Chapter 23 - Come Insight

84 3 0
                                    

Other Side Of Fence

"Wala ba nakakita?"

"Hindi 'yan ang tanong... oi mabilis lang tayo dito hah!"

"Hapon na rin kaya, ba't pa natin sinusubukan?"

"Bago magdilim balik na rin tayo... mag-eespiya lang tayo. Kung walang exciting eh di wala... atleast sinubukan."

"Hay! Kapag nahuli tayo ikaw ang sumagot sa problema."

"Oo ako bahala."

"Ano naman exciting sa puro puno?"

"Malay natin," nag-aasam.

"Malay natin, meron palang bahay dito ng may-ari... sisilip lang tayo."

"Maninilip."

Ang limang ito ay patuloy naglalakad, iniiwasan ang masusukal na daan. Ingat hindi maligaw at ang tinatahak ay ang maninipis na kumpulan ng puno. Matalino ang nangunguna sa kanila, tinatandaan ang mga sanga-sangang daan kahit walang bakas na dinaan noon ng tao.

Ang totoo, minsan lamang may dumaan dito mula sa mga may-ari dahil mayroon silang maraming pamamaraan kung paano pumunta sa pribadong lupain o kaya sa resort. Ang pinaka-natural ay sakay ng chopper at sa rooftop ng hotel bumababa.

Kaya walang kahit anong trail ang mayroon sa lupa. Ang tangi at palagiang umaapak dito ay ang...

"Shh... narinig niyo ba?" Mahinang bulong ng nauuna sa mga kasamahan. Napatigil ang iba at pinakinggan ang ingay na iyon.

"Ang ano?" Mga kinakabahan.

"Shh," mas mahina pa.

Tumahimik ng matagal, palingon-lingon sa nakikita ng mga mata.

"Wala naman ah?"

"May narinig kasi akong tuyong dahon na inapakan." Nagpatuloy maglakad.

"Parang crispy?"

"Hindi parang, crispy nga."

"Baka ako ang gumawa... kanina ko pa ginagawa kaya. Hobby ko sa boring na lugar na 'to. Pare-parehas lang nakikita natin... puno, ugat, damo at..." Nanlalaki ang mga mata ng nahuhuli. Napatigil ulit.

"At ano?" Kinakabahan na naman.

"Insekto."

"Heh! Ano ba 'yan?"

"Kinakati na kaya ako... dami ng lamok."

"Tiisin mo, ayaw mo kasi magpaiwan." Nagpatuloy sa paglalakad.

"Oi, pansin ko... kanina ka pa kinakabahan? Kasama mo naman kami ah?"

"Eh pa'no kung sindikato pala makita natin? NPA? Militar? Hulihin tayo tapos hindi pabalikin sa resort?"

"Layo naabot mo."

"Hey, di pa ba tayo babalik?" Reklamo ulit ng nahuhuli.

Patuloy ang una, excited sa kagustuhan nito. "Maliwanag pa... madali na lang 'yan pabalik." Pero napatigil na naman ulit.

"Ano na naman?"

"Narinig ko ulit," patingin tingin sa paligid, "crispy."

"Ako nga gumagawa!"

"Shh," mas mahina pa.

"Exaggerated ka."

"Tigil muna kaya tayo? Pahinga muna!" Ang huli ay umupo sa nahanap na bato. Sumunod ang tatlo, patuloy naman ang isa sa pagmamasid.

"Tubig ohh."

Nagpahinga sa ilang sandali. Mga natigilan at nagsitinginan nang marinig ang ingay mula sa malayo. Parang mga nagmamadaling mga hakbang, mabibilis at...

BOOK 8 - CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon