BW-Who's that guy?

15.4K 237 7
                                    

Nagulat ako nang nakita kong naka park na ang kotse ni Lex sa labas. 11 pa lang naman ah? Napa-aga yata siya? Kadalasan kasi 2 or 3 ang uwi niya. Para naman akong kinabahan. Pero di naman siguro yun magagalit dahil wala naman siyang pakialam sakin.

Pagka-pasok ko, patay lahat ng ilaw. Siguro tulog na yun. Pero nang pa-akyat na ako ng hagdan ay biglang may humila sa akin.

"Where have you been?" Saad ni Lex sabay hawak sa braso ko. Mahina lang ang tinig niya pero alam kong galit siya.

"Uh, sa shop lang. May kailangan lang kasi akong taposin." Nagagalit ba siya dahil nag aalala siya sa akin? Tsk, asa pa ako. Di yan mag aalala sakin kahit mamatay pa siguro ako, hinding-hindi siya iiyak. Ganun ako ka walang importansya sa kanya.

"Don't get me wrong, ayaw na ayaw ko lang mag mukhang tanga at kawawa dahil ang asawa ko ay nanla-lalaki. Even if I don't love you it will ruin my reputation if I tolerate whatever you're doing. Ayaw kong may maipintas sa akin. If not because of my ego, I won't stop you from seeing other guys." Inis niyang sabi at tinulak ako sa may kaliwa niya. Aray, bakit ba tulak ng tulak to sakin?

Akala ko pa naman nagseselos o nagaalala. Maling akala na naman. Napabuntong hininga na lamang ako. Di ko na ininda ang sakit ng pagkakatulak niya sa akin, pumunta na lamang ako ng kwarto dahil nagtu-tubig na naman ang aking mga mata.

---------------------------------------------

"Uh, sa shop lang. May kailangan lang kasi akong taposin." Liar, I've seen them at the restaurant. May gana pa talaga siyang mangaliwa after all what she did para lang makasal ako sa kanya. 

I'm not jealous. Napatingin ako sa reflection ko sa salamin. No, this is not jealousy. I'm just furious because what if my friends will see them? What will they say? Na nangangaliwa ang asawa ko at kawawa ako? Tsk, I won't let her affect my ego. I won't let her ruin my image. 

Siya ang aalok-alok ng kasal tapos manlalalaki lang siya? How could she? That's why I hate her, she's a fraud, pretender, and user. Kailan ba siya mawawala sa buhay ko? I really can't stand to see her every day for the rest of my life. That's why I'm already filing an annulment without her, her family, and my family knowing. I can't wait to get out of this sh*t as soon as I can.

But, why did I get mad when I saw her with that guy? "No, Lex. Remind yourself that it's just because of your ego". Pagkausap ko sa sarili ko.

 Yeah, right I just don't want to be embarrassed. That's it. 

Pero kanina when I saw them, I couldn't explain the things that I felt while watching them.

"Bro, diba si Grace yun? Who's that guy? Her friend?" Tanong ni Rick sakin. Pagtingin ko naman sa direksyong tinuturo niya, nakita ko si Grace may kasamang lalaki.

Di ko naman kilala yun ah? New friend niya? Pero bakit ang sweet nila? Nakunot yung noo ko.

"Bro, chill, di ka naman masyadong halata niyan." Nakabungisngis na siya. Di ako umimik pero nagpatuloy lamang siya sa pang-aasar.

"Nagseselos ka nga siguro." Sabi ni Rick. Lalo tuloy akong nainis.

"Hindi ako nagseselos, ginagawa niya kasi akong tanga kaya ako galit. D*mn!" Nagmura nako nakakainis naman kasi eh.

"Uy Lex, I was just kidding bro!" sigaw niya pero di ko na siya nilingon. Ugh! Na bad trip tuloy ako. Pumunta nalang ako sa bar ng mag-isa. Sino kaya yung lalaking yun? He looked familiar.

Inisip ko kung san ko nakita yung lalaking yun. Ah, now I remember. Andrei Miguel Fernandez.

Her first boyfriend. How sweet. I shouldn't feel this way. I shouldn't care kung may kasama man siyang iba.

9 na ako nakauwi ng bahay. Patay lahat ng ilaw. Wala akong nadatnan na Grace. Ginagalit niya ba talaga ako? Bakit di pa siya umuuwi? Ganun ba talaga sila ka nag enjoy sa isa't isa para di niya maisip umuwi ng maaga?

Nakakainis talaga siya. Pero bakit ba ako nagagalit sa kanya? Bakit nga ba?

Broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon