It's like the whole room was filled with royalty aura. It was very classy, elegant and romantic.

"Well, now you know. I'm glad that I've finally brought you here. Grace, this used to be my home and I always miss this place because it holds a lot of my beautiful memories. But now, you're my home. My life. My everything." He said and kissed my lips. Hearing those made my heart jump because of too much happiness. Now, I don't have doubts anymore because I'm already ready to give us another chance. Another chance to start anew.

"I'm glad to hear that, Lex. But I would be more glad to say that I'm willing to start over again with you. I'm willing to spend the rest of my life with you." And with that, a tear escaped from his eyes.

Broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon