Chapter 10

101 4 0
                                    

Naisip kung bakit nga ba.

"May dumi ba ako sa mukha?" Pinagpupunas ko ang gilid ng labi, pati ang pisngi pero wala naman sauce.

Hindi nagsalita.

"O talagang gwapo lang ako?"

Tumingin sa labas sa may malaking poster advertisement ng fastfood, "Mas gwapo siya sa iyo," turo sa poster.

Agad kong binuhay ang makina at pinaandar ang sasakyan, pinabilis ko ang takbo.

"Galit ka?" Tanong nito.

Pinabagalan ko ng konti. Nakakapit kasi ang mainit nitong kamay sa braso ko, "Wala kang pakialam."

"Tama ka," inalis ang kamay.

Uminit ang pakiramdam, ginawang huminga ng malalim. Napasulyap ako ng konti sa katabi, naibalik ko ulit ang paningin sa harap ng mahuling nakatitig sa akin.

"May natira pang pagkain, ikaw na mag-ubos lahat," iyon ang nasabi ko.

Napapitlag sa pagkagulat nang ang palad nito ay nasa noo ko na, kagaya ng kanina ay hinahaplos iyon.

"Stop it!" Halos pasigaw na.

Paglingon saglit ay nakitang parang nasaktan.

"I mean... hindi pa naman... nagbibiyahe tayo... obvious hindi pa ako matutulog... gusto mo ba mabangga tayo?! Mamaya na lang," mabilis kong sabi.

Pagsulyap ko ulit sa mukha nito ay napalitan ng pagkalito. Binalik ko ang paningin sa daan. Mali ba sinabi ko? Bakit ganoon ang reaction?

"Ano iniisip mo?" Mali, "Bakit mo ako hinawakan sa noo?" Mabilis kong itinama. Gusto agad malaman ang sagot.

"Bakit gusto mo malaman?" Balik tanong naman.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Wala sa sariling pinabilis pa ang takbo. Freak! Ginagawa sa akin ang ginagawang paglihis ng sagot! "Just tell me."

Napahawak na naman ang mainit nitong palad sa braso, "Mabilis ang takbo ng sasakyan," ng may takot sa boses.

"Babagalan ko... sabihin mo muna sa akin," desidido ako, "di ba kung ano gusto ko ibibigay mo? Usapan natin 'yan at sabi mo pa kanina, kung sakaling magkasalungat... gagawin pa rin natin para fair," paniguro ko pa.

Mahigpit ang hawak sa akin. Matagal bago magsalita, malapit na rin sa pupuntahan. Wala ng liwanag sa daan dahil nakalagpas na sa mga kabahayan.

"Iniisip ko na... sana hindi ko na hinawakan ang noo mo... sana--"

"Sana? Anong sana? Bakit mo kasi hinawakan in the first place?" Nasaktan ako sa sagot. Sana rin hindi na ako nagtanong.

"Namumula ka kasi kanina... akala ko may sakit ka... kaya--"

Mas lalong naisip na sana talaga hindi na nagtanong pa! Namumula? Ako? Crap! I'm not! "Nagkakamali ka! Gabi na kaya light tricks iyon," iyon ba ang init na naramdaman kanina? At ang ngayon?

"Namumula ka ulit," malamig na ang boses mula rito.

Kainis na ilaw ng kotseng ito! Ang liwanag! "Ano ngayon? Masama ba? Mortal ako, parehas tayo," iritado kong sabi.

Walang sagot. Binagalan ko ang takbo, kahit mabagal na ay hindi pa rin inaalis ang kamay sa braso ko. Hanggang makarating sa paanan ng bundok, tanging ilaw mula sa kotse ang nagbibigay liwanag sa paligid. Nag-adjust sa liwanag para walang makapansin mula sa kung sino man kahit malayo ang kabahayan dito.

"Nakatigil na tayo... nakakapit ka pa rin?" Nanunuyang boses ko.

"Kapag hinahawakan mo kamay ko hindi ganyan ang sinasabi ko," inalis ang kamay at nag-ayos ng sarili, bumaba at pabagsak sinarado ang pinto.

BOOK 8 - CAPTUREDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ