Chapter 17

1 0 0
                                    

Binalik alaala ang nangyari noon, ang unang araw ng klase.

"So clear na tayo? Ikaw ang una sa lahat kaya close natin ang topic na 'yan," balewalang sabi pa.

Napatingin ako sa malayo. Naalalang nakasandal ako noon kay Gerari sa balikat, nagising ako noon ganoon ang posisyon namin at--

"Move on Lee. Ako naman magtatanong, bakit nakaakbay sayo ang linta?"

Linta? Pero... "Hinalikan mo ako ng tulog ako? Bakit mo ginawa iyon?"

"Dahil gusto ko! May tanong pa?" Lumalakas ulit ang boses.

"Dapat ginising mo ako."

Ito naman ang nanlaki ang mga mata tapos namula ang magkabilang pisngi.

Napangiti ako sa itsura niya, "Biro lang," dahil rin nawala ang bigat sa loob sa mga narinig, "si Jasper, feeling ko pinagtatanggol niya ako sa admirers mo."

Parang ito naman ang hindi maka-move on, "Magpapaalam pa ba ako sa'yo o gigisingin ka kung ikikiss kita?"

Hindi ako nakapagsalita. Tapos sunod ay hindi mapigilan tumawa ng tumawa. Pati din ito tumatawa na rin. Pinigilan at pilit itinikim ang mga labi. Nakapagsalita ako pagkatapos ng mahabang sandali, "Ang cute ng tanong mo Era."

"Pusa nga ang cute... pero ano sagot mo sa tanong ko?"

Pinag-isipan ko at kahit matagal ay hinintay ang sagot, "Dapat alam ko."

"So depende dahil conscious ka kung papayag ka o hindi?"

Napatango bilang tugon, "Bata pa tayo. Sa tamang panahon ako mismo magkikiss sa iyo."

Nilapit ang mukha sa akin. Inatras ko agad ang ulo pero palapit ng palapit.

"Era..."

"Yes?"

"Ano gagawin mo?"

"Secret."

Secret pero, "Di ba sabi ko sa tamang panahon?" Natataranta na ang loob ko.

Inalis ang seatbelt at dumikit pa lalo, hindi ang lips kundi ang pisngi at parang pusa na pinagkiskis ang mga iyon, "Hihintayin ko ang araw na 'yon Lee. Ikaw mismo lalapit sa akin... tatanggapin ko ng walang questions."

Nawala ang kaba at napangiti sa galaw at bulong, "Huwag mo kalimutan."

"Hinding hindi."

Humiwalay at nakatitig sa akin ng kakaiba. Gusto ko ito.

"Lumayo ka sa linta, may balak iyon sipsipin dugo mo... huwag kang magpapaakbay sa kanya ha."

Tumango ako, "Ikaw din, iwasan mo mga insek-- ang admirers mo... marami pati sila."

Tumango din at hinaplos noo ko at napunta sa buhok. Nilapit ulit ang ulo sa paraang kinukuha ang amoy doon, "Ambango."

"Mabango kasi ang petal scent sa bathroom."

Lumayo din agad, "Nakaka-addict... alis na tayo."

Hinawakan muna ng mahigpit kamay ko bago pakawalan at nagdrive.

Umuwi kami sa mansion. Pinagpalit ako ng damit para sa jogging. Mabilis ko iyon ginawa. Ayaw man ay sinuot pa rin ang nasa dressing room. Isang loose jacket at jogging pants. Hindi nahirapan pumili ng rubbershoes kasi marami ang pagpipilian sa iba't ibang sukat malapit sa paa.

Nang magkita sa labas, tinaas ang hood ko saka tinakip sa ulo hanggang kalahati ng mukha, "Para unnoticeable tayo," parehas din ang ginawa sa suot nito.

Nagjogging ng mabagal sa labas ng gate, sa malawak na subdivision na puro malalaking bahay sa magkabilang side. Kahit masasakit pa rin ang muscles sa binti, nawawala sa pagtakbo ulit. Kung araw araw ko pala gawin, masasanay ang katawan at mas lalakas.

BOOK 8 - CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon