Love Story #49

859 18 0
                                    


Karissa

It's Braeden and Brennan birthday. Nabalot ko na yung ibibigay ko kay Brennan, at papunta na ako sa bahay ng mga Guerrero. Tutulangan ako ni Maeve para ikabit lahat ng mga pictures, ilagay lahat ng mga balloons at sticky notes na to sa kwarto ni Braeden. Since wala na akong mabili at hindi ko naman pwede gawin to mamaya sa party niya, sa bahay na lang nila.

Maaga silang pumunta ni Fritz sa company nila, andoon ang Mommy ni Braeden sa bahay nila at hinihintay din kami ni Tita doon.

Bitbit ko naman ang malaking paper bag, hindi ko pa inihipan ng hangin ang mga lobo dahil baka makita ni Kuya kapag bumaba ako.

"May lakad ka Kar?" Tanong ni Kuya Zep ng lumapit ako sa mesa

"Meron lang kaming pupuntahan ni Maeve"

"Sabay na tayo mamaya pupunta sa party nila Brae?" Sabay kagat niya sa tinapay. Umupo naman ako sa harap niya at kumuha ng pagkain. Tumango lang ako kay Zep

"3pm siguro nandito na ako"

"Okay.. I need to go. Take care Kar" Sabay tayo ni Kuya. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Tinext ko naman si Maeve na pupunta na ako sa kanila.

**

"Good morning Tita" Bati ko sa Mommy ni Maeve. Tumigil naman ito sa pag spray sa mga bulaklak niya at ngumiti sa akin. Bumeso naman ako sa kanya.

"Si Maeve, Tita?"

"Na sa taas pa" Tumango naman ako sa kanya.

Hindi ko pa din maisip kong paano sila nagsasama ni Maeve sa bahay na to, hindi sila masyado nag-uusap, sobrang strict si Tita kay Maeve, gusto niya lahat ng gusto niya masusunod ni Maeve.

"Take care you both" Sabi ni Tita ng makita niyang palabas si Maeve, tumango naman ako sa kanya at dumiretso ito sa mga iba pa niyang mga bulaklak. Lumabas naman kami ni Maeve na dalawa, naka sabit ang isang headset niya sa isang tenga.

"Hey" Tawag ko sa kanya ng nakapasok kami ng sasakyan. Tumingin naman siya sa akin

"Problem?" I asked

"Nothing. Naiinis lang ako kay Fritz" Simpleng sabi niya at hinilig ang ulo sa bintana.

"Why?"

"Wala nga. Hayaan mo na siya"

"Hanggang ngayon ba naman Maeve? Aso't pusa pa din kayo?" Tanong ko habang tinatahak ang subdivision ng mga Guerrero.

"Because what he wants he gets Kar! Nakakainis yun!"

"C'mon Maeve! Fritz is already twenty three years old. He's matured and knows what is right and wrong" Depensa ko sa nobyo niya

"Really!? Eh ako ano!? Hindi pa din matured!? Punyetang buhay naman oh, nagmahal na nga lang sa lalaking ughh!!!" Sabay padyak padyak pa niya ng paa niya. Umiling na lang ako at tinawanan siya.

Hindi niya naman kayang iwan si Fritz kahit naiinis na siya dito, at minsan nga sinusunod niya naman ang gusto ni Fritz.

I feel Maeve. Ganyan din si Braeden, gusto ganito gusto ganyan. He's bossing me all around, but I never get tired following his orders.

Bumusena naman ako sa labas ng gate nila ni Braeden. Hindi ko pwede ipark ang sasakyan ko sa labas ng bahay nila baka merong makakita o baka pupunta ang mga kaibigan niya.

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon