Chapter 29

1 0 0
                                    

Walang note o kahit anong message. Hindi mapigilan hindi mag-alala. Para maalis ang anumang iniisip, ginawa ang alam kung paano ito mahanap.

Una, sa cellphone, pero out of reach.

Sunod, kinuha ang laptop, gamit iyon ay pinasok ang system ng main site ng home ng grupo. Numero ang mga nakarehistro at walang pangalan. Nang nag-click sa number seventeen, nag-loading muna ng ilang segundo bago binigay ang sagot. Password muna ang hiningi bago ipakita iyon.

Dalawa ang lumabas na destinasyon. Nasa international airport at ang isang place ay Sanctuary.

Aalis ba?

Tinawagan ulit ang phone nito pero parehas pa rin kanina. Sunod tinawagan direkta mismo kay Sapphire.

"Yes."

"Give me permission to have an access to him," ito ang mas sure.

"For?"

"I need him."

"You always need him. And it's a no."

Alam ko, "Why no?"

"He left his phone here in Sanctuary. Along with others, they have their annual training outside the country and you will be an obstruction in his focus."

Training. Dapat sinabi agad, "I understand. Salamat."

"Jill."

"Yes?"

"Anytime can be the right timing. Sometimes, don't wait for the sky to be clear."

Ano? "Pag-iisipan ko iyan," ako mismo nagputol ng tawag.

A months later.

Kinabukasan, ang birthday ko.

Ngayon gabi, inabangan ang buwan sumilip. Kaya lang, mas madami ang ulap, malamlam ang kadiliman ng paligid. Hindi maganda kumuha ng litrato. Mahahalatang walang buhay.

Walang buhay. Palagi na lang napapansin at palaging iyon ang nilalabas at sinasabi sa larawan. Ang signature ni Era Lee, walang buhay ang mga litrato pero sikat at marami ang nag-aabang.

Gusto ko ng panibago.

Bumalik sa sariling unit. Bagsak ang pakiramdam at balik sa kawalan ang puso. Parehas ng unit na ito, madilim at maliit. Walang espasyo para sa ibang bagay.

Napatigil sa pagpasok sa kwarto, narito muli ang amoy, ang dumaan sa ilong. Tuluyang pinasok ang loob at tumingin sa kaliwang bahagi.

Nandoon nga ito. Nakahiga sa walang sandalan na sofa at binabasa ang nakasulat sa notebook. Ang ilang pagkakabutones sa itaas na bahagi sa suot nitong polo ay hiwalay, kita ang malapad na dibdib at nakarolyo naman ang sleeve hanggang braso.

"I'm reading the new ones," tumayo at naglakad, pinatong sa lamesita iyon saka humarap, nagcross arm at sinabing, "I miss you... I miss you very much."

Ako mismo ang lumapit at humawak sa braso. Idinikit ko ang pisngi sa dibdib, "I miss you too."

Matagal sa ganoong posisyon. Kahit hindi sabihin, kontento ang pakiramdam kahit nakatayo dahil napapakinggan ngayon ang tibok ng puso ni Gerari.

"I have something for you."

Humiwalay ako, "Birthday gift? Bukas pa birthday ko," hula lamang.

Inilahad ang braso at pinaikot sa bewang ko, muling napalapit dito, "Hindi gift, pero bukas ko ibibigay."

Hindi gift? "Ano iyon?"

"Tatanggapin mo ba kahit ano pa iyon?"

"Hanggang ngayon, habit mo ng hindi ako sagutin ng diretso."

BOOK 8 - CAPTUREDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ