BW-Weird

15.4K 247 5
                                    

Pagdating ko sa hospital, dinala agad ako sa ER. Sabi ng doctor di naman daw malala yung pagkakabangga ko pero dapat manatili daw muna ako sa hospital.

Kinabukasan, pwede naman na daw akong umuwi kasi okay naman ang lahat sa akin. Physically, oo pero emotionally? Uhm, I don't think so. Naalala kaya niya ako? Nag-worry ba siya para sakin? Hinanap kaya niya ako? Uh, siguro hindi.

Ayaw ko munang umuwi ng bahay wala rin naman siguro akong maabutan dun. Kaya pumunta muna ako ng simbahan.

Umupo lang ako sa pinakadulong upuan. Mabuti pa dito, tahimik at walang gulo, walang mananakit at mang-aapi sayo. Di ko tuloy maiwasang maalala kung ano ang buhay ko nang hindi pa kami ikinakasal ni Lex.

Grace Alexandria Michelle Austin o mas kilalang "GAM". Lahat yata ng schoolmate ko nung high school at college kilala ako. Well, sikat "daw" kasi ako dahil di lang daw ako matalino kundi mayaman, maganda, mabait at napaka talented ko pa daw.

Pero kahit ganun, I always keep my feet on the ground. Di ko kasi iniisip ang fame. Para sa akin, simplicity is the best. Ayaw kong maging magara at hambog sa kung ano man ang meron ako. Simple lang naman ang buhay para sa akin, you just have to live your life the way you want to.

I am always a good daughter to my parents. Kaya I always do good in my studies pero kahit lagi akong nag aaral, I always give time for myself to have fun. Kahit lumaki akong masunurin, palaban ako at may paninindigan. 

I always fight for what I think is right.

Kaya di ko maiwasang isipin kung bakit ako nandirito sa sitwasyon ko ngayon. Maybe, because I believed that I am the right woman for Lex? Baka mali yung paniniwala ko. Baka nga siguro, hindi ako ang dapat para sa kanya. Pero kahit ano pa ang problema, paninindigan ko ang desisyon ko.

Hapon na nang maka-uwi ako sa bahay. Pero baka pagdating ko wala namang tao. Madi-dismaya nanaman ako. Wala naman kasi yung pakialam sa'kin

----------------------------------------------

8 PM nang dumating ako sa bahay. Bukas ang mga ilaw at nakabukas ang gate. Nagtaka ako, may nakapasok ba na magnanakaw? O baka umuwi na siya?

Isipin ko pa lang na nandirito na siya ay parang bigla akong na-excite na pumasok na sa bahay. Wait, I shouldn't feel this way to her. I hate her kaya ba't naman ako ma-e-excite makita siya?

Pagkapasok ko, nakita ko kaagad siya na naghahanda ng dinner. Para naman akong natakam sa mga pagkaing niluto niya.

"Lex!" Parang nabigla siya.

"Yeah? Nandito ka na pala ulit." Pagkasabi ko nun, lumungkot yung mukha niya. I really hate it when she's doing that para namang ang sama kong tao.

"Kumain ka na ba?" I asked. Gutom ako kaya umupo na'ko, nagulat naman siya dahil di naman ako kumakain ng mga hinahanda niya talaga, this is the first time.

Kumakain na ako pero siya nakatingin lang sa akin habang nakangiti. What's her problem?

"Wag kang ganyan, nakakainis!" Sabi ko at tumigil naman siya.

"Sorry Lex, masaya lang kasi ako." She said while smiling.

Napatingin naman ako sa kanya. I couldn't help but look her in the eye and I felt something. I stopped eating before I lose my mind at kung ano pa magawa ko.

"Tapos na ako, kumain ka nalang diyan." Iniwan ko na siya doon. 

Aaminin ko, ang sarap niyang magluto at ang cute niyang tignan kanina. Wait, what? Did I just say that? 

Baliw na nga siguro ako to think that she's cute. What's wrong with me? I'm acting weird and that's creepy.

Broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon