Chapter 27 - The End

85 4 0
                                    

One year after.

Sa loob ng Sanctuary ay naghahanda ang lahat.

Isinuot ko ang itim na damit, sapatos, sunglasses, pati summer hat na kulay gray, may bell na nakasabit sa gilid kaya sa bawat galaw ng ulo o haplos ng hangin ay tumutunog. Dinisenyong ikabit para agaw pansin dahil pakay talaga ay maagaw ang pansin ng mga tao. Ang title daw ng mission na ito ay ruckus. Magpapakita na sa publiko, sa buong kaanyuan.

Lumabas ako mula sa pinagbibihisan. Pumunta sa sala dahil naroon ang iba.

"Hindi ba natin susuotin ang black diamond na may numero?"

Rinig kong tanong ni Wayne kay Emerald.

"Hindi, huwag muna kasi hindi akma sa panahon."

"I don't understand, but I also preferred not. Ayoko ng number ko, kung thirteen lang ang number ko baka excited pa ako."

"Number ko iyon," singit ni Trina, "buti nga nasa iyo ang number three."

"Anong mabuti doon?"

"Pasang awa sa college grades."

Sa likod ng mga ito ako dumaan, saka umupo sa tabi ni Rei Chu sa carpeted na sahig, binabasa nito ang card na hawak, isang bus card.

"Kapag pinakita ko ito sa conductor, may discount daw ang pamasahe," sabi nito.

Ako ang mas malapit kaya ako ang kausap kahit patuloy binubusisi ang hawak, "Ngayon ka pa lang nakahawak nyan?" Tanong ko.

"Oo," excited ang lahat ng pinapakita.

"Twenty percent discount lang 'yan, kung yung full swipe card, libre lahat."

"Ha? Meron nun?" Tapos mabilis nitong tinawag si Trina dahil ito ang organizer ng mission na ito. Lumapit din agad, "Bakit itong may discount lang inavail mo, meron daw full free of charge?"

Walang expression ang balik, "Balak ko nga wala para maglabas kayo ng barya sa pamasahe. Nadaanan ko lang iyan at sinubukan, para naman sulit ang pagiging pasahero niyo sa bus.

"Cruel," ganti dito ni Rei pero nakangiti ng todo.

Assigned ang mga ito sa isa sa public transportation, ang bus, kasama nito ang dalawang back ups. Puro may mga kaya sa buhay at sobrang mayayaman kaya ang maglabas ng barya para sa mga ito ay isang libo.

Sa akin naman tumingin si Trina, "Magkasama tayong tatlo ni Wayne, sa concert tayo assigned."

Kaya nagtipon kaming tatlo para sa review. Walang alam sa plano dahil kagagaling pa lang ng ibang bansa kanina at tinawag lang ngayon para dito. Ang katawan ay may jet lag pa, at parang ang kaliwang kamay ay hindi sanay ngayon, wala kasing kamerang hawak. Sa iba't ibang bansa ay halos araw-araw.

"May suggestion ka ba, Jill?" Tanong ni Trina.

"Pumunta ako sa concert nila sa Portugal," napatigil saglit dahil sa naramdaman mula sa likod, may dumaang pakiramdam na ayaw pansinin. Pinagpatuloy ko, "nabalewala ang ticket pass ko kasi masyadong magulo ang mga tao sa loob ng concert hall. Ahm, hindi ko na-enjoy. Suggestion ko mas paingayin natin, world record ba."

"Mas maingay? Ano kaya kung ganito," ibinulong ni Trina ang naisip na set up.

Nakangisi kami pagkatapos.

"Wala kang patawad... magwawala ang fans," pero exciting para kay Wayne ang idea.

Dumaan sa likod namin ang tatlong Martial, malalakas ang mga aura. Natural para sa kanila ang gagawin ngayon. Ang mga ito ay sa istasyon ng train at sasakay mismo doon.

BOOK 8 - CAPTUREDWhere stories live. Discover now