Prologue

84.9K 878 38
                                    

ANGEL

Malalim na paghinga ang nagawa ko nang magawa ko nang makabangon sa pagkahiga ko sa sofa. Maaga man ako natutulog ay parang ang babaw nito palagi. Umaga pa lamang ngayon ay parang pagod na kaagad ako.


Isa na naman kasing panibagong araw ang kailangan kong gampanan bilang asawa't ina. Panibagong sinag ng araw na naman ang kailangan kong masilayan. At siyempre, isa na namang panibagong iyak ang naririnig ng aking mga tainga na nagmumula sa napakagwapo kong anak na si Ken.


"Titigil na 'yang baby ko na 'yan. Achu-chu-chu! Hindi na 'yan iiyak pa..." mahinang pagpapatahan ko sa kaniya nang makalapit ako sa crib nito.


Ken Clifford ang buo niyang pangalan. Siya ang bukod tanging tao na nagbibigay ng kalakasan sa akin sa pang araw-araw kong buhay. Sa dami kong hinaharap na pagsubok sa bawat araw, siya lamang ang nagiging pahinga't kasiyahan ko. Pinipilit at kailangan ko kasing maging matatag sa lahat ng problemang dumarating sa aming buhay, para sa kaniya.


Ano pa ba ang dapat gawin ng isang ina sa anak niya, diba?


Angel Clifford-Smith ang legal name ko, Smith dahil lawfully married na ako sa isang napakaguwapong lalake, pero napakasama naman ng ugali niya. Hmmp!


"Nagugutom ka na ba? Pasensya ka na anak ko. Hahanap ako ng pwede mong makain ngayon, saglit lang." may lungkot sa boses nang masabi ko iyon habang patuloy lamang siya sa kaniyang pag-iyak.


Sa mga ganito kasing eksena sa buhay ko ay hindi ko mapigilan ang sarili kong sisihin ang butihin niyang ama. Bwesit kasi ang isang 'yon, nakaiinit siya ng dugo. Ilang araw na ang nakalilipas mula nang bigyan niya ako ng pera para sa groceries namin dito sa bahay. Ubos na ang stock ng gatas ni Ken na naisingit ko lamang sa pamimili noong nakaraan. Dahil doon ay wala na tuloy mainom at makain ang anak namin ngayong umaga. Kagabi pa ang huli kong pagpapadede sa kaniya bago kami matulog.


Kahit kailan talaga oh, oh! Ang magaling na si Dark, tss.


Sa yaman ng pamilya niya ay 'di man lang naaawa sa sarili niyang anak. Ano pa nga ba maaasahan sa demonyong 'yon? Kaya siguro Dark Smith ang pangalan nya dahil itim na budhi ang mayroon siya. Kaasar.


Kahit para sa gatas lang ng anak namin ay wala- kailangan ko pa mangulit bago niya ako bigyan ng pera para kay Ken. Pero dahil mainit ang ulo niya these past few days, hindi ko magawang makausap siya ng matino. Paano ko siya kakausapin ng matino? Hindi rin naman matino utak ng isang iyon.


Mukhang magtitiis na naman ang anak ko ng ilang oras pa. Kailangan kong hintayin umalis si Dark bago ako makapuslit palabas ng subdivision. Manghihiram na lang siguro ako kay Manang. Sa ngayon ay am milk na lang muna, walang-wala na kasi talagang gatas si Ken. Naaawa naman ako kasi iyak siya nang iyak.


Punyemas naman kasing buhay ito, wala atang araw na hindi ako naaawa sa sarili ko at sa anak ko dahil sa sitwasyong mayroon kami ni Dark.


Dahil kasi sa akin at sa katangahan ni Dark ay nadadamay ang anak naming wala namang kamuwang-muwang sa mundo. Iniisip kasi ni Dark na anak ko sa ibang lalake si Ken. Oo nga't hindi naman talaga maganda ang pagsasama naming dalawa mula pa noong bagong kasal pa lang kami. Pero ang pagiging nuknukan ng tanga ng asawa ko ay out of this world talaga.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon