"You don't remember anything, do you?" Ara asked. I looked at everyone and they were just staring at me.

"Can't you remember anything? Kahit bits of memories wala?" Gretchen asked. I shook my head and looked at Alyssa.

She glared at everyone pero binawi niya rin yung tingin na yun at saka ako naman ang tiningnan. Kinuha niya yung kamay ko at umupo sa tabi ko kaya naman umusog ako nang kaunti.

"You've been unconscious kasi may something na tinurok sa'yo." Sabi niya kaya may biglang nagflash sa isip ko.

I was looking for this girl beside me then someone, Laura, told me she knows where Alyssa was. She was crying that time kaya I assumed na may nangyaring masama kay Alyssa. Pumunta ako sa student council room na sinabi ni Lau na nandun daw si Ly. Pagkapasok ko, wala namang tao. Paglingon, may tinusok na sa akin si Lau na nagpabigat sa talukap ng mga mata ko kaya nakatulog ako.

Yun. Yun yung nangyari.

"Laura." Tanging nasambit ko.

"Ly, traydor si Laura!" I shouted at her. Nag-iba yung mood ko. Tama. Isa si Lau sa mga traydor. I knew it! Kaya mainit din siguro ang dugo ko sa kanya. Pag nakikita ko siya, parang kumukulo na agad ang dugo ko.

"What? Don't you believe me?!" I asked nang makitang tahimik lang siya pati na rin yung mga kasama ko sa loob ng kwartong iyon. I think nasa hospital kami.

"Don't tell me you still love your ex?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat naman niya. At syempre, ikinagulat ko rin. Di ko na ata na-filter ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Bigla namang napangiti yung mga kaibigan namin at hindi ko alam kung bakit.

"What?! Are you out of your mind? Of course, not!" Depensa niya sa sarili niya.

"Eh bakit parang di ka naniniwala sa akin? Bakit parang wala kang reaksyon?" I asked. I don't know. Epekto ata nang tatlong araw na tulog.

Wala lang reaksyon si Ly sa sinabi ko. Parang normal na yun. Naisip ko lang agad na hindi siya naniniwala na traydor yung ex-girlfriend niya.

"No, Den. Alam ko na kasi bago mo pa sabihin. Wag kang magselos, okay?" She said softly. Pero matigas ang ulo ko kaya gusto ko pang makipagsigawan.

"And who told you na nagseselos ako?!" I asked. She shook her head like she can't believe that I'm saying such things. Am I acting jealous? Hell no! Malay ko bang gusto pa nito ex niya. Pag ganun, hahambalusin ko siya dahil sinabi niyang mahal niya ako .

"Ang cute niyo." Masiglang sabi nung nakaupo sa wheelchair. Napunta sa kanya ang atensyon naming lahat. Naningkit naman ang  bilugan kong mga mata at tinitigan siya. Pamilyar kasi talaga eh.

"And who are you?" I asked. Sumipol si Kim sa likod pero di ko na pinansin.

"Den." Ly warned pero di ko na rin pinansin. Duuuh. I won't cause any trouble. Ang hina ko pa kaya.

"I'm Bang Pineda. Ly's childhood friend." She said and smiled sweetly. Super ganda ng ngiti niya na parang lahat ng positivity ng mundo, kinuha niya. Nakakahawa yung ngiti niya pero badtrip pa rin ako kaya hindi ako nahawa.

"Bang?!" I shouted. Maybe because of the surprising thing she had just said. We all knew that "Bang" is already dead. Buhay siya?!

She nodded with a full smile. I looked at Ly at maging siya ay tumango. Lumapit siyang muki sa akin at umupo sa tabi ko. Ihinarap niya ako sa kanya at saka siya nagsalita.

She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon