Love Story #38

805 12 0
                                    

Karissa

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko, kinusot ko naman yung mata ko at tumagilid at humarap sa kabilang pwesto.

Tiningnan ko naman ang pinto ng merong kumatok dito.

"Pasok" Napapaos kong sabi.

Sa sobrang iyak ko kagabi, nakatulog ako. Pinigilan ko ang sarili kong sagutin ang mga tawag ni Braeden. Marunong akong tumupad sa usapan kahit na sa likod nila, at alam kong tumutupad din sila sa usapan kahit sa likod ko.

I'm going to play this fair, because I know if I'm going to play this dirty, malalaman at malalaman nila. Konsensiya nila ang papatay sa kanila.

"Mo-mom" Napabalikwas naman ako sa kama ko ng pumasok si Mommy na seryoso ang mukha, kasunod nito si Daddy sa likod na matalim na nakatingin sa akin.

Napangisi na lang ako sa isip ko. Ang bilis kumalat ng balita.

"Your gadgets and cards Karissa" Sabay lahad ni Daddy ng kamay. Umayos naman ako sa pagkakaupo, sinandal ko yung ulo ko sa headboard ng kama ko at hindi pinansina ng sinabi ni Daddy.

"Karissa!" Sigaw niya. Napakagat na lang ako sa labi ko habang binabalewala sila.

"Honey please" Rinig kong pagmamakaawa ni Mommy habang lumalapit sa akin. Umupo ito sa tabi ko at inayos yung buhok ko.

"I'm tired Mom.. tired of everything.. tired of being a Farrell" Mommy gasped. Daddy looked shocked, itinukod ko naman yung ulo ko sa tuhod ko habang nakaupo pa rin sa kama.

"How dare you Karissa!" Sigaw ni Daddy, hindi ko inalis ang ulo ko sa tuhod ko. Sinubsob ko yung mukha ko doon at nilabas ang sakit na nararamdaman ko.

"Jack! Tumigil ka nga muna!" Sigaw ni Mommy kay Daddy, I tried to keep in silent. Noon pa man, hindi ako nagrereklamo sa kanila ng mga bagay bagay. Hindi ako nagreklamo sa mga oras na hindi nila maiibigay sa akin, puros sila trabaho, papayaman. I am tired being fuck up all the time, I am fucking tired of being one of their choices. Dapat ganito ka, dapat ganyan ka. Fuck it! That is so shit!

Close your eyes. Clear your heart and let it go Karissa.

Padabog akong umalis sa kama at tatayo, mabilis naman kinuha ni Daddy ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit sa paghila niya.

"Jack!" Sigaw ni Mommy pero wala itong nagawa, lumabas ito ng kwarto na tumatakbo. Hindi ako umaangal, hinahayaan ko lang siya saktan niya ako.

"Daddy!" Napapikit naman ako sa sakit ng hinigpitan niya ang paghila sa buhok ko.

"Stay away from this Zephyr" Banta nito kay Zephyr.

"Dad please" Sabay lapit ng kapatid ko pero tinabig lang ni Daddy ang kamay niya, kinuha naman ni Mommy si Kuya Zephyr at niyakap ito.

"Kelan ka tatanda Karissa!? Dahil sa pagiging spoiled mo! Nagagawa mo na to!?" Tanong nito sa akin. Umiling lang ako habang nakapikit at tiniis ang sakit sa pagkakahila niya ng buhok ko.

"Karissa please. Speak up" Kalmadong sabi ni Kuya Zephyr. I took a glimpse at them, tinulak naman ako ni Daddy kaya napasubsob ako sa kama ko. Pinilit kong tumayo at humarap sa kanila. Umiigting ang bagang ng ama ko at sasabog na ito sa galit.

"Kelan naging kasalanan ang magmahal!?" Inis kong tanong sa kanya.

"Maling tao ang minamahal mo!" Depensa niya. I laughed sarcastically and shook my head.

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now