Chapter Thirteen

5.9K 44 4
                                    


*Dingdong*

*Dingdong*

"Nandyan na!" Tumayo si Lena mula sa pagaayos sa harap ng dresser para tingnan kung sino ang early bird niyang bisita. It's only what? Six in the morning.

She peeped through the hole and saw a guy. Muka itong delivery boy. She opened the door without unlocking the double lock. "What do you need?"

"Kayo po ba si Miss Ilanos?"

Napakunot-noo siya. "Yes. Bakit?"

"Pinabibigay po sa inyo." Then, may inabot itong long-stemmed red rose.

Lalong napakunot noo siya. Hindi niya agad tinanggap iyon. Mahirap na at baka may kung ano pa yon. "Nino?"

Instead na sagutin ang tanong niya, "Sabi nya, wala raw po syang maisip na mushy lines na bagay para sa inyo kundi SIYA."

She smiled at that. Ang korni! At dahil corny, kinuha niya ang rose. "Kanino ba to galing?"

Instead of answering, he gave her a card na tinanggap niya naman. Then, he suddenly left. "Teka lang! Boy!" Pero hindi na ito lumingon.

She just shrugged. Then, closed the door and opened the card.

Ang kaso.. "Bakit blangko?"

She flipped it, nada. Wala talagang nakasulat.

"Si Adam talaga." Pa-suspense pa yon. He really loves to surprise her talaga. Though, pag si Adam kasi he will just bring it by himself. Ganon si Adam ee. Hindi man ito masalita. He showed it naman. Action speaks louder than words, right?

Iniwan niya ang rose sa mesa at nagpatuloy sa pag-aayos. In fifteen minutes, pasakay na siya ng elevator.

"Hep! Teka lang ho!" sigaw ng isang binatilyo. Pinigil nito ang pagsasara ng pinto ng elevator. "Miss Ilanos, para po sa inyo." Wala sa sariling kinuha niya ang pangalawang long-stemmed rose sa araw na iyon. "Mahilig po ba kayong mangisda?"

"Ha?" Wala pa rin sa loob na sagot niya. "Bakit?"

"Biningwit nyo raw po kasi ang puso nya."

At sa shock yata nilang mga nasa loob ng elevator, hindi nila nagawang pindutin ang button para bumukas ang pinto. Sumara agad iyon pag-alis ng binatilyo. Hindi na niya naitanong kung kanino galing ang rose.

Pero may card namang nakasabit sa stem. Ang kaso pagtingin niya blangko pa rin iyon.

Bakit ganun?

Umibis siya ng elevator na nagtataka. Si Adam talaga. She would go to him pagdating niya sa opisina.

Dumiretso siya sa parking, papuntang kotse. Siguro mga sampung hakbang na lang siya nang mapansin niya ang isa na namang long-stemmed red rose na nakaipit sa wiper ng kotse niya.

She just laughed softly. Ano ba to? Natatawa na tuloy siya sa mga pangyayari.

Blangko pa rin ang card nyon. And this time, walang kung sino na nagsabi ng kung anong pick-up lines.

Pero akala niya lang pala yon.

Bago siya makalabas ng parking area, hindi agad nataas ng guard ang harang. "Good morning, ma'am."

"Good morning din ho, manong." She smiled.

Ang akala niya itataas na nito ang harang pero nagsalita muna ito. "Ang bobo ho pala ni sir."

Ha? "Sinong---bakit?"

"Kasi wala raw ho syang ibang alam gawin kundi ang mahalin ka."

"Ahaha. That's so corny, manong." Palabas na siya ng building bago niya naalalang magtanong! Sht naman!

One Night StandWhere stories live. Discover now