Love Story #43

848 11 0
                                    


Karissa

Nagtatawanan naman kami ni Maeve habang lumalakad papasok ng bahay, dito siya mag hahaponan at para makadaan na din and a little serious chitchat after.

Nagpakulay si Maeve ng buhok, yung medjong red niya na buhok noon brunette na ngayon. Tinanong ko nga siya kung bakit pinaiba niya.

"Papagalitan ako ng tatay ko Kar. Para daw akong jeje" Sabay irap niya sa kawalan, tawang tawa naman ako. Naiinis siya kay Fritz kapag umaandar daw ang pagiging tatay nito kay Maeve. Wala namang magawa si Maeve dahil talo naman siya palagi kay Fritz kung dumating diyan.

"Oh... may bisita ka Maeve?" Mukhang gulat na sabi ni Mico. Tinawanan naman namin siya ni Maeve. He blinked twice and sumalubong kilay niyang tiningnan ako.

"Chix!" Sabi nito at tumawa.Parang hindi ito naniniwala na nagpagupit ako. Well noon pa naman hindi ko talaga gustong paiklian ang buhok ko, nagpapagupit lang ako noon ng 2 or 3 inches at wala na.

"Bakit palagi kayo dito sa bahay? Parang araw araw na lang yan ah" Pumasok naman kami sa loob at umupo sa sofa, tinaas naman ni Maeve ang dalawang paa niya at hinimas himas iyon.

"Lalabas kami, sama kayo?" Tanong ni Mico. Sakto namang nagtinginan kami ni Maeve, kung anong ngiti naman kaagad ang nagflash sa aming dalawa at sabay nag yes kay Mico.

Napatingin naman kami sa kusina ng nagtatawanan, tumayo naman si Mico at tumakbo ng bahagya para lumapit doon. Pareho kaming naka barefoot ni Maeve habang pumunta doon.

Kumabog naman ng mabilis ang puso ko ng makita kong ngumingiti ngiti si Braeden sa gilid habang tinitingnan si Krish na puno ng icing ang mukha. Lumapit naman si Maeve sa mesa at sumabay pa sa pag trip kay Krish. Tumingin naman si Braeden kay Maeve at tumingin sa pwesto ko, sinubukan kong ngumiti pero umiwas kaagad siya. Napakagat na lang ako sa labi ko at lumakad pabalik ng sala.

Kinuha ko yung mga dala ko at ang suot suot kong stiletto kanina, dala dala ko naman lahat paakyat ng kwarto. Ng tumingin ulit ako sa pwesto nila, nagtama ang tingin namin ni Braeden. Ngumiti ako sa kanya at nakita niya yun, hindi ko na hinintay na deadmahin niya iyon o ngumiti pabalik, lumakad na lang ako papasok ng kwarto.

Nilatag ko naman sa gilid ang mga dala ko at sinalpak ang katawan ko sa sa kama, dumapa ako at yakap yakap ang unan.

Nahagip naman ng mga mata ko ang iPhone, laptop, credit cards at ibang gamit pa na kinuha nina Daddy at Kuya Kodi sa akin. Mabilis ko naman inabot yung cellphone ko at binuksan iyon.

Binitawan ko yun ng madaming pumasok sa messages. Hindi ko na binuksan ang iba at puros kay Braeden lahat galing yun.

Braeden:

Baby, are you okay there?

Hey.. I'm worried. Something's wrong?

I am waiting for you call, Karissa.

Hey.

Meron ba akong nagawang mali?

I'm outside of your subdivision

God Karissa! Ano ba nangyayari?

Karissa!? Answer my damn calls.

At madami pang iba, nilapag ko naman ang cellphone ko sa gilid at napahawak sa sentido ko.

Binasa ko din yung mga good morning, goodnight at mga random pang texts ni Braeden.

Ng naramdaman kong nag vibrate iyon, kinapa ko at binuksan.

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now