Chapter 3

93 5 0
                                    

MAGAGANDA ang gising nila.

"Papasok ka na Jillian?" Nagmamadaling tanong ng nakilalang kaibigan. 

Mabilis kasi akong dumaan sa kanila, "Opo Te Tarrah, late na po," saglit lang lumingon dahil nagtatakbo palabas ng gusali.

"Ingat ka!" Sigaw nito.

Sa labasan, hindi sumakay ng tricycle dahil sayang ang pamasahe kaya kahit huli na ay kakayanin. Wala naman isang kilometro ang layo. Nang makarating sa eskwelahan, humihingal at mahigpit ang hawak sa bag ng nilagpasan ang guard at may sigaw pang pahabol para bumalik pero hindi ko nilingon.

Palagi na lang.

Sa ikatlong palapag, sa mataas na gusali ang destinasyon. Lakad takbo sa pasilyo pagkatapos sa hagdan at ang unang liko ay ang pinto para sa klase. Pagkapasok sa loob ay wala pa ang adviser, pumunta ako sa likod at umupo.

Buti na lang.

Kagaya ng dati, marami nakapansin sa akin. Lumilingon pa ang iba. Ako naman ay komportable sa kinauupuan dahil ang tiyan ay may laman. Kaninang umaga ay bumili ng bigas at sinaing iyon, pati kalahating kilong pinaghalong tinapa at tuyo bilang ulam. Konti lamang ang niluto para umabot sa tatlong araw. Pati kahoy ay balak maghanap mamaya, dahil konti na lang din ang natitira. Naisip ipunin ang mga susunod pang sweldong makukuha.

"Miss Jillian, kindly explain the reason why you were absent for three days in a row?"

Akala makakalagpas dahil nasa likod ako at hindi man lang nakita ng guro, hindi pala pwedeng hindi mapansin kahit saan ang pwesto. Sinabi ko ang dapat, "Naghanap po ako ng makakain ma'am."

Tumawa ang mga kaklase, napalingon pa sa akin ang iba.

"Naghanap? Kindly speak the truth," hindi naman galit, seryoso ito.

Palagi na lang ganito. Hindi sila naniniwala sa sinasabi ko. Hindi naniniwalang ang katulad ko ay naghahanap ng pagkain. Kailangan maghanap dahil hindi lumalapit ang mga bagay na hindi gumagalaw. Malungkot man isipin, sa katulad ko ay napakahirap kahit nasa harapan na ang pagkaing nais abutin.

Hindi na ako nagsalita, tapos ay iniyuko ang ulo. Sa huli, pinagsabihan dapat magpapaalam at magbigay ng excuse letter.

Naalis sa akin ang atensyon. Ginawa kong bumulong sa katabi, lalake iyon, hindi kami close pero mabilis pinagbigyan at pinahiram sa akin ang ilang notebook.

Ngiti ang ibinalik ko.

Habang naglelecture ang guro sa harapan, doble o triple ang gawain ko sa likod. Nakikinig habang nagkokopya sa nakaraang lesson, sa mga hindi napasukan. Nakarating sa ikalawang subject ay ganoon pa rin ang gawain. Walang balak magsnack at patuloy sa pagkopya.

Napahinga ng malalim ng matapos ang pinakahuling letra. Ipinikit ang mga mata at itutulog saglit ang inaantok na kamalayan. Kanina pa nararamdaman ang mabigat na pakiramdam, mula sa mata at ulo, tapos pagod din ang katawan.

"Jillian, punta ka daw ngayon sa faculty room para sa special exam mo sa geometry," marahan ang pagkakasabi ng kaklaseng babae.

Walang imik tumango at tumayo mula sa kinauupuan. Ibinalik ang mga notebook sa kaklaseng nakikipagkwentuhan sa may pinto, nagpasalamat at nilagpasan ko sila. Ang direksyon ay sa faculty room, pababa sa first floor para lumipat sa kabilang building. Dahil break time, marami ang nadaanang estudyante sa labas.

"Hi, Jillian!"

"Hello, Jillian."

Binigyan ng simpleng ngiti ang hindi kilalang mga lalake sa pagbati nila. May nadaanan din mga kababaihan, friendly ang smile nila ng makita ako.

BOOK 8 - CAPTUREDWhere stories live. Discover now