Chapter 1 - The Witness and the End

154 5 0
                                    

Sa malawak at mahabang pasilyo.

Sa konting liwanag, hindi masyado makita ang mga dumi sa pader at sa sahig. Hawak ang isang mabigat na floor mop ay pinunasan ng maigi ang bawat linya at pakuwadradong semento. Nang matapos sa parteng iyon, gamit ang paa, pinausog ang baldeng may laman ng maduming tubig, pati din ang isa pa na puro bula naman.

Patuloy ang pagkuskos, hindi alintana ang sariling pawis na pumupuno sa mukha, sa braso at leeg. Pinahiran lamang gamit ang braso, siguradong ang suot na damit at sa may manggas ng braso ay madumi na iyon.

"Makintab na, bakit paulit ulit pa?"

Napalingon bigla sa narinig, mula sa kaliwa pati sa likod, walang nakita.

"Nandito ako."

Ang mga matang ito ay napunta kung saan nanggaling ang boses dahil gumalaw iyon, malapit sa pagiging anino. Tuluyang napatigil sa pagkuskos, habang hawak ang mop ay tinititigan ang gumalaw, naging malinaw sa paglipas ng mga segundo.

Isang taong grasa, pulubi at sobrang madumi lalo ang balat. Natalo ang damit sa kadumihan kahit wasak wasak iyon. Wasak din ang buhok at hindi makita masyado ang kaanyuan ng mukha.

Napunta ang paningin pababa sa katawan nito. Nakaupo, sa binti ay may nakalapag na isang gallon ng icecream, may hawak itong kutsara at isinubo sa bibig. Nalipat ulit ang pansin pabalik sa mukha nito at nakatitig din pabalik, ang mga mata lang ang maputla at halata, ang nakikita ng malinaw.

"Gusto mo?" Inilahad ang kutsara para tikman din ang kinakain.

May mga yabag na paparating, napalingon ako sa kabilang panig ng pasilyo. Mula sa malayo ay natatanaw ang isang malaking tao, malaki dahil sa malaking tiyan.

Nang makalapit sa akin ay...

"Hindi ka pa tapos dyan?! Aba'y mula kanina mula doon hanggang dito pa lang natatapos mo ha?!"

Napayuko ako at hindi nagsalita.

"Ayusin mo nene, bago magliwanag hindi ka dapat makita dito at kung gusto mo may makuhang sentimo siguraduhin mong wala akong makita ni katiting na alikabok pagbalik ko dito!"

Patuloy akong nakayuko.

"Pagbalik ko ditong hindi ka pa tapos, alam mo na kasunod!"

Sa mabibigat nitong hakbang ay muling naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ang hawak kong mop ay muling pinagpatuloy ikuskos, tapos ay ibinabad ng konti sa tubig na may sabon at...

"Hindi lang alikabok makikita niya kundi putik din. Kakalinis mo pa lang doon tapos tinapak pa maduming sapatos niya, babalikan mo na naman," ang tono ay may inis.

Binalik ko ang paningin sa taong nagsalita. Ngumiti ito pero wala masyado makita at baka sa liwanag panget ang mga ngipin. Muli din isinubo ang kutsarang may icecream.

Sa oras ding iyon, kasabay ng pagtitig sa taong ito ay ang pagtunog ng malakas, ng sariling sikmura. Napalunok at inalis ko bigla ang paningin sa tinititigan, balik kuha sa hawak at inalis sa mabulang tubig. Inabala ang sarili, pati ang pagkuskos sa pader gamit ang basahan ay binilisan.

Hindi na nagsalita ang taong iyon. Ako naman ay sa pader ang paglilinis, nagawi sa kabilang parte kung saan ito nakaupo at sa may bintana. Ang grills naman ang binigyan pansin, pinupunasan ang bawat bakal.

Mula sa labas, sa ibaba mula sa kinatatayuang ikatlong bahagi ng gusali, sa unang palapag ay tanaw ang kumpulan ng mga tao. Maliwanag sa bahaging iyon at nagkakasiyahan. Hindi rinig ang ingay dahil may kalayuan at sa makakapal na sementadong pader. Sa isang bahagi, mula sa bintana, natatanaw ang isang parte ng lamesa at nakalatag ang pagkain. Prutas at lutong karne. Maaring sa ibang parte ng lamesa na hindi nakikita, may nakalatag din iba't iba pang pagkain.

BOOK 8 - CAPTUREDWhere stories live. Discover now