Nagkatitigan kami at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa paraan ng pagtitig niya sakin. Nakakabaliw at nakakalusaw ng damdamin ang pinapahiwatig ng mga mapupungay na mga mata niya. Nakakapang-akit at napakaganda ng mga mata niya. Bakit ngayon ko lang 'to nakita ng ganito?


 

"Baby Boy we're he--Ooops! Sorry baby" napatingin kami sa pinto at nakita ko ang magandang babae katabi ang isang gwapong lalaki na nasa mid-40's na ang edad.


 


Napatayo naman kami at inayos ko ang suot ko. Namumula na yata ang buong mukha ko sa kahihiyan! Nakakahiya! Nakapatong ako kay Red at halos magdikit na ang mga mukha namin--UGH!


 


"Next time dun kayo sa kama Dj wag diyan sa sahig" at nakarinig kami ng hagikgikan kasabay ng pagsara ng pinto ngunit bumukas ulit ito. "Ay Baby boy! Ang cute mo diyan sa onesie mo san mo nabili? Bibilhan ko si Danilo hihihi sunod na kayo sa baba" at tuluyan na ngang sinara ang pinto.


 


Napalingon naman ako sa katabi ko na nakahawak sa mukha at namumula ang tenga. Hihihihihi ang cute!


 


*****


 


"So, what's your full name hija?" tanong ng Daddy ni Red sakin habang patuloy sa pagkain


Nandito na kami sa dining table nila. At grabe! Hindi niyo alam kung gaano ako ka-kabado sa harap nila. Pinipilit ko lang ang sarili ko na hindi ipahalata sa kanila. Juskopaano?!


 

 Kumpleto kami pero wala si Jill. May pupuntahan pa daw kaya hindi siya makakasabay sa dinner. Itong katabi ko naman na si Red ay nakabihis na din ng casual. Hindi na siya naka onesie. Hahahaha cute niya talaga kapag suot niya yun! hihi


 

"She's Chandria dad. My girlfriend" sabat ni Red.


 

My girlfriend. Sarap pakinggan kung totoo..


 

"I'm not talking to you young man. Shut up. Tsaka pwede ba sa kama niyo gawin yung ganoong bagay hindi sa sahig?" Woah! pareho pala sila ni Jared na firm lagi kung magsalita. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Shit talaga! Nakakahiya. Mukha na yata akong kamatis dito dahil sa pamumula ko.


 


"I'm Chandria po sir. Chandria Blue Bernardo" sabi ko at ngumiti ng matamis. Hahaha matamis talaga?


 


"Wag mo na akong i-Sir. Tito nalang. Tito Danilo" sabi niya. Naramdaman ko naman ang paghawak ng katabik ko kaya napatingin naman ako sa kanya at nginitian niya lang ako kaya ngumiti din ako kay Tito Danilo.


 

"You're a Bernardo pala! How are you related to Min Bernardo?" tanong ng mommy ni Jared habang nakangiti sakin.


 

"Uhm, she's my mom po Tita.."


 


"Cassandra. Call me Tita Cassandra or Tita Cassy nalang" sabi niya and she giggled. hihih cute!


 


"Opo Tita K hehe" at pinilit na ngumiti kahit naa-awkwardan ako hindi kasi ako sanay ng may ibang tao palang kakilala si mama tapos mayaman pa. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng katabi ko kaya inirapan ko siya. Naiinis ako sa kanya! Bakit kasi ako nakapatong sa kanya kanina! Huhuhu chansing siya!


 


"Oh! So ikaw pala ang anak ni Min! I'm so glad to meet you! Finally na-meet na din kita!" ngaumiti siya sakin at tumayo para makipag-beso. Hays close na agad kami hihihi cute ko talaga!


 

"Nice to meet you din po Tita Cassy" sabi ko at ngumiti ng pagkalaki-laki.


 


"Sabihin mo sa kanya punta siya sa baby shower ko ah" sabi niya at tuwang tuwa siya.


 


"Congrats po sa baby niyo Tita! Sana girl hihihi" sabi ko at pinagdikit pa ang dalawang mga kamay ko


 


"Hindi Boy yan sure ako!" humarap si Jared sa mommy niya "Mom! Don't be so excited. You're just three months pregnant" at nakita kong umirap si Jared. Bading talaga.


 


"Pero mas okay na yung prepared tayo sa baby ko duh!" at dinilaan siya ni Tita Cassy. Ang childish pero ang cute niya!


"Hon, masyado pang maaga para mag-invite" Tito Danilo said.


 


"Wooh! Selos lang kayo kasi may bagong baby na ako eh" hirit naman ni Tita Cassy habang kinakain yung cake.


 Hindi ko na napigilan napahagikgik ako dahil ang cute ng family nila. Family goals aww


 


*****


 

Hindi nagtagal umuwi na din ako at hinatid kao ni Jared sa bahay. May pasok pa kami bukas kaya hindi ako pwedeng gabihin baka pagalitan ako ni mama


 

"Bye Sweetie" napapikit naman ako dahil hinalikan niya pala yung noo ko.


 

"Bye Red" kiniss ko naman siya sa cheeks tsaka ako tumakbo papasok ng bahay. Hindi ko na tinignan kung anong reaksyon niya. Dumiretso na din ako sa kwarto dahil mukhang wala pa si mama.


 

Nahihiya ako kay Jared. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at kiniss ko siya sa cheeks. Hays.  Siguro naman naisip niya na part lang din yun ng practice namin. Siguro para sa kanya wala lang yun. Cheeks lang naman yun eh.


 

Pero bakit sakin parang napakabig deal? Na-fafall na ba ako sa kanya? Pero hindi pwede! Kasi para sa kanya pretend lang 'to eh. Para kay Anna 'to. Siguro nga baka wala lang sa kanya 'tong nararamdaman ko.


______________________________________________________________


Silent readers! Helloww *insert angelo's voice here hahahahahahahaha okeh bye


 


 

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon