Chapter 31

1 0 0
                                    

UMALIS ng Sanctuary at tumaas sa gallery. Wala sa main office ang hinahanap ng puso, ang narito ay ang dalawang maliit at naglalaro ng video games. Naghanap ako ng isa pang controller, tumabi sa mga ito at isinaksak ang akin.

"Kuya Era... huwag ka muna makisali, laro namin 'to."

"Oi Won liit, minsan na nga lang ang kuya makilaro ayaw mo pa?"

Nag-pause lahat. Mahaba ang nguso, pati rin ang isa, "Matatalo kami kuya."

"Matatalo? Eh di magpapatalo ako."

"Jet plane games ito kuya, madali talaga sa iyo magpatalo kasi wala pang nakakatalo sa iyo magpiloto. Kaya matatalo kami ni Lu kasi ang larong ito ikaw ang pinakamagaling sa lahat," ani ni Peridot.

"Loser ang tawag dyan," sabi ng isang boses na dumaan sa likod namin. Ang buhok na kulot na lamang nito ang nakita paglingon sa taong nagsalita bago ang pagsara ng pinto.

Ang dalawang maliit na katabi ko, daig pa na parang amo ang dumating, tumakbo at sumunod sa ikalawang numero ng pinaka-poisonous sa ugali. Sayang! Balak sana kumuha ng ideya sa dalawa kung anong oras labas ni Jillian dito.

Siguro ako talaga ang kailangan lumapit. Paggising ko wala na kanina. Nagpadala ng message at ang reply dito daw sa gallery ang trabaho. Wala ng reply kung ano oras ang uwi.

Birthday nito ngayon.

Napangisi ng masulyapan ang singsing sa daliri. Ang kagabi, nagsimula kagabi, official na kami na.

"Idiot day dreamer, nasaan ang dalawang angelic babies?" Panibagong sulpot. Ang anghelita, nakasilip sa bahagyang nakabukas na pinto mula sa labas.

Angelic babies? Noong three years old ang dalawa, gusto pakainin ng ipis na hinalo sa pagkain. Gusto eksperimentuhan kung sasakit daw ang tiyan o healthy ang benefits ng insekto.

Anghelita talaga!

Hindi kapani-paniwala naging close dito si Jillian. Sinagot ko ang tanong, "Obvious wala dito di ba? Kita naman, nagtatanong pa? At ano paki ko?" Tumayo at nilagpasan ko ito, lumabas at naglakad.

Nakasunod naman, "Gerari, date tayo."

Halos masuka sa salitang iyon galing sa bibig nito, kaya mas binilisan ko ang lakad, baka saniban ako. Nakakasabay pa rin kahit parang walang effort dito. Sinabi ko ang nasa isip, "Rei Chu Luan, nakita mo bang makakaya pumatol sayo ng isang Gerari Huwen?" Napaubo pa sa sariling tanong.

Lumabas ang ngiti, mas lalong naging singkit, "Oo ngayon."

Napatigil ako sa paglakad. Hindi dahil sa sinabi nito kundi sa pagbabago ng anyo. Nawala kasi agad ang ngiti at naging blanko ang mga matang tsinita - katulad ng salamin. Walang lungkot sa tono pero ang dating para sa akin ay malalim at parang may tinurok sa loob nito.

"Hey, anong drama?"

Nakatigil kami ngayon sa harap ng photograph ni Era Lee, ang larawan ay ang buong resort ng Isla Sapira, kinuhanan mula sa ere. Hindi sale ito kundi display lamang. Buhay na buhay ang larawan. Maaring nag-iisa lamang sa lahat ng kuha ni Lee.

"Samahan mo ako."

"Saan? Busy ako."

Napatitig lang sa akin. Nakuha ko din kung bakit, nagtanong ako kung saan tapos busy ang agad idinugtong.

"Problema mo? Hindi ako interesadong tulungan ka," mabuti ng malinaw.

Napatigil ulit. Tinanong ko kung ano problema tapos ganoon ang kasunod?

"Sige, ano ba 'yan? Basta may kapalit," sinabi ko na. Ganti ko man lang ito sa pagtulong sa babaeng mahal ko, at kaibigan naman ito ni Jillian kahit masama ugali.

BOOK 8 - CAPTUREDWhere stories live. Discover now