BW- The Plan

15K 250 4
                                    

Siguro nga nagpaka-tanga ako ng sobra. Pinili kong saktan at baguhin ang sarili ko para sa kanya. Lahat ginawa ko magustuhan lang niya ako. 

I became the person I never wanted to be. 

Noon, okay lang sa akin na tignan siya sa malayo, okay lang sakin na hanggang kaibigan at kapatid lang ako sa kanya. Pero bakit nga ba nag-bago ang lahat?

"Grace, tama na. Bakit ka ba nagpapakalasing? What's your problem?" Tanong sa akin ni Sandra. She's the younger sister of Lex. Sandra's 2 years older than me and she's like an older sister to me. Pero hindi niya alam na minamahal ko ang Kuya niya. Ayaw kong sabihin dahil baka maapektuhan ang pagkakaibigan namin.

"Ang laki-laki ng problema ko. Magpapakasal na ang Kuya mo kay Kaye." Humagulhol na ako. Bahala na, di ko na nakokontrol ang mga sinasabi ko. Tahimik lang naman si Sandra pero I can see that she's confuse.

"I... I.. Lo-ve.. yo..your bro..brother, Sandra!" Halos hindi ko masabi ang katagang yun, natatakot ako baka magalit siya sa akin. Pero laking gulat ko nang yakapin niya ako.

"Shh, it's okay, Grace. Please stop crying, I feel your pain." She's trying to calm me down. Para namang nawala ang takot ko. Pero natulala ako nang hinarap niya ako.

"I know it, Grace. Matagal na, halata ka kasi masyado. I even thought that Lex also feels the same way that's why I'm really shocked when she introduced Kaye as his girlfriend." She smiled at me.

"Sandra, please help me. I want to move on, please. But, I can't do this alone." Umiiyak na naman ako, naiisip ko palang na hindi talaga kami para sa isa't isa, nasasaktan talaga ako ng sobra.

"I'll help you, Grace. I promise that you will forget the pain and you will learn how to love another guy again." She assured me and hug me once again.

3 months have passed, maraming nangyari sa buhay ko, tinulungan ako ni Sandra para makapag-move one. 3 months ko na ring hindi nakikita si Lex. I'm slowly forgetting the love I have for him. Totoo pala, pag ginusto mo, makakapag- move on ka talaga kahit gaano pa katagal. 

Little by little, I learned how to live and enjoy life again. Nawawala na yung sadness na nararamdaman ko. Naaalala ko pa naman siya pero I'm trying my best to forget the feelings that I have for him.

Pero akala ko tuluyan na akong makakapag-move on, hindi pala.

Nandito ako ngayon sa restroom ng isang restaurant.

"Oh yeah, I'm not really serious with him. I love Greg very much, Audrey! I'm just doing this for money. Alam mo naman kung gaano ka yaman sila Lex, diba?" Wait, is that Kaye's voice? Oh my, she's not serious with Lex? She's cheating behind his back? Lex loves her. The reason why I envy her that much. But how could she do this to him?

"Yeah, siguro 2 months after our marriage, I will file for annulment. Geez, ang dali kaya niyang lokohin, Audrey. Palibhasa patay na patay sa akin. Sunod pa ang luho ko sa kanya. Oh diba, nakakainggit ako? Pero nakakainis lang dahil ma-mo-move ang kasal namin. Kating-Kati pa naman akong kunin lahat ng kayamanan niya." Humahalakhak pa siya. Ang saman naman niya.

 Ugh, I hate her. Parang gusto ko siyang sapakin.

"Madali lang naman, it's not that easy to get his signature now that he's head over heels in love with me!" Yun lang at umalis na siya sa restroom. 

Yun pala ang balak mo ha? Pwes, I won't let you hurt my man.

I told Sandra and Lex's mom about what I heard. I even showed them the pictures of Sandra with her boyfriend that were taken a few days ago by my private investigator. 

We made a plan on how to sabotage the wedding. Pero kami lang ni Sandra ang dapat gumawa nun.

Napatigil ako sa pagba-balik tanaw nang makita ko na madilim na sa labas. Gabi na pala di ko man lang namalayan.

I dried my tears. 

Ayaw ko ng maalala ang nangyari, hindi ko kaya, parang pinapatay ako ng matinding lungkot at pagluluksa. Siguro nga hindi na niya mapapatawad ang nagawa ko.

Broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon