BW-Her Tears

18K 277 2
                                    

Para lang akong tanga na nakatunganga dito sa kwarto ko, naghihintay sa kanya. Nasayang lang yung niluto ko, di na naman siya umuwi ng maaga.

Dapat masanay na ako dahil lagi naman siyang late umuuwi pero di ko pa rin maiwasang magalala.

2:30 na nang marinig ko ang ingay ng sasakyan niya kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto para puntahan siya.

"Uhm babe, are you sure na okay lang dito?" Para naman akong natuod sa kinatatayuan ko. Si Kaye. Ang babaeng mahal niya. Ang sakit.

Napatingin naman sa akin si Kaye pero parang wala lang sa kanya na nakatingin ako sa kanila ngayon. Gusto kong magselos at magalit kay Lex pero di ko magawa dahil kasalanan ko naman. Ako ang sumira sa kanila pero tama lang naman yun dahil hindi naman niya alam at kilala ang tunay na Kaye.

"Don't mind her. She's just a b*tch. Let's go to my room, babe." Sabi ni Lex pagkatapos halikan si Kaye at inakay patungo sa kwarto niya.

Ang sakit. Nilagpasan niya lang ako. Tinignan ko siya pero parang nagsisisi lang ako sa ginawa ko. Yung tingin niya, puno ng galit at pagkasuklam.

Sinundan ko sila. Nakakatawa nga sigurong isipin na gusto ko pang makita kung ano ang ginagawa nila.

Para yatang sinasadya pa nila na ipakita sa akin ang ginagawa nila dahil iniwan pa talagang nakabukas ng bahagya ang pintuan. Ang sakit na makita ang mahal mo na may kasamang iba at ang mas masakit ay mahal niya pa ang taong yun.

"I love you, Kaye." Sabi ni Lex habang masuyong hinalikan si Kaye. Sana ako nalang ang sinabihan niya nun. Di ko tuloy maiwasang mainggit kay Kaye. Gusto ko siyang sumbatan pero ang umiyak lang naman ang tanging nagawa ko.

If you only knew what kind of person you chose to love, Lex. Sana ako nalang siya. Ako nalang Lex, please?

"Enjoying the show?" Di ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin. Nakangisi ito na parang gusto pa niyang nakikita akong umiiyak. Tumakbo ako papunta sa aking silid.

I don't want him to think that I'm weak. I don't want him to see me cry. I hate crying. Ayokong kinakaawaan ako. Pero ngayon, para akong talunan na umiiyak dahil alam ko, I will never win.

Pero kahit ano kakayanin ko. Hinding-hindi ako susuko dahil ganun naman pag nagmamahal, lahat gagawin mo para sa mahal mo.

Lex, I will never give up on you.

Broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon