Chapter 25

77 4 0
                                    

Sa paglalakad sa pribadong lupain papuntang kastilyo.

"Lumayo layo ka nga sa akin! Isa kang pathogen sa mata ko!" Nilagyan ng distansya ang katawan at patuloy naglakad.

"Kung pathogen ako Gerari, ano ka na lang? Isa ka lang naman black alga sa akin."

Sinimangutan ko ito, "Anong alga?" Sana hindi ang naiisip ng isip sa utak.

"Idiot... alga, plural algae, gets?"

Na-imagine ang madulas at nakakadiring algae, "Oi dark blood! Walang black sa--"

"Sure ka?"

"Eh di ikaw na. Ikaw na ang magaling sa science!" Nagpatuloy sa paglalakad, mas nauuna dahil ayaw ng mga matang ito makita ang singkit na mata ng dark blood.

At ang taong ito, isa ito sa palaging kasama na ni Jillian, kaya kasalanan ng taong ito kung ano man ang pinagbago ng isa! Tapos close pa ang dalawa! Paano hindi manghihinala kung napapansin ng spy kong isip ang malinaw?

"Gerari pagod na ako," kumapit sa braso.

Nandidiring binawi ang braso ko dito. Agad naglabas ng sanitizer sa bulsa at binudburan ang braso. Sa dami ng iba't ibang klaseng dugong nahawakan na ng singkit na ito, baka mahawaan ako ng sakit! Binigyan ko pa ng masamang tingin, "Kung ang iba maniniwala sa kalokohan mo... ibahin mo ako anghelita. Ngiti mo pa lang, poisonous na!"

"Eh di ikaw na ang malinis. Pero isipin mo ha... hinawakan kita ng nasa Mindanao tayo. Open ang wound mo at pagkakataon ko na para..." Binitin.

"Ano?!"

Mas una pa naglakad at sa tatlong hakbang ay kumaripas ng takbo. Mabilis kong sinundan sa malagong kagubatan. Hindi pantay ang lupa pero hindi nahirapan ang mga paa. Kaya lang, hindi ko ito mahabol, ang bilis at walang preno ang ritmo ng mga paa, walang takot kung madulas man o hindi.

Tumigil at tumindig ng diretso. Tumigil din ang sarili at tumayo isang metro mula dito, "Bakit? May naisip ka na bang antidote sa ugali mong nakakalason?" Suggestion ko.

"Ang lawak ng isip mo, dahil malawak wala ng nasasakupan," ang sweet ng boses, "narrow-minded."

Ang palagi nilang tawag sa akin. So ano ang mga utak ng nagsasabi niyan, perpekto?!

"May alien."

"Ako alien?! Mas mukha ka pang a--"

"Shh, narrow-minded. Ang alien na sinasabi ko ay alien ng territory natin."

Nang pumasok na sa isip saka pinakiramdaman ang paligid. Ang daan na ito ay pabalik sa kastilyo. Wala akong balak samahan ito at yayain ko sana si Jillian maglunch pero dahil kukumustahin daw ng aspiring manggagamot na ito si Cheen at kung inalagaan ko daw ba talaga ay walang nagawa kundi sumama. Atleast nailayo ko muna ito kay Jillian. At ang alien, meron nga. Meron na naman. Kahapon pa lang meron din, ngayon na naman?

Sumipol ito ng napakalakas.

"Oi, hindi naman obvious kung sabihin kong obvious gumagawa ka ng ingay?" Singhal ko sa kanya.

Hindi ako pinansin, nakatingin ito mula sa kanan, nang tingnan rin kung ano meron doon, kasabay ng naririnig at ang pagsulpot ng isang leopard sa malayo, patakbong lumapit sa pwestong ito. Pagkalapit ay tumatakbo paikot habang bahag ang buntot.

"Panther, saan ka galing?" Tanong sa leopard.

"Hindi ba masamang magbreak time muna?" Ako ang sumagot. Ginawa kong halimaw ang boses.

"May pagkain ka na ngayon, pakidala na lang ng mga ulo para sa identification," sabi pa nito ng nakaturo sa parteng kaliwa.

Brutal, "Oi singkit, huwag mong utusan baka totohanin. Ako unang nag-utos dyan huwag muna umalis sa lungga niya dahil walang sinasanto ang hayop na 'yan."

BOOK 8 - CAPTUREDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora