Chapter 22 - To Get Through

1 0 0
                                    

Garden wedding preparation

Isang malaking event, pinaghahandaan para maging perpekto sa mga ikakasal kinabukasan. Magaganap sa malawak na hardin, puno ng maraming tanim na bulaklak at napupuno ng mabangong simoy ang kapaligiran.

Malapit sa nasabing villa. Ang mas agaw pansin, sa kabila ng mga bulaklak ay kita kasi sa lugar ang walang katapusang karagatan.

Payapang titigan.

Nagkakasiyahan ang mga kamag-anakan sa paghahanda at disenyo sa kasal. Ang lamesa, upuan at kulay ng motiff ay nasunod sa nais. Tinutulungan sila ng event crew para mas mapadali at mapaayos ang lahat. Nakasuporta din ang In-line manager na si Dominic Lioner, sinasamahan at nakikipagnegosasyon sa Mayor, na bilang ama ng ikakasal.

"Gusto ko ang service niyo dito, walang katulad."

"Salamat po, mayor," masayang pagtanggap ni Dominic. Tinatanggap ang gawain na ito bilang executive guide sa VIP's dahil parte ito ng training mula kay Sky Fonrer.

"Alam kong hindi ako nagkamali piniling dito ganapin. Walang problema sa pera basta may kalidad at hindi mapupunta sa wala bawat piso."

"May tama po kayo dyan mayor."

Natigil ang usapan ng mapansin, ang bisita, ang mayor, crew at huli si Dominic. Ang hindi pa nakikita ng kanilang mga mata, bago sa paningin pero...

May mali.

Dahil unti unting kaba at panganib ang rumehistro sa kanilang pakiramdam habang papalapit ang mga iyon.

Mabibilis ang mga nangyayari.

Isang kabayo, lumalakas sa pandinig ang tunog ng paa sa pagtakbo. Rusette ang kulay at halatang bata pa, takot ang halinghing pero mabilis ang pagtakbo.

Nakasunod dito ang isang malaki, itim at nakakatakot na anyo ng hayop o masasabing napakalaking pusang itim. Hinahabol nito ang kabayo.

At mayroon pa, sa hulihan ng dalawa ay may nakasunod ding hayop. Napakalaki at napakaganda sa sikat ng araw ang malagong kulay ng buhok, isang burgundy. Isang kabayong sobrang bilis sa pagtakbo. Nasakay sa likod nito ang babaeng nakaputi at halatang hinahabol ang dalawang hayop na nauuna. Kahit may malayong agwat, nakitang nakasunod ang ikatlo dahil sa laki nito.

Nagulat pero dahil sa amba ng takot ng panganib, halos lahat ay nagsitakbo palayo sa masisilungan ang mga tao sa lugar ng pagdadausan ng kasal.

Mga segundo ang lumipas at nawasak ang pagkakaayos ng pinakagitna, tumilapon at nagsitumbahan ang ilang lamesa at upuan. Nagkalat ang mga tao, dahil mismo naroon na ang dalawang hayop. Tinataas ng kabayo ang dalawang paa sa harap at hulihan at nagwawala.

Tumatakbo naman ng mabilis at tumataas sa bawat lamesa ang malaking pusang itim. Nais sunggaban ang kabayo at palaging handang sumugod. Iniiwasan ang pagsipa ng isa.

Tanging natitira sa gilid at hindi makaalis dahil sa bagal ng pagtakas, at maaring nasukol ay ang mayor at si Dominic.

"Panther."

Hindi sigaw kundi tawag sa katamtamang taas ng boses.

Sa kaguluhan, walang makakarinig maliban sa pinakamalapit.

Isa lang ang tumigil sa paggalaw, iyon ay ang itim na pusa. Napatingin sa bagong dating at itiniklop ang unahang paa habang nakausli ang puwetan. Naging maamo kung titingnan pero labas ang nakakatakot na pangil, nangangalit ang mga ngipin habang nakatingin sa tumawag dito.

Galing ang boses sa babaeng nakaputi, ang laylayan ng bestida ay umabot sa tuhod, pagkababa mula sa sinakyang kabayo. Lumapit sa isa pa na patuloy nagwawala at wala ng natitirang maayos sa gamit maliban sa iba pang halamang bulaklak na himalang hindi pa nagagalaw, o konti lamang ang napatumba.

BOOK 8 - CAPTUREDWhere stories live. Discover now