Chapter 28 - Capturer

79 4 0
                                    

Hotel Mariz

"Good evening ma'am," masigla at humahangang bati ng bantay sa entrance ng hotel, "Good evening, sir."

Binigyan ko ng sulyap ang nakasunod sa akin, si Gerari. Tatlong hakbang ang layo.

Kagaya ng dati, hindi nito pinansin ang nagbati, snob.

Parehas sa akin.

Nilagpasan ang marahan kong paglalakad pagkatapos bigyan ng saglit na sulyap. Nauna at lumiko. Nakasunod ako dahil doon din naman ang punta.

Muling nakatanggap ng pagbati sa pagpasok sa malaking bulwagan. Ginala ang paningin at nakita kung saan ang pwesto ng pupuntahan. Binigyan ngiti ang ilang server na nakakasalubong. Nang makarating sa lamesang iyon ay nakatalikod sa akin ang ina ni Gerari.

Humarap ako sa kanya at hindi sa isa.

"Jillian Shon," nakangiti at nilahad ang mga braso.

Tinanggap ko iyon at yumakap dito, binalik sa akin ng mahigpit, hinaplos ang likod ko bago bumitaw.

"You've grown so beautifully," nangingislap ang mga mata.

Ito naman ay maganda pa rin, sa lumipas na panahon ay konti lamang ang senyales ng pagtanda, "Salamat po. Kayo po mas lalong gumanda," malinaw nakuha ni Gerari ang features nito. Sophisticated at may bahid ng professionalism.

Maganda kuhanan ng litrato.

"Thank you, people says that too oftenly," giniya para umupo, sa tabi ng anak nito, "by the way, sorry for this, ang daddy niyo hindi makakapunta. As usual, his job comes first."

"I do not expect that," may sarkasmo ang tono ng katabi.

"Good for you," parang balewala lang ang pahayag ng anak, "and I am too kindly to order our food, I'm starving. Di bale, magugustuhan nyo ang food dito."

Sa nakalipas na segundo, kagaya ng gawain, sa peripheral vision kasabay ng isip, sinakop ang pagmamasid ng pasimple sa paligid. Nasa kalahati ang narito at kumakain. Malawak ang lugar at cozy ang ambiance. Pagsilip sa ibang direksyon, nakasalubong ang paningin ng iba, sa pwesto namin ang mga sulyap.

"May I tell this kahit alam kong alam mo na," masaya ang pagkakangiti, "you are now making a name in the world of photography."

Binalik ko ang ngiti nito.

"I'm sorry to say if I set now my eyes on your progression... by your own ability, you have risen from the bottom," sabi pa.

"Salamat po."

Dumating ang order. Hindi ko alam ang mga pangalan, dahil siguro sa dami ng sinusubukang pagkain kahit sa ibang bansa, may sariling preference na at hindi binibigyan pansin ang iba.

Napansin sa katabi, nag-uumpisa na itong kumain.

"Why being so modest son? Dati daig mo pa ang shut gun sa pagsasalita."

"Do you want me to leave or leave me alone here?" Rude ang tono.

Kumuha na rin ako ng makakain, hindi sadyang sumagi ang braso ko sa kamay nito, nilayo ko iyon agad.

"Nasa harap tayo ng pagkain, be respectful."

Balik tahimik ito muli. Parehas siguro kami, dahil ang ginang ang puro salita, habang tipid ang mga sagot kung may isasagot.

"Era Lee, sounds cute. Kung hindi kita nakita sa isang exhibit, hindi ko malalaman ikaw pala ang may-ari ng pangalan na iyon. I found that out just a month ago."

Sa pagsubo, sa pagnguya at pangngiti, sa pakikinig at pagpapakiramdam sa paligid, nasasabay sabay gawin ngayon.

"I bought your Red Moon, where did you get that?"

BOOK 8 - CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon